Aliyah's POV
Today is Saturday! Walang pasok sa work si Ivan ngayon! Kaya naman ang happy happy ko! Hahaha.
May makakatulong na kasi ako sa pag-aalaga kay Baby Shacey ngayon, At tsaka sa pag-gawa ng mga gawaing bahay hihi.
Habang ako ay parelax- relax lang muna dito sa kwarto kasama si baby Shacey, ay si Ivan naman abalang - abala sa mga gawaing bahay. Sarap buhay ang bida niyo ngayon! Hahaha
Wala naman akong magawa, kaya nag cellphone na lang ako, para mag instagram at facebook.
Tiningnan ko ang newsfeed ng facebook ko, wala namang bago, ganon pa rin.
Puro kung ano-ano lang ang mga nasa newsfeed ko. Kaya naman nag-instagram na lang ako.
Pagkabukas ko pa lang ng Instagram Account ko, bumungad na sakin ang picture ng ultimate crush ko! Na isang singer sa ibang bansa, walang iba kundi si Shawn Mendes! Wahh! Ang gwapo niya talaga! Tapos ang galing pang kumanta, favorite song ko yung kanta niya na Stitches!
Pagkatapos non, na bored na ako. Kaya nilapag ko na lang ulit yung cp ko sa study table tabi ng kama namin ni Ivan.
Tiningnan ko si Baby Shacey, na nakahiga sa tabi ko.
Ang bilis lumaki ng baby namin! Parang kailan lang, umiiyak ako dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko, dahil buntis ako. Ngayon, maayos naman na ang lahat, masaya ako, at kuntento sa kung anong meron ako.
Kakargahin ko sana si Baby Shacey, ng mag ring ang cp ko na nakapatong sa study table.
Kinuha ko ito, at nakita ko ang unsave number ang tumatawag.
Sino naman kaya to?
I answered the incoming call.
" Hello, Aliyah this is Rissey. " Salita ng nasa kabilang linya, Si Rissey pala! Bakit kaya siya napatawag?
" Rissey, ikaw pala yan? Bakit ka napatawag? " Tanong ko sa pinsan ko, na alam kong pag may kailangan lang o may gustong sabihin kaya tumatawag.
" Aliyah, I just want to ask kung nanjan ba si Ivan? At kung free ba siya today?"
Ano daw? Tinatanong niya kung nandito ba si Ivan? At kung free ba ito? At bakit naman?! Hindi ko alam pero nainis akong bigla sa tanong ng pinsan ko. Iba kasi yung ini-expect kong tatanungin niya.
" Bakit?? " Tanong ko sa kanya na may halong pagkairita.
" Ahmm, wala lang naman, pupunta ako jan sa house niyo ngayon." After she said that, nag-end na siya ng call.
I expected kanina, na ako ang tatanungin niya at hahanapin niya, hindi si Ivan ang boyfriend ko!
Bakit ganun?
I feel something bad. Para bang pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari, at naiinis ako kay Rissey!Nung nag dinner kami noon, noon pa ako may ganitong pakiramdam!
Parang may hindi ako alam tungkol kay Rissey at kay Ivan. Uggh! Girl Instinct!
Kailangan ko yon malaman! Pakiramdam ko, may tao sa paligid ko, ang hindi nagsasabi sakin ng dapat kong malaman!
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!