Chapter 27

8.1K 175 9
                                    

"Mom! What happened?!" Tanong ko kay mommy ng makita ko sila naghihintay sa labas ng emergency room.

"Kanina kasi, ng puntahan ko si Shacey sa kwarto para i-check siya, nagulat ako ng mahawakan ko siya ay napaka-init niya!" Sh.t! Kasalanan ko to eh! Dapat hindi ko siya iniwan kanina.

"Ate, don't worry he will be fine." Luke

Si Luke, at Mommy lang ang kasama ko ngayon dito na naghihintay sa labas ng emergency room.

Ilang beses na akong tahimik na nag-dadasal para sa anak ko. Bakit nangyayari ang lahat ng kamalasan na ito sakin?!

" Anak, Im sorry hindi ko siya nabantayan mabuti kanina." hinawakan ko ang mga kamay ni mommy, wala siyang kasalanan, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito, napapabayaan ko na ang anak ko.

"Mom, wala kang dapat ika-hingi ng tawad, hindi mo kasalanan to." Kita ko ang buong pag-alala ni mommy kay Shacey.

Naputol ang pag-uusap namin ni Mommy ng , may lumabas na isang doctor galing sa emergency room.

"Good evening." Bati ng doctor samin, na kakalabas lang ng emergency room.

Sabay pa kaming natayo ni Mommy,

"Kayo ba ang pamilya ni baby Shacey?" Tanong ng doctor samin, na agad kong ng sinagot OO.

"Mataas ang lagnat ni Baby, pero naibigay na namin sa kanya ang mga gamot na kailangan niya, pwede na siyang ilipat mamaya sa private room. Kailangan lang natin bantayan ang kalagayan ni Baby, kaya kailangan talagang dito muna siya. But Im sure, he will be better soon." Thanks GOD!

Nawala ng kahit papaano ang kaba at pag-aalala na kanina ko pa nadarama, ng marinig ko ang lahat ng iyon galing sa doctor na nang-tingin kay Shacey.

" Thank you doc!"
-

Ng mailipat si Shacey, sa private room na kinuha ni mommy kanina, nagpasya siya na umuwi muna sila ni Luke, para kumuha ng pagkain at damit na kakailanganin namin ni Shacey dito sa Hospital.

Ng masiguro kong, maayos na ang pagkaka-tulog ni Shacey,

Kinuha ko ang phone ko, at sinubukang tawagan ang number ni Ivan.

Laking gulat ko ng nag-ring ang phone niya.

At wala pang ilang segundo, may sumagot na ng tawag ko.

" Hello." Kinabahan ako bigla ng marinig ang boses niya.

Kailangan niyang malaman ang lahat ng ito. Kailangan namin siya ngayon ni Shacey.

" Ivan, We need you here! Nandito kami ngayon sa hospital, si Shacey, may sakit."

Ilang segundo na ang nakaka-lipas pero Wala pa rin siyang kahit ano, na sinagot sa sinabi ko.

The fuck! Wala man lang siyang sasabihin?!

"Ivan naman! Tungkol na to kay Shacey! Wala ka bang paki-alam sa anak natin?!"

Hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan siya, nakakainis siya! Mas inu-una pa niya ang babae niya, kaysa sa amin ni Shacey!

"Aliyah, Im sorry. I can't" Yoon lamang ang nasabi niya, pagka-tapos non pinatay na niya ang tawag.

Sinubukan kong tawagan pa siya ulit, pero nakapatay na ang phone niya!

Walang- hiya siya! Paano niya nagagawa to!

Tungkol na to kay Shacey, pero wala pa ring siyang pakialam! Mas pinipili na niya ngayon si Rissey kaysa sa anak namin!

Gago siya. May mga pangako, at kung ano ano pa siyang sinasabi non, tapos ganito lang pala ang gagawin niya ngayon!

Handa naman akong ipag-laban pa ang relasyon namin, dahil una sa lahat mahal na mahal ko siya! Gagawin ko ang lahat para bumalik lang siya samin ni Shacey, pero sa ginagawa niya ngayon sakin, samin ng anak namin, para na rin niyang sinasabi na,

Hindi siya nararapat samin ni Baby Shacey.

Mahal ko si Ivan, pero dahil sa sobra na ang ginagawa niya, handa na akong kalimutan na siya! At hindi ko na hahayaang makalapit pa siya samin ni Shacey!

Anak na namin, ang pinag-uusapan ngayon! Pero parang wala lang sa kanya!

Talaga bang wala na kami sayo Ivan?!

Ganoon na lamang niya kami kalimutan!
Pareho naman naming ginusto ang ganitong buhay ah! Pero bakit naiwan na lang akong mag-isang lumalaban para samin? Na dapat dalawa kaming lumalaban.

Akala ko ba, walang bibitaw?
Na pareho naming haharapin ang lahat ng ito? Nasaan siya ngayon? Wala!

Ayoko ko ng lumaban, dahil alam kong talo na ako. Bumitaw na siya, para saan pa na ipag-laban ko ang relasyon namin!

Wala ring kwenta kung lalaban pa ako, dahil sumuko na ang taong pinag-lalaban ko.

Ivan Ace Ramirez, pag-sisisihan mo ang lahat ng ito, sinisigurado ko yan!
-

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon