Chapter 38

9.3K 181 3
                                    


This chapter is dedicated to RecaNavarro 😘
-

Mag didilim na ng mag-pasya si Aliyah na umuwi na sa bahay nila. Bumantay siya sa coffee shop niya ngayon dahil kailangan, absent kasi si Faith na isa sa mga nagtatrabaho sa shop niya.

Ng makalabas siya ng shop, laking gulat niya ng makita niya si Ivan na tila naghihintay pa rin sa pag-labas niya sa shop. Kahapon pa ito pabalik-balik sa shop, nagbabakasali na pagbigyan na siya ni Aliyah, sa second chance na hinihingi niya.

" Bakit nandito ka pa?" Tanong ni Aliyah kay Ivan, ng lapitan siya agad nito ng makita siya na pauwi na.

" Hinihintay kita. " Then Ivan smiled at Aliyah. Mapapansin mo sa mga mata ni Ivan ang pagod, marahil kanina pa siya sa labas ng shop na naghihintay sa paglabas ni Aliyah. Pero hindi alintana kay Ivan ang pagod.

" Umuwi ka na nga. " Pagalit na sabi ni Aliyah, ngunit lalo pa itong ikinangiti ni Ivan.

" Uuwi na Tayo. " Ivan said.

" Bahala ka nga diyan! Basta ako uuwi na! " With that, Aliyah left.
-

Aliyah's POV

Kainis na lalaki yon! Akala ko umuwi na siya kanina, yun pala naghihintay pa rin sa labas ng shop! Aish. Ang kulit niya talaga!

" Aliyah! " Aba't sinusundan pa niya ako?!

Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papuntang kanto sa may sakayan ng mga jeep. Kailangan ko na talagang umuwi, malamang umiiyak na si Shacey ngayon dahil hinahanap na ako. Kung hindi lang talaga kinailangan ni Faith umabsent hindi naman talaga sana ako magbabantay ng shop ngayon.

" Gotcha! " Halos masigaw na ako ng biglang sumulpot si Ivan sa harapan ko. Ano bang ginagawa niya?! Bakit niya ba ako sinunsundan?!

" Ano ba Ivan! " Singhal ko sa kanya, ng sabayan niya ako sa paglalakad, at hinawakan pa niya ang kamay ko! wt*
Galawang hokage?!

" Babe, tumingin ka na lang sa dinadaanan mo. Baka mapada ka pa." Habang sinasabi niya pa yon, kininditan pa niya ako! The heck!

" Bitawan mo nga yung kamay ko!" Kasabay non, hinila ko yung kamay ko sa kanya, at ang bwisit hinila ulit yung kamay ko, tapos lalo pang hinigpitan ang hawak dahilan para hindi ko mabawi! Uggh.

"Wag kang bumitaw sakin babe." I rolled my eyes to him. Tss.

" Stop calling me babe! " Ng sabihin ko yon, gumuhit ang nakakaloko niyang ngiti. Yung ngiting, parang may gagawin siyang hindi maganda! Mapapatay ko na tong lalaki na to! Kainis!

" Edi, Mrs. Ramirez na lang. " Whatt??!!
Ang kapal naman ng mukha nito!

"Wag ka ng umangal, kasi alam kong gusto mo naman na tawagin kita non." I fainted.

Kung hindi lang siguro dumating yung jeep na sasakyan ko pauwi ng bahay, baka nasapak ko na tong lalaki na to! Tsk.

-
Ng akala kong aalis na rin siya sa oras na sumakay na ako sa jeep pauwi sa bahay, aba'y hindi! Sumakay rin siya sa jeep na sinakyan ko! Buti na lang at hindi tumabi sakin kundi-

" Makikiabot nga po ng bayad." Sabi niya sa katabi niya, tapos sabay abot ng pera bilang bayad niya.

" Saan to? " Tanong ni Manong driver ng makuha niya ang pera na pinaabot ni Ivan kanina.

"Sa may Villarosa lang po yan kuya." Huh? Doon din ba siya nakatira sa may Villarosa? Doon din kasi kami nakatira sa ngayon. Bakit hindi niya sinabi sakin kanina na magka- barangay lang pala kami!

" Ilan to? " Tanong ulit ni Manong kay Ivan. Tumingin siya sakin, tapos ngumiti ulit ng katulad ng ginawa niya kanina. Uggh. Its annoying! Mamaya na lang ako mag-babayad pag-katapos niya.

" Dalawa po yan. " Huh? Wala naman siyang ibang kasama ah? Binayaran na rin niya yung pamasahe ko? Luh.

I was about to ask him ng magsalita siya
" Binayaran na kita Mrs. Ramirez. " napaawang ang bibig ko ng sabihin niya yon, hindi dahil sa binayaran niya na rin ako ng pamasahe kundi napatingin samin ang lahat ng sakay nitong jeep ng sabihin niya yon.

Uggh! He's really annoying!
--

" Babe! Wait for me! " Hindi ko siya pinansin, sa halip binilisan ko pa ang paglalakad ko para makarating na agad sa bahay. Nakakahiya kanina sa jeep! shems. Alam niyo yon? Yung halos hindi man lang siya nahiya sa mga pinag-sasabi niya habang nakasabay kami sa jeep!

Sinabi ba naman na papakasalan na daw niya ako bukas? Tss. Tapos gagawa daw kami ng marami pang babies! Uggh. Ang lakas-lakas ng boses niya nung sinasabi niyang mga yan! Kaya karamihan sa sakay ng jeep, pinagtitinginan kami! uggh. Nakakahiya! Tapos ngiting-ngiting pa siya habang sinasabi yon! Hindi nakakatuwa!

Ng makarating ako sa gate namin, dali-dali akong nag doorbell para hindi ako maabutan ni Ivan, para hindi niya malaman yung bahay namin! Mahirap na baka pati dito puntahan niya ako. Ang kulit pa naman niya.

Nakabukas na ang mga ilaw sa loob at labas ng bahay namin, kaya malamang pati si Papa nandito na sa bahay. Ano na kaya ginagawa ni Shacey ngayon? Tiyak matutuwa yon pag nakita na niya ulit ako! Aww. I miss my baby so much! Kahit isang araw ko lang siya hindi nakasama, miss na miss ko na ang baby ko.

" Ow, yeys." Napalingon ako bigla ng may kung sinong nagsalita sa likod ko.

At nagdilim bigla ang paningin ko ng makita kung sino yon.

" What are you doing here?!" Aish! Si Ivan yung nagsalita na yon! Nasundan niya ako! Alam na niya ang bahay namin! Kainis!

" Mrs. Ramirez dito din ako uuwi." What does he mean? After he said that,
he tss-ed to me.

Hindi ko na lang siya pinansin pa.

At hindi nagtagal, bumukas na rin ang gate namin kasabay non ang paglabas ni Kuya Lester sa bahay para salubungin ako.

Ng makita niya pa lang ako, ngumiti na siya agad. Hindi ko alam kung nakita o napansin niya ba na may kasama ako.

" Hi my lil sister. " Tumango lang ako sa kanya ng batiin niya ako, at makalapit siya sakin, ngunit laking gulat ko ng mag tanguan din sila ni Ivan!

Magka-kilala ba sila?

" Francine, hindi mo naman sinabi na magkasama na pala kayong uuwi dito sa bahay. Eto talagang boyfriend mong si Ivan! Hahaha" Literal akong napanganga dahil sa sinabi ni kuya. Anong boyfriend ba ang pinagsasabi niya?! At teka, bakit niya alam na Ivan ang pangalan nitong lalaki na to! Naguguluhan na ako!

" Magka-kilala ba kayo?" Naguguluhan kong tanong sa kanila, habang nag-uusap sila ng kung ano man yon, at para bang close na close sila agad sa isa't-isa.

" Oo naman, we met in Japan last year Francine, actually were friends." Wt*

Pinaglalaruan ba talaga kami ng tadhana?! bakit pati kapatid ko, nadadamay samin ni Ivan?! Tadhana ba to? O nagkataon lang! Bakit sa dinadami ng pwedemg maging kaibigan ni Kuya si Ivan pa! Sinadya ba niya to?

May tatanungin pa sana ulit ako kay kuya ng magsalita ulit siya,

" And by the way Francine, from now on dito na siya sa bahay natin mag-iistay. You know, dapat lang na kasama niyo siya ni Shacey." And kuya Smiled at me. Ivan just shrugged.

What's happening?! Am I dreaming?! Is this a nightmare?!

Sinampal ko ang sarili ko, para makasiguro kung gising ba talaga ako, o nanaginip lang. Then realization hits me so hard!

Im sure this is not a nightmare! coz Im wide awake! What the fuck!

"Happy family na tayo nila Shacey babe."

With that,
I died.

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon