Chapter 6

22.1K 496 8
                                    

ALIYAH'S POINT OF VIEW
×××

Magdadalawang buwan na akong buntis, at magdadalawang buwan na din kaming magkasama ni Ivan sa isang bahay.

Dito kami sa bahay namin pag week days, at pag week ends naman lumilipat kami kila Ivan.

Sa loob ng dalawang buwan, ang daming pagbabago ang nangyari. Sa loob ng dalawang buwan, ang dami kong narealized.

Nag stop na muna ako sa pag aaral, ganun din si Ivan, nung una ayokong pumayag na pati siya mag stop, pero dahil mapilit siya, ayan nag stop na rin muna siya para maalagaan niya daw kami ni Baby.

Hindi kami pinapabayaan ng mga parents namin, nanjan sila palagi para gabayan kami.

Suportado nila kami.

Ang daming nagulat, ng malaman nilang buntis ako.

Pero nung tumagal naman, naging maayos na ang lahat.

Regular akong nagpapacheck up, syempre laging nasa tabi ko si Ivan, hindi niya kami pinapabayaan ni baby.

Maingat akong bumaba ng hagdan, at pumunta sa kusina.
Malayo pa lamang ako, amoy na amoy ko na ang mga niluluto sa kusina. Bigla akong nagutom. Sunday ngayon, wala pa rin ang parents ko at ang mga kapatid ko dahil nag out of town sila nung friday, dapat kasama kami ni Ivan, kaso dahil tinamad ako, di na kami sumama at naiwan na lang dito sa bahay. Ewan ko ba, napansin ko lang nitong mga nakaraang araw, ayokong ayokong masyadong kumikilos, lagi akong tinatamad at ang gusto ko lamang ay kumain,matulog at manuod ng movie buong maghapon.

Ng marating ko ang kusina, napangiti ako bigla, ng makita ko si Ivan na abalang nagluluto ng umagahan.

Ganyan siya araw araw, gusto niyang siya ang nagluluto ng pagkain ko, para masiguro niya daw na healthy kami ni baby.

"Good Morning!" Masigla kong bati sa kanya, na siya namang ikinalingon niya.

Ng makita niya ako, ay ngumiti siya ng ubod tamis.

"Good Morning! Maupo ka na jan, at malapit na tayong kumain."

Pagkatapos naming kumain ni Ivan, pumunta na ako sa sala, para manuod ng Movie . Simula kasi ng mabuntis ako, naging hobby ko ng manuod ng Movie, yung mga love story ba.

Abala ako sa panunuod, habang si Ivan naman abala sa mga gawaing bahay.

Gusto ko sana siyang tulungan, kaso ayaw niya daw na mapagod ako.

Bahala nga siya, basta ako manunuod ng movie, napili ko kasing panuodin ang isang korean love story movie, medyo matagal na ang movie na to, pero okay lang sakin.

IVAN'S POINT OF VIEW

Abala ako sa mga gawain ng bahay, habang si Aliyah naman nanunuod ng movie sa sala. Ayoko siyang mapagod kaya ako halos gumagawa ng lahat.

Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit namin, ng marinig kong sinisigaw ni Aliyah ang pangalan ko.

Dali dali akong pumunta sa sala, shit! Ano nangyari don? Tss, hindi ko mapapatawad ang sarili ko, pag may nangyaring masama sa kanya! Kasalanan ko to! Hindi ko siya binantayan sa sala.

Ng marating ko ang sala, nakita ko si Aliyah na umiiyak, humahagulgol siya! Shiit! Nilapitan ko siya agad.

"Ivann!" Iyak pa rin siya ng iyak, lumuhod ako sa harap niya, para mapantayan ko ang mukha niya

"May masakit ba sayo?! Ano?! Tara na sa ospital! Ano ba kasi ginawa mo?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko, kaya medyo lumakas na ang boses ko.

Ano bang nangyayari sa kanya?!

Hinawakan ko siya sa balikat niya, at niyugyog. Tuloy pa rin siya sa iyak!

"Aliyah! Magsalita ka!" lalo pang lumakas ang iyak niya, lalo na akong nagpanic, tiningnan ko siya, wala namang dugo, o kung ano sa katawan niya

"Ivann! Hindi ko na kaya!" Sigaw niya sakin, ano?! Mag 2-two months pa lang ang baby namin! Imposibleng manganganak na siya!

"Manganganak ka na?!" Tanong ko sa kanya, bigla naman siyang huminto sa iyak

"Tangina mo Ivan! Alam mong
mag 2-two months pa lang ang baby natin eh!" Pagkasabi niya non, naiyak na naman siya! Nababaliw na ba ang girlfriend ko?!

"WTF! Aliyah! Ano bang nangyayari sayo?!"

"Ivan, niloko niya yung yung babae! Hindi ko matanggap!" ano daw?!

"Ano?! Sinong babae?! Anong niloko?!"
Tanong ko sa kanya, hinampas hampas niya pa ako sa dibdib, napapikit na lang ako sa sakit.

"Ivan! 6 years ! Sinayang lang ni boy ang lahat! At pinagpalit niya ang gf niya sa nakilala niyang girl sa trabaho niya!"
WTF! Akala ko naman kung ano na ang nangyayari sa kanya! Ganyan siya palagi pagkatapos niyang manuod ng movie, nagiging madrama na siya! Para bang siyang yung bida don sa movie! Ang weird niya talagang buntis!

"Tama na baby, hayaan mo na, happy ending naman." Bahagya ko siyang niyakap, at tinapik tapik ang likod niya

"Ivan! Anong happy ending?! SAD ENDING NGA!!!" okay, ayan na naman po siya!

Ilang minuto ang lumipas, at sa wakas! Tapos na siyang magdrama! Hahaha

Aalis na sana ako, para ituloy ang ginagawa ko, ng magsalita si Aliyah.

"Ivan panget!" Tss. -_- napaka talaga nitong abnormal na buntis na to.

"Oh, ano? Maganda kong girlfriend na soon to be my wife." konting bola bola lang yan Ivan pogi,haha joke.

"Gusto kong kumain ng manggang hilaw na isasawsaw ko sa mayonnaise!" Parang bata pa siyang pumapalakpak habang sinasabi yon

"What?!!!" ayan na naman ang craving niya! Anong lasa non? Naiimagine ko pa lang nasusuka na ako!

"Edi wag! Wag kang tatabi sakin mamaya! Sa labas ka matulog!"
Ano?!!! Ayan na naman ang pagka moody niya!

Katulong na nga ang peg ko!, na yaya pa! Tapos ano! Parang aso lang?! Sa labas matutulog?!

Kainis.

Pasalamat ka Aliyah, mahal na mahal kita!

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon