Gaya ng sinabi ni Lester, tinulungan niya akong makapasok ng hospital ng makaalis ang Dad nila. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, lalo na't ilang hakbang na lang makikita ko na siya.
Wala akong kaalam-alam sa kung ano ba ang kalagayan niya ngayon, pero dalangin kong maayos sana siya. Hindi nagsasalita si Lester hanggang sa marating namin ang kwarto na may numero na 11 nakalagay sa isang bagahi ng pinto, at may papel na nakalagay sa ibaba nito na nakasulat ang Francine Sandrine Tan, si Aliyah ang babaeng mahal ko.
Tinapik lamang ni Lester ang likod ko bago siya magpa-alam na aalis muna, habang ako ilang beses munang nagpakawala ng mabibigat na hininga bago pihitin ang door knob ng pinto.
Nandito na ako Aliyah.
Ng makapasok ako sa kwarto, isang bagay ang agad kong napansin ang katahimikan, at walang ibang tao kundi ako lamang at ang isang babae sa hindi kalayuan na nakahiga sa kama.
Malayo pa lang ako, alam kong siya na yon. Ramdam ko ang hirap niya sa bawat segundo na nagdadaan. Nakita ko ang ilang hospital apparatus na parang nagsasabi sakin, kung gaano kalala ang kalagayan niya ngayon.Pagkalapit ko sa kanya, awtomatikong bumagsak ang mga luha ko na akala kong naubos na. Hinawakan ko ang kamay niya, alam kong hindi niya alam na nandito na ako ngayon pero nararamdaman ko na lumalaban siya para samin.
"Nandito na ako Aliyah, hindi kita iiwan. Kapit lang tayo, walang bibitaw." Kung pwede lang na ako na lang ang nasa kalagayan niya ngayon hindi ako mag-dadalawang isip na gawin yon. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito. Patawarin mo ako Aliyah.
I looked at her, her eyes, her nose, her lips, everything about her that I fell inlove with. Wala pa ring nagbabago, siya pa rin ang babaeng minahal ko simula nung una.
"Alam kong ang hirap ng sitwasyon natin ngayon, pero gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala ulit sakin."
Hindi ko na kakayanin pang mawala ulit siya sa buhay ko, hindi ko na makakaya pa. Pero bakit ba kailangan pang mangyari ang lahat to? Sana kaya kong intindihin ang dahilan ng Diyos sa lahat ng ito.
Naalala ko ng unang beses naming mag-date ni Aliyah tinanong niya ako ng "Hihintayin mo ba ang taong mahal mo, kahit gaano pa katagal ang abutin?" Hindi ko siya maintindihan noon, kung bakit niya biglang tinanong yon pero sumagot ako ng "Oo." Dahil totoo yon, at ngayon mukhang naiintidihan ko na kung bakit niya tinanong sakin yon noon.
"Hihintayin kita Aliyah, kahit gaano kahirap, kahit gaano katagal basta lumaban ka lang." Hindi ako susuko, alam kong maraming pang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw, pero kahit na ganon hindi ako bibitaw. Hinding-hindi.
I realized that sometimes you make choices in life, and sometimes choices make you. And the only thing you can do is to be brave and strong enough to survive.
Kailangan kong maging matapang at malakas, para kay Aliyah, para saming dalawa, at sa anak namin. Maaring sa ngayon, hindi ko alam ang nais ng Diyos para saming dalawa pero naniniwala akong magiging maayos din ang lahat.
Alam kong nasa kanya ang desisyon, siya ang nagpapatakbo ng buhay niya. Siya lamang ang makakapili sa dalawang bagay ngayon, living or leaving. Alin lamang sa dalawa ang maari niyang piliin. Siya lang ang maaring pumili sa landas na tatahakin niya.
At kung ano man ang pipiliin niya, nandito lang ako naghihintay.
"Naghihitay ako Aliyah, wag kang sumuko. Marami kaming naghihitay sayo." Walang kasiguraduhan ang lahat sa ngayon, at natatakot ako sa kung anong dala ng bukas.
Lumapit ako sa mukha niya at hinalikan siya sa kanyang noo. Hindi ko pa rin binibitiwan ang kamay niya.
Alam kong kahit anong oras maari siyang kunin sakin ng Diyos, pero hindi ko hahayaang mangyari yon. Alam ng Diyos kung gaano ako lumalaban ngayon, para samin ng babaeng mahal ko.
Maaring hindi niya ako naririnig ngayon pero sasabihin ko pa rin ang lahat ng ito, "Aliyah please stay with me, with us. Lumaban ka, wag mo kaming iiwan. I'm still here, crazy inlove with you, you're my life. If you stay, I'll let you go if that's what you want, but please just stay. I'll let you go, even if its hard for me to do so. "
"I love you."
-
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!