ALIYAH'S POINT OF VIEW
My phone keeps vibrating. At ng tingnan ko kung sino yung tumatawag hindi ako nagkamali, it's my brother Tryone. I answered his phone call, kilala ko si Tryone malamang galit na yon ngayon dahil kanina pa siya tumatawag at di ko sinasagot.
"Hel—"
"Francine Sandrine Tan! Buti naman naisipan mo ng sagutin yung tawag ko! Kanina pa ako tumatawag! Nasaan ka na? Ikaw na lang wala!" Napa-iling na lang ako ng marinig ang mga yon, hindi ako nagkamali galit na nga ang kapatid ko, at malamang baka lahat na sila don ngayon galit na sakin.
"Tryone, sinabi ko naman na kasi diba hindi ako makakasama madami pa akong kailangan gawin sa shop. Madaming orders kaya—"
"Francine it's me Lester, sarado na ang shop mo ngayon, at yung mga may orders napakiusapan namin na by next week na lang nila kunin. Kaya please gumayak ka na, nandito na kami sa gate ng bahay mo. I gave you 10 minutes go!"
Call Ended...
"Wait, kuya! Hindi pwede—" Uggh! Hindi talaga sila papayag na hindi ako sumama. Dahil pati ang shop ko na dahilan ko sa kanila nagawa nilang pakialamanan!
So now, I don't have a choice. Kaya naman kahit ayoko talaga, nagsimula na akong mag-ayos at kunin ang mga gamit na kaka-ilanganin ko mamaya. Wala pa yatang 10 minutes my bags are packed and I'm ready. Pagkalabas ko pa lang sa bahay sinalubong na ako ni Shacey na nakasimangot. I smiled at him, "Hey, how's my baby?"
Mas lalo siyang sumimangot ng sabihin ko yon, I chuckled. "Mommy, how many times do I have to tell you na I'm big boy na! Hindi na ako baby!"
"Kahit na big boy ka na, ikaw pa rin ang baby ko. Ikaw ha, wag mo akong sinusungitan ng ganyan."
"Sorry mom, wag mo na po akong tawagin baby kasi."
"Okay my baby."
"Mommy naman eh!"
It's been two years at madami na talagang nagbago. While I'm looking at my son, I realized that he's really grow up into a handsome and smart boy. Hindi ko pa rin makakalimutan nung unang beses ko siyang makita. At yung mga panahon na nasa sinapupunan ko pa lamang siya. Hindi ko akalain na mapapalaki ko siya ng mabuti, lalo na at napakabata ko pa noong maging ina ako sa kanya.
"Gia, say hi to your tita!" Tryone said to my cute niece.
"Say hi tita." Sabi pa ni Rissey ng maupo ako sa tabi nila. I smiled at them, they really looked happy family na. Rissey and Tyrone are getting married on next month, and their daughter Gia is 2 years old now.
"Where's Kuya Lester and Ate Freya?" Tanong ko sa kanila ng mapansin kong silang dalawa lang ang wala.
"Naku! Ayon hindi na daw sasama at kailangan magpa-check up ni Freya. Eh paano bago ka dumating kanina nagsuka at nahihilo si Freya! Buntis pala ang ate mo!" Rissey said.
"What?! Omg! Mag-kakaroon na naman ng pinsan si Shacey!"
"Oh yes! I can't wait na nga eh! Akalain mo yon, mag-kakaayos din pala yung dalawa na yon akala ko dati hopeless case na sila eh."
Hindi ko napigilan mapangiti ng malaman ko yon. I'm sure kuya Lester was really happy right now! He's going to be dad soon! Parang kailan lang hindi sila parehong masaya ni Ate Freya dahil sa arrange married na nangyari sa kanila but thanks God! Okay na din sila ngayon, mahal na nila ang isa't-isa. Everything has changed. Yung dati na parang mga imposible na lang na mangyari nangyari na. Wala talagang imposible. Lunch time na ng makarating kami sa isang resort dito sa La Union. Ang malamig na ihip ng hangin at kasabay ang tawanan ng masasayang tao na ay talagang nakakagaan sa pakiramdam ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!