Chapter 42

2K 42 2
                                    

Chapter 42





Sera's Point of View




"Mimi wake up!"   



Kinusot ko ang mata ko habang ang isang kamay ko ay pinipigilan si Zen sa pagtalon sa kama.




"Baby...stop doing that. Nahihilo si mommy.."    pagod kong sambit at dahan-dahang idinilat ang mata.



Agad namang tumigil ang anak ko sa pagtalon para lumaoit sa'kin at halikan ako sa pisngi. Para bang nabawasan ang sakit ng ulo ko dahil sa halik ni Zen sa'kin. He's really sweet..



"Good morning my baby Zen.."  ibinuka ko ang kamay ko at agad namang yumakap sa'kin si Zen.



"Good morning mommy!"    bati ng anak ko sa'kin.



"Good morning to you Sera."    nalipat ang tingin ko kay Leon na nasa pinto ng kwarto ko.

Kahit bahagyang masakit ang ulo at katawan, tumayo parin ako at binuhat si Zen na nakasuot pa ng pantulog niya. Lumapit ako kay Leon habang busangot ang mukha. Sobrang sakit naman ng katawan ko...para bang may malaking laban akong pinagdaanan!


"Ang agang pumunta ni Carlos dito."    sambit niya habang seryosong nakatingin sa'kin.


Nilampasan ko si Leon pero agad naman siyang sumunod sa'kin. Natatandaan ko ang mga nangyari kagabi hanggang doon sa tinakasan ko si Carlos pero pagkatapos non, hindi ko na alam ang nangyari.


Imposible namang totoo yung panaginip ko na dumating si Eros at kinuha ako diba? Kasi kung totoo 'yon, hindi ako rito sa kwarto ko magigising. Dapat nasa tabi ko siya, kaya imposibleng totoo 'yong nasa panaginip ko. Masakit ang katawan ko, oo. Pero siguro dahil kung saan-saan na ako tumama kagabi sa sobrang kalasingan??


"Oh? Pinaalis niyo naman diba?"  


"Hindi ako...Si Humphrey ang nagpaalis! Nagising nalang ako dahil nagkakagulo kanina sa baba.."    he said.


Natigilan ako sa pagbaba ng hagdan at kunot noong nilingon si Leon.


"Nagkakagulo?"    I asked him. Tumango naman siya.


"Yeah...Humphrey punched Carlos. Nagkagulo silang dalawa.."    he said.


Nagulat naman ako sa nalaman..jusko! Nakipagsuntukan si Humphrey? Kahit na galit sa mundo ang isang 'yon, hindi siya basagulero! Ibig sabihin, may mabigat na dahilan kaya niya sinuntok si Carlos!


Kahit na nahihirapang bumaba dahil bukod sa masakit ang ulo at katawan ko, sobrang bigat narin ng baby Zen ko..


Naabutan ko si Humphrey na kakagaling lang sa kusina ay may pasa ang kanang pisngi. Sinubukan niya pang iiwas ang mukha nang makita ako pero huli na dahil nalapitan ko na siya.


"What happened Humpy?"    nag-aalalang tanong ko sa pinsan bago hinawakan ang mukha niya para iharap sa'kin.


Kinuha ni Leon si Zen sa'kin para makapag-usap kami ng ayos nitong si Humphrey.


"Come on..tell me! Anong ginawa ni Carlos??"   



Hindi kaya nag-eskandalo si Carlos kanina habang tulog ako??


Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon