Chapter 4

23.3K 603 10
                                    

Abala akong nagbabasa ng article tungkol sa pagbubuntis, ng may kumatok sa kwarto ko,

"Sino yan?" Tanong ko

"Ma'am Aliyah, pinapatawag ka po ng mommy at daddy mo sa baba." Sagot ng katulong namin

"Sige po manang, susunod na po ako."

Pinatay ko na ang laptop ko, mamaya ko na lang itutuloy ang binabasa ko,

Nagayos muna ako bago lumabas ng kwarto,

Pababa pa lamang ako ng hagdan ng makita kong Hindi lang si Mommy at Daddy ang nasa baba, andon din yung parents ni Ivan , pati si Ivan!

What the?!!

Anong ginagawa nila rito?!

Pagkababa ko, nakatingin silang lahat sakin, at mabilis akong sinalubong ni Ivan, at hinawakan niya ang kamay ko.

Ang kapal din nitong lalaking to ei! Matapos niyang hindi magpakita at magparamdam ng ilang araw, ganito ikikilos niya sa harap ng mga magulang namin! Kuware ayos kami ganon? Inirapan ko nga siya.

Pero bakit nga kaya sila nandito?

Hindi kaya alam na ng mga parents namin?!

Ughh!

"Aliyah, Kailan mo pa tinatago samin na buntis ka?!" - Tanong ni Daddy, nakaigting ang panga niya na tanda na galit na talaga siya.

Uminit bigla ang mga mata ko, at nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko,

Hindi ko akalaing mangyayari sakin to! Sa batang edad!

Alam na nga nila. Sinabi siguro ni Ivan.

huminga muna ako ng malalim. At nagayos ng tayo, bago sumagot kay daddy

"Daddy sasabihin ko naman po kas-

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumigaw si Mommy at humagulgol na sa iyak.

Tss. Mommy Im sorry. Kasalanan ko to eh, ayoko pa namang nakikita si Mommy na umiiyak ng dahil sa kasalan ko.

Nagiisang anak lang na babae ako! Tapos ganito pa?! Batang Ina. WTF.

Naghahalo ang kaba at takot sakin ngayon, Uggh. Lord tulungan niyo po ako!

Gusto ko ng lumubog sa kinakatayuan ko ngayon, sa sobrang kaba at takot!

Nanatili kaming nakatayo ni Ivan habang magkahawak ang kamay sa harap ng mga magulang namin.

Nakita ko si Tita, na umiiyak na rin,

"Kailan pa may nangyari sa inyo anak?" Tanong ni tito, na para bang ayos lang sa kanya ang nangyayari

" Last month po Dad " mabilis na sagot ni Ivan

Ng marinig yon ni Mommy lalo siyang naiyak.

Napailing na lamang ako, at tuluyan na ring bumuhos ang luha ko

"Tutal, may nabuo na sila, tama lang siguro na magsama na si Ivan, at Aliyah." Mahinahon na sabi ni Tito

What?!!!

No!!!

"You mean.. Live in? Magsasama na sila sa isang bahay?" tanong ni Daddy, mukhang hindi na masyadong galit si Daddy katulad ng kanina

"NO!!!!" Sigaw ni Mommy, napapikit na lamang ako

"Hon, huminahon ka" Sagot ni daddy kay mommy, muli kong dinilat ang mga mata ko,

"Mabuti pa nga, pero kung maari sana dito na lang sila titira sa bahay." salita ulit ni Daddy

What the?! Magsasama na kami ni Ivan?!
Dito sa bahay namin?!

Ughh.

Tumingin ako kay Ivan at nakita kong nakangiti siya, na para bang natutuwa pa siya sa nangyayari! Uggh. Kailangan talaga naming magusap na dalawa!

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon