Ilang araw na akong wala sa mood na lumabas ng bahay, o kahit gumawa man lang ng kahit ano. Ewan ko ba kung bakit, basta gusto ko lang laging matulog at kumain pagka-gising.
Tapos, lagi pa akong nabobored dito sa bahay namin, busy lagi sila mommy at daddy, yung dalawa ko namang kapatid dumadating lang sa hapon, kapag tapos na ang klase nila sa school. Si Ivan naman, busy na rin siya. Tumutulong kasi siya kay Tito, sa Dad niya don sa isa nilang branch ng restaurant na hindi kalayuan dito, para naman daw may sarili siyang pera bilang paghahanda sa panganganak ko next month. May kasama naman akong dalawang katulong dito sa bahay, tsaka isang driver. Wala ako laging magawa, kaya naman palagi lang akong nasa kwarto.
Mga 7pm ng gabi, dumadating si Ivan dito sa bahay. Lagi naman niya akong tinatawagan, o kaya tinetext para masigurado niyang okay lang ako dito sa bahay. Nakatingin lang ako sa bintana ng kwarto namin ni Ivan, na nakabukas pa rin kahit madilim na sa labas.
6:45 pm na, maya -maya nandito na rin si Ivan. Dalawang beses lang akong lumabas ng kwarto simula kanina. Parang pinipiga ang tiyan ko at pinapaikot -ikot! Napahawak ako sa tiyan ko, at naalala kong hindi pala ako kumain ng lunch kanina!
Marahil gutom na ito! Dahan dahan akong bumangon sa kama, at sobrang sakit talaga ng tiyan ko! Tumayo ako sa kama, at mabilis na bumaba sa hagdan papunta sa kusina, nakita naman ako kaagad ni Manang Fe
"Iha, salamat naman at naisipan mo ng bumaba, halika kana dito at nakahanda na ang pagkain." Nakita ko sa lamesa ang hinandang pagkain ni Manang Fe, Sinigang na Isda na may kasamang Hipon na malalaki, Lumpiang shanghai, white rice at nakita kong may panghimagas rin na minatamisang saging. Kumuha ako kaagad ng plato, at kumuha ng kanin at ulam.
Abala ako sa pagsubo ng kanin na may isda at sabaw ng magsalita si Manang Fe,
"Dahan - dahan Iha, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom, lalo na at buntis ka, naku! Pag nalaman ito ni Ivan, magagalit yon."Bigla kong naalala si Ivan, nasan na kaya yon? "Manang, pahingi naman po ng malamig na tubig." Pumunta si Manang sa may lugar ng ref, at nagsalin ng tubig sa baso
"Baby" Boses na nagpalingon agad sakin.
Nakita ko si Ivan na nakatayo sa may likod ko. May hawak siyang tatlong white rose, at nakangiting lumapit sakin"Baby!" Sigaw ko sa kanya, sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Damn! I really missed him so much! Ramdam ko ang malaki kong baby bump sa may pagitan namin, bahagya niyang ginulo ang buhok ko habang tumatawa siya
"How's your day?" He asked.
"Bored." -walang sigla kong sagot sa kanya.
"Hmmm, namiss mo lang ako eh. Flower's for my girl." Inabot niya sakin yung tatlong rose na hawak niya."Thank you." Inamoy ko kaagad ang tatlong rose, at hindi ako nagkamali, ang bango! He knows my Favorite talaga! Nginitian ko siya, na agad naman niyang pinalitan ng mabilis na halik sa labi ko.
Hinawakan niya ang mukha ko, at pinagdikit niya ang noo namin. Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko, at ramdam ko ang malapit niyang hininga sa akin. Tiningnan ko ang mga mata niyang nakatingin sakin, all I can see now is pure of love.
My Heart beats faster again and again.
And all I can do now is gave him a smile,
then,He smiled back at me.
Seconds has passed and
"Aliyah, I don't care what them people say, you don't have to be afraid in anything or everything because Im always here, beside you, no matter what happen. Without you I feel broke like Im half of a whole, You are my favorite part of me, With you I got nothing to fear..
I love you"
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!