Chapter 30

2.5K 70 3
                                    

Chapter 30



Sera's Point of View



"If peace can only come through killing someone, then I don't want it."  


Iyan ang mga katagang palagi kong sinasabi kay Aki noong mga bata pa kami. Galing iyan sa isang sikat na japanese manga artist at dahil parehas kami ng paniniwala, iyan narin ang naging salawikain ko.


Kasi bakit mo nga naman kailangan pumatay ng tao para magkaroon ng kapayapaan? Para sa'kin isang malaking kalokohan ang mga gangs, gangsters, mafias at mga labanan nila dahil hindi ko alam kung ano bang pinaglalaban nila. Is it their rank? They fight because of their rank in underground world? That's absurd! Papatayin mo ang sarili mo para sa ranggo??



Iyan ang palagi kong naiisip kapag naririnig ko ang tungkol sa grupo namin. Dahil buong akala ko, iyon ang naging dahilan kung bakit nawala ang magulang at ang kapatid ko..



Pero ngayon...unti-unti nang nagiging malinaw sa'kin ang lahat. May kani-kanyang dahilan kung bakit lumalaban ang bawat isa sa mundo namin...may kani-kanyang pinaglalaban ang lahat...at sa lagay ng magulang ko, they fought so we can have a normal life. They fought to save us. Dahil kahit hindi nila ginustong mapunta sa mundong kinalalagyan namin ngayon, they don't have a choice. They are born to be a mafia leader and rule our group..at ganoon din ako.



If killing someone is the only way to save my family, then, I will gladly do it!



Ngayon...anong plano kaya ang magandang gawin para tuluyan nang mapabagsak si Alejandro..



"Hey.."



Natigil ako sa pag-iisip nang pumasok si Eros sa kwarto..narito kasi kami ngayon sa tagong property na binili ni Aki. Dito muna kami pansamantalang tumuloy habang nag-iisip pa sila ng susunod na hakbang.



"Nagugutom ka ba?"    tanong ni Eros. Malambot nanaman ang ekspresyon ng mukha niya..



Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Agad siyang umusog palapit sa'kin at mabilis na ipinulupot ang mga braso niya sa may baywang ko. He rested his face on my shoulder.



"Don't you ever do that trick again..."   bulong niya habang inaamoy ang leeg ko.



Nakagat ko ang labi ko dahil naitindihan ko agad ang ibig niyang sabihin. Ang ginawa kong pagtakas sa kanila para puntahan si Aira ang tinutukoy niya.



"I can't promise Eros..ayaw niyo akong pasalihin sa plano niyo."   bahagya ko siyang sinulyapan.   "Kaya gagawa na lang ako ng sariling plano."   dagdag ko pa.



Nagulat ako ng bahagya niyang kagatin ang balikat ko kaya mahina kong tinampal ang braso niya sa nakapulupot parin sa'kin..



"Ano ba.."    inis kong sambit dahil sinipsip niya naman ngayon ang balat sa leeg ko.



"I don't want you to get hurt Sera.."    bulong nito.



"Hindi ako masasaktan..kaya ko ang sarili ko!"     I fired back. Humiwalay siya sa'kin para tingnan ang mukha ko.



Bahagyang nakanguso si Eros habang ako, nanatiling naka-pokerface. Pinigilan kong matawa sa itsura ni Eros ngayon..he's like a baby! My baby...



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon