"Aliyah, anak kumain ka naman na." Kanina pa si mommy pabalik-balik dito sa kwarto ko, para sabihin yan. Katulad ng ginagawa ko kanina, tiningnan ko lang si mommy.
Wala akong ganang kumain.
Hindi ko na nga ramdam ang gutom, kahit na kaninang tanghali pa ako hindi kumakain.
"Anak." Sabi ni mommy, ng makaupo siya sa tabi ko.
"Mom, kakain na lang po ako mamaya."
Alam ko na kahit sabihin ko yon kay mommy hindi pa rin niya ako titigilan.
Ayokong nag-alala si mommy sakin kung maari." Aliyah, Its 8 pm already at kaninang lunch time hindi ka din daw kumain sabi nila Manang Fe." Alam kong pagod si Mommy galing sa work, kaya hindi ko naman hahayaang mag-alala pa siya sakin.
" Okay, susunod na lang po ako. " Pagkasabi ko non kay mommy, umalis na rin siya sa kwarto ko.
-" Aliyah, mabuti naman at naisipan mo ng lumabas ng kwarto mo! Kanina pa iyak ng iyak si Shacey! Tapos ayaw mo pang kumain?! Anong ka-dramahan yan?! " Kakarating ko pa lang sa dining area namin, yan na ang bungad sakin ni Daddy.
Ka-dramahan lang pala tawag niya dito?
Hindi man lang niya ako matanong kung ayos lang ba ako? Matapos ang lahat ng nangyari samin ni Ivan! Nobody ask me if I was okay.
Lalo akong nawalan ng gana kumain.
Kinuha ko si Baby Shacey kay mommy,
Sorry baby, pati ikaw napapabayaan ko na.
"Umayos ka Aliyah!" Sigaw ni Daddy na hindi ko na lang pinansin, binabawal siya ni Mommy, pero sadyang si Daddy pa rin ang palaging nasusunod.
Dumating na rin pala ang dalawang kong kapatid.
Nakita ko ang pag-tayo agad ni Luke, ng sigawan ako ni Daddy. Si Cliford naman tuloy lang ang kain.
Lumapit samin ni Shacey si Luke, nakita ko na naiiyak na siya.
" Ate, are you okay? " Tanong ni Luke sakin, buti pa siya natanong niya ako kung okay lang ba ako.
"Luke, alam kong magiging okay din ako." Isang taon lang ang age gap namin ni Luke, kaya naman sa aming magkakapatid kami ang sobrang close, alam niya kapag hindi na ako okay.
" Ate, don't worry nandito lang ako palagi, hindi kita iiwan. " Napaka-swerte ko dahil may kapatid akong katulad ni Luke.
" Thank you Luke. " Then, he hugged me and baby Shacey.
" Kaya kayo Luke, Cliford wag kayong tutulad sa ate niyong maagang lumandi!"
Bakit ganon? Si Daddy na dapat mas nakakaintindi sa kalagayan ko ngayon, siya pa itong mas nakakasakit sakin!
" Alex! Enough! " Sigaw ni Mommy kay Daddy, pero hindi pa rin pinansin ni Daddy.
Ng masiguro kong tulog na si Shacey inihiga ko na lang muna siya sa sofa.
Nilapitan ako ni Daddy, naka-igting ang panga niya, galit na galit siya.
" Ayan ang napapala ng isang anak na walang kwenta na katulad mo! " Hindi ko na kinaya ang sumunod na sinabi ni Daddy, wala na akong ibang nagawa kundi umiyak na lang.
" Alex! I said stop it! " Bulong ni Mommy ng makalapit siya samin ni Daddy.
Pero tinulak lang siya ni Daddy,
Tulad ng palagi, wala pa rin siyang magawa kapag si Daddy na ang nag-salita, nakita kong nilapitan ni Luke si Mommy na umiiyak na rin ngayon sa isang tabi.Im sorry mommy, dahil sakin nadadamay ka pa.
"Kahihiyan ka talaga sa pamilyang ito!"
Wala na akong lakas para, ipaglaban ang sarili ko, ayoko na lang sumagot dahil mas ikakabuti ko pa.Pagkatapos sabihin yon ni Daddy, nag walk out na siya. Nilapitan ako agad ni Mommy,
" Anak, Im sorry. " Yaan lang ang nasasabi ni mommy palagi. Wala naman kasi siyang nagagawa laban kay daddy.
" Mommy, wala kang dapat ika-sorry sakin, tama naman si Daddy eh, kahihiyan ako sa pamilyang ito. Wala na akong ibang ginawa kundi puro mali! Mali! "
In my sixteen years existence, wala ng ibang nasabi si daddy sakin, kundi kahihiyan daw ako! Bata pa lang ako, ginagawa ko na ang lahat para magawa ko ang lahat ng gusto ni Daddy, para mahalin niya rin ako,pero sa huli hindi pa rin sapat yung mga ginagawa ko.
Akala ng iba, masaya ako dahil buo ang pamilya ko, pero sa totoo lang mas gugustuhin ko pang mabuhay ng mag-isa. Kahit anong gawin ni Mommy kay Daddy, hindi pa rin niya akong ituturing na tunay na anak.
Anak ako ni mommy sa dati niyang boyfriend, bago niya makilala si Daddy.
Hindi ko naman masisisi si Daddy, kung bakit ganoon na lamang ang turing niya sakin, dahil hindi naman niya ako anak.
Binigay niya sakin ang pangalan niya, pero ang pagmamahal? Hindi.
Noon, kahit hindi pa nila sinasabi sakin na hindi ako anak ni Daddy, ramdam ko na. Kaya naman nung sinabi sakin ni Mommy noon ang totoo, hindi na ako nagulat.
Mahal ko ang pamilya ko, mahal na mahal, si Mommy, Daddy, ang mga kapatid ko, Si Luke at Cliford, pero kahit anong gawin ko, wala pa rin akong lugar sa pamilya na to.
Hindi ako nararapat dito.
Kahit hindi nila sabihin, nararamdaman ko.
" Anak, " Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit, pero hindi ko siya kayang yakapin pabalik.
Sobra sobra na tong mga sakit na dinadala ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumalik sa dating ako, hindi ko alam kung paano ko ulit bubuuin ang sarili ko.
Minsan, yung mga taong akala ko na mas makakaintindi sakin, yung mas makaka-pagpasaya sakin, yung akala kong dadamayan ako sa mga pinag-dadaanan ko ngayon, sila pa yung mga taong mas nakaka-sakit sakin.
Imbes na tulungan nila akong mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, dinadag-dagan lang nila ito.
Hindi ko maintindihan, kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin!
Sa dinadami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa ang nakakaranas ng lahat ng ito?!Yung taong akala ko, hindi ako iiwan, yung taong nag-paramdam sakin na mahalaga ako, na hindi totoong wala akong kwentang tao, nasaan na siya ngayon?
Iniwan niya ako. Iniwan niya ako, ng hindi man lang niya sinabi ang dahilan niya.
I wish I could go back to the time when things are fine, because its all broken now.
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!