Chapter 33

9.1K 195 12
                                    

learix87 this chapter is dedicated to you! :)
**************
CHAPTER 33

" Aliyah, kung ano ang gusto mong gawin susuportahan kita. " Dane said to me, when I asked him last time kung okay lang ba sa kanya na sumama muna kami ni Shacey sa Japan.

Pero buo na ang desisyon ko, Im not leaving. Hindi kami aalis ni Shacey dito sa Pilipinas. Okay na ako dito sa Pilipinas, alam ko ang pakiramdam ng iniwanan, at ayokong iwanan ang mga taong mahal ko dito.

" Okay, If that's what you want. " Naiintindihan naman ni Kuya Les ang desisyon ko, and Tryone too.

Ang akala ko, aalis na rin sila papuntang Japan, pero hindi.

" But, we will stay here. Kung ayaw mong sumama, hindi na lang kami aalis, maiintindihan din yon ni Dad. " Tryone

Kahit hindi nila sabihin, ramdam kong mahalaga talaga ako sa kanila. And Im really very happy na may mga kapatid pa ako, na hindi ako iiwanan sa mga oras na kailangan ko sila katulad na lamang ngayon.

Halos araw-araw pumupunta si Kuya Lester, at Tryone dito sa bahay para samahan kami ni Shacey. Sobrang busy kasi si Dane, this past few days dahil sa family problem niya. I want to help him, but ayaw niyang masali pa daw ako sa gulo ng buhay niya. He's my friend, at wala na siyang ibang ginawa kundi tulungan kami ni Shacey simula ng iwanan kami ni Ivan. Kaya naman kahit sabihin sakin ni Dane na wag na akong tumulong sa problema niya, tutulungan ko pa rin siya. Gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa niyang mabuti samin ni Shacey. Dane is one of the most important person in my life, and I can't afford to lose him.

" France, bored na ako dito sa bahay mo, punta naman tayong mall please.." Tilang nag-papacute pa si Tryone habang sinasabi yon. Kaalis lang kasi ni Kuya Lester, at nagpunta sa hospital may mga pasyente pa daw kasi siyang kailangang tingnan. Si Luke naman kahapon pa umuwi kila mommy, I wonder kung ayos na ba sila ni Daddy ngayon.

" Okay, mag-aayos lang ako. Ikaw muna bahala kay Shacey." Nginitian ako ni Tryone, medyo nanibago ako sa ginawa niya, bihara lang kasi siya ngumiti.
-

After lunch na ng makarating kami sa isang Mall malapit sa bahay. Ng mai-park ni Tryone ang sasakyan niya, pumasok na rin kami agad sa loob ng mall.

Tryone decided na pumunta daw muna kami sa Toy Store para kay Shacey. At syempre tuwang-tuwa si Shacey dahil sa tito niya.

" I want this! " Turo ni Shacey sa isang color yellow na kotseng laruan. Ngumiti muna si Tryone kay Shacey bago ito sumagot.

" Okay. " Sagoy nito, at nilagay na ni Shacey ang laruan sa basket na hawak ni Tryone.

Nakaka-panibago talaga itong si Tryone ngayon, hindi na siyang cold tingnan.

Naglakad-lakad pa kami sa loob ng Toy Store, para tumingin ng mabibili. Bihira ko lang dalin dito si Shacey noon, dahil ayokong lumaki siya na maluho. Kaya naman alam kong masayang-masaya ngayon si Shacey lalo na at lahat ng ituro niya kay Tryone, bibilin nito.

" Mommy I want that too! " Turo ni Shacey sa isang malaking panda bear na hindi kalayuan samin. Halos ilang paper bags na ang dala ni Tryone, laman ang mga laruan na pinabili kanina ni Shacey sa Toy Store, tapos ngayong nagpunta kami sa isang store dito sa mall nagpapabili na naman si Shacey.

Lumapit ako kay Shacey, at yumuko para mapantayan ko siya. Tumingin siya sakin, at sumilay ang isang malapad na ngiti.

" Baby, ang dami na nating nabili toys oh, kaya wag na nating bilin yung panda bear na yon, next time na lang okay?" Umiling agad si Shacey sakin at agad sumimangot. Aish! Manang-mana talaga siya sa Daddy- Tsk! Never mind!

Natawa si Tryone samin, at agad din itong lumapit samin ni Shacey. Yumuko din siya para mapantayan si Shacey.

" Okay, baby we will buy that panda bear! " Sabi ni Tryone sa anak kong nagka-simangot na. Ngumiti agad si Shacey dahil sa sinabi ng Tito niya.

Mabilis na yumakap si Shacey kay Tryone. Napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa. Spoiled masyado si Shacey pagdating sa mga tito niya lalo na kay Tryone.

" Thank you Daddy! " Masiglang sabi ni Shacey kay Tryone. Ang tawag din niya kay Tryone ay 'Daddy' katulad ng tawag niya kay Dane, samantalang 'Papa' naman kay Kuya Lester. Salamat sa kanila, dahil kahit wala ang tunay na Daddy ni Shacey hindi ito nangungulila dahil sa mga ginagawa nila sa anak ko.

Napangiti ako ng makita kong hinalikan muna ni Tryone si Shacey sa noo bago ito inaya papunta sa panda bear na pinapabili nito.

Hindi man ako swerte sa ibang bagay, swerte naman ako sa anak ko, at sa mga kapatid ko.

Pinagmasdan ko si Tryone at Shacey na magkahawak kamay habang naglalakad papunta sa lugar kung saan nakalagay yung panda bear na gusto ni Shacey. Hindi ko mapagilang mapangiti. Hindi ko pa nakikita si Shacey na ganyan kasaya before.

Papalakad na sana ako, para sundan sila Tryone at Shacey, ng may ingay akong marinig mula sa gawing likod ko, dahilan para malingon ako sa gawi na yon.

Nakita ko ang isang lalaki na mukhang natataranta, naihulog niya yata ang mga hawak niyang gamit na pinapamili niya dito sa store. Dali-dali namang lumapit sa kanya ang isang salesman para tulungan siya sa pag-pulot ng mga nalaglag na gamit.

Bakit kasi hindi siya kumuha ng basket? Tss. Kalalaking tao, ang clumsy.

Napansin yata nung lalaki na napatingin ako sa kanya, kaya tumingin ito sakin.
Hindi ko makitang mabuti ang mukha niya, dahil natatakpan ito ng magulo niyang buhok, dagdag mo pa ang suot niyang salamin at cap. Pero mukha siyang gwapo dahil na rin sa body features niya. Nakasuot ito ng color black na long sleeve at tattered pants na tinernuhan ng isang color black na low cut shoes.

" Mommy! " Napatingin ako kay Shacey, na patalon- talon pa habang yakap ang panda bear niya. Natatawa na lang si Tryone sa tabi niya. Nakita kong papunta na sila sa counter para bayaran yung panda bear.

Hindi na ulit ako tumingin sa lalaking clumsy. Naglakad na ako papunta kila Tryone at Shacey.

Narinig kong nagsalita pa yata yung lalaki, pero hindi ko na naintindihan dahil medyo malayo na ako sa lugar niya.

Mukhang may tinawag yata siya, baka may kasama siya na tinawag. Umalis na rin kami sa loob ng store na yon ng matapos bayaran ni Tryone yung panda bear ni Shacey.

Bago kami lumabas napansin kong wala na yata yung lalaki kanina.
-

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon