Chapter 48

2K 44 10
                                    

Chapter 48




Sera's Point of View




"Is this your office mimi?"      Zen asked while examining the whole room. Hawak niya sa isang kamay niya ang paborito niyang robot.




"Yes, baby. Dito nag tatrabaho si mommy.."    sambit ko.




Pumasok si Eros sa opisina ko kaya sabay kaming napalingon ni Zen sa kanya. My heart skipped a beat when our gaze met.




Pareho sila ng damit na suot ni Zen, isang dark blue na coat at slacks, itim na vneck shirt sa panloob at itim na leather shoes. They are both breathtaking!




Lumapit sa'kin si Eros at agad akong binigyan ng halik sa noo. Nang humiwalay siya ay pinagmasdan niya ang suot ko at ngumisi. I rolled my eyes heavenwards.





"You look amazing."    he said. Lalo akong napairap dahil alam kong nang-aasar siya.


I'm wearing a dark blue coat and slacks. Ang panloob ko ay itim na tube kagaya na lamang nang sa kanila..this is all Eros' plan, alright?? Siya ang may gustong pare-pareho kami ng suot!


Kung titingnan ay masyadong pang bata, lakas maka-bagets. Pero kahit papaano ay nagustohan ko kaya hindi na ako nag reklamo at sinunod ang gusto ni Eros.




Tumakbo si Zen papunta sa swivel chair ko at tuwang-tuwa na naupo 'ron. Dumikit naman si Eros sa'kin at laking gulat ko nang palihim niyang pisilin ang puwitan ko!





"Eros!"    sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan niya lang ako.





"Travis will be here at 12 noon."   pag-iiba niya sa usapan. Sumimangot naman ako.




"I don't want you to give him a hug again, Sera. I'm fucking warning you."




Nag tiim ang bagang niya at seryoso akong nilingon.




Muli ko namang naalala 'nung mga panahon na nasa Chevalier pa kami...nanghingi si Travis ng yakap sa'kin 'non at nakita ni Eros 'yon. Buong akala ko ay trip niya lang magalit sa'kin, 'yun pala ay nagseselos na siya!




Ngumisi ako sa kanya.




"Paano kapag niyakap ko siya? Come on, Eros! It's been years since we last saw each othe--aww!"   



Napadaing ako dahil sa malakas na pagpalo niya sa puwitan ko. Madilim na ang tingin sa'kin ni Eros. Sinulyapan ko naman si Zen na abalang laruin ang robot niya sa lamesa ko, bago ko muling sinulyapan si Eros.




"Bwisit ka!"     iritableng bulong ko sa kanya. Nanatiling walang emosyon ang mukha nito.




"Then, try it."     hamon nito.   "I already told you, you won't like it when i'm jealous."    he said.



Saglit niya pa akong tinitigan bago ako hinila at hinalikan sa noo. Nabigla ako mabilis niyang galaw at bago pa ako makabawi, nilapitan niya na si Zen para bigyan din ng halik sa noo.



Nang makapag-paalam na sa anak, diretso lang ang lakad nito at hindi ako nilingon hanggang sa makalabas siya ng opisina ko.



"Ha!"     hindi makapaniwalang singhal ko habang napapailing pa.   "Hahalikan ako tapos hindi man lang ako tiningnan??"   hindi makapaniwakang tanong ko.




Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon