"Ivan!! Ilang araw kang hindi nagpakita, at nagparamdam! Tapos pupunta ka dito kasama mo na sila Tita! Pinangunahan mo ako sa pagsasabi sa mga magulang ko!" Nagbabadya na naman ang pagpatak ng luha sa mga mata ko, naghahalo ang galit, inis sa puso ko ngayon.
Wala na akong pakialam kung naririnig na kami nila mommy, nandon lang sila sa may garden, di kaluyaan dito sa sala.
Nakita ko ang pag-amo ng mga mata ni Ivan na nakatingin ng deretso sa mga mata ko ngayon.
I can see tiredness, and love in his eyes.
"Aliyah, I will explain." -nilapat niya ang mga palad niya sa mukha kong basa na ng mga luha ko, marahan niyang pinunasan ang mga luha ko gamit ang daliri niya
"Dapat lang Ivan! I need an explanation!"
"Baby, Inaamin ko nung sinabi mo na buntis ka, natakot ako, nagulat, kinabahan kaya umalis ako sa tabi mo. Pinili kong mapagisa muna, dahil kailangan kong mag isip, para makagawa ako ng tamang desisyon, para satin, para satin ng magiging baby natin." I can see sincerity in his eyes
"Sorry kung iniwan kita ng ganon na lang, wag mong isipin na kaya ko ginawa yon dahil hindi ko kayang panindigan ang ginawa ko, Aliyah mahal kita, hindi ko magagawang takbuhan ka o iwan na lang. Ginawa natin to, kaya pareho natin tong haharapin at papanindigan. Nung mga araw na nawala ako, nagpunta ako non sa US para puntahan sila Daddy para sabihin na buntis ka, nagkagulo kami, nagalit sila sakin nung una, kahit sino naman sigurong magulang magagalit pag nalaman na magiging Tatay na ang anak nila sa batang edad. Kinausap ko silang mabuti, pero nung una sadyang matigas sila Daddy, kaya natagalan ako. Pero hindi kita nakalimutan kamustahin kila Tita, sorry baby kung hindi ko pinaalam sayo na umalis ako, gusto ko kasing ayusin muna ang samin nila Daddy. Hindi ako tumigil, kaya sa huli natanggap na din nila Daddy at Mommy at nagpasya na silang umuwi at dumiretso agad dito. Si Daddy ang may idea na magsama na tayo, at pumayag naman si Tito. I love you baby, magkakababy na tayo." dumampi ang labi ni Ivan sa noo ko.
Nalinawagan na ako sa lahat lahat. Ang bad ko, kung ano ano na inisip ko kay Ivan nung nawala siya. Dapat hindi ko hinayaan na ...
"Baby, Im sorry.." - hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naiyak na naman ako
ang sakit na ng mga mata ko kakaiyak.
"Tama na baby sa pagiyak, okay na tayo ha? Maging matatag tayo pareho, para sa baby natin. Mahal na mahal ko kayo"
Bahagya niya akong niyakap at naramdaman ko na para nababasa ang buhok ko, tumingin ako sa kanya.And I was surprised! He's crying!
This is the first I saw him crying!
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!