Chapter 15

10.2K 191 2
                                    

IVAN'S POINT OF VIEW
×××

"Ivan, anak pwede bang maupo ka na nga lang muna, kanina ka pa hindi mapakali jan." Kahit kanina pa yan nila sinasabi sakin yan, wala akong pakialam!

Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko simula pa kanina, ng dalhin namin dito sa hospital si Aliyah. Yes, nandito kami ngayon sa hospital!

Kanina kasi, habang kumakain kami ng dinner, 7 pm, bigla na lang sumakit yung tiyan ni Aliyah, tapos bigla na lang.. uggh! Ang bilis ng pangyayari!

Nandon na siya ngayon sa labor room! Manganganak na si Aliyah!

"Anak, Aliyah is a strong girl, I know makakaya niya yon, We only can do know is pray for her and for the baby." Yeah, Mom's right, I know kakayanin ni Aliyah yon, matapang siya. Tama.

Bahagya kong pinikit muli ang mga mata ko, at muli akong nagdasal kay God, para sa mag-ina ko. In my 16 years existence, I never felt like this before! Yung naghahalo yung takot, pangamba, at kaba mo sa dibdib!Hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyari ngayon, pero alam kong kakayanin ni Aliyah ang lahat ng ito.

At alam ko din na hindi kami papabayaan ni God. Tiwala lang, magiging maayos din ang lahat. Pagkatapos ng ilang buwan, nandito na kami ngayon, at hinihintay ang pag-labas ng isang pinaka-magandang regalo ng Diyos samin.

Wala akong pinagsisihan sa nangyayari ngayon, masyado pa man akong bata para dito, wala akong pakialam, dahil alam ko namang kaya kong gampanan ang pagiging mabuting ama sa anak ko, at pagiging isang mabuting boyfriend kay Aliyah.

2hours has passed, and then finally, lumabas na rin ang doctor ni Aliyah mula sa labor room.

Nandito ang lahat pareho ng family namin ni Aliyah,

Nandito kami ngayon sa labas ng labor room, since bawal kaming pumasok sa loob. Pagkalabas na paglabas ng doctor dali dali akong tumayo, para salubungin ang doctor, at kamustahin ang kalagayan ng mag-ina ko.

"Doc, how's my girlfriend, and our baby?" Para akong tinutusok tusok sa sobrang kaba, kung ano ang isasagot ng doctor sa tanong ko, napansin kong kinakaban din sila mommy and tita.

Nakita ko ang bahagyang pag-ngiti ng doctor samin.
"She did it! Your girlfriend is fine and also the baby, Congratulations." At ang luha na kanina ko pa pinipigilan na ilabas, tuluyan na itong tumulo.
Hindi dahil sa malungkot ako kundi dahil sa sobrang saya!

Thank you so much GOD!

At ang tahimik na paligid ko kanina, napalitan na ng ingay sa kadahilanang maayos ang naging panganganak ni Aliyah! I can't wait to see my son, and also my future wife, my everything.

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon