Chapter 31

9.2K 163 5
                                    

Hindi ko maintindihan si Daddy, kung bakit lahat ng taong na nagmamahal sa kanya pilit niya itinutulak ang mga ito palayo sa kanya. Like me I love him, tinuring ko siyang tunay kong tatay, kahit na nalaman ko noon na hindi siya ang tunay na tatay ko.

Kahit papaano, alam kong minahal din ako ni Daddy, hindi nga lang ng katulad ng pagmamahal niya kila Luke at Cliford. Pero naiintindihan ko yon, at tangggap ko yon.

Ayaw na munang pag-usapan ni Luke, ang tungkol sa kanila ni Daddy, kung bakit siya umalis o pinalayas sa bahay nila. Nag-pahinga na rin si Luke, ng makarating kami sa bahay. Ayos lang naman sakin, na dito muna siya sa bahay, wala din siyang ibang pupuntahan.

Naiinis ako kay mommy ngayong oras na to, hindi man lang niya pinigilan kanina si Luke, siguro nga walang siyang magawa na pigilin si Daddy sa mga kagustuhan nito, pero sana naman magkaroon na siya ng sariling desisyon niya sa kanyang buhay, hindi yung naka-depende lang siya kay Daddy.

Bata pa lang ako noon, alam kong wala na siyang magawa kapag si Daddy ang nag-salita, hindi niya kayang ipaglaban ang gusto niya, sa madaling salita sunod-sunuran lang siya kay Daddy. Hays
Kaya palagi siyang umiiyak simula pa noon, mahina si Mommy, hindi niya kayang ipaglaban ang mga desisyon o mga bagay kung saan siya sasaya. Hindi ko nga alam kung masaya pa ba siya.

Just like my mom, ganon rin ako noon kay daddy. Kung ano ang gusto niya para sakin yun ang gagawin ko, kahit na hindi ako masaya doon. The feel of doing things without meaning, the feel of being lost. I don't want him to think that Im Failure, kaya naman nawalan na ako ng sariling desisyon sa mga bagay na gusto ko, at kung saan ko masaya. Para akong robot noon na sunod-sunuran lang.

But everything was better now, since ng umalis ako sa bahay namin, at iwan ko sila. Naging mas maayos ako, mas masaya. Im happy now. Contented with all the things I have.
-

Nagising ako ng dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko.
Pagkalabas ko ng kwarto, naabutan ko si Luke at Shacey na nanunuod ng isang comedy movie, hindi ko alam kung naiintindihan na ba ng anak ko, ang pinapanuod nila ng tito niya, pero sa nakikita ko mukhang OO, dahil gaya ng tito Luke niya na tawa ng tawa, ganoon rin siya. Napangiti na lamang ako ng dahil doon.

Naabutan ko si Dane, na naghahanda na ng umagahan. Nginitian ko lamang siya, at kumuha ako ng isang apple sa ref, at kinagatan yon.

Nasa dining area na kaming lahat para kumain, ng may mag door bell. Patayo pa lamang si Dane para tingnan kung sino ang tao sa labas, ng pigilan ko siya.

" Ako na ang titingin Dane. " Pagkasabi ko non, dali dali akong pumunta sa main door para tingnan kung sino ang nag door bell.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko agad ang isang na lalaki nasa tingin ko mas matanda sa akin ng isa o dalawang taon.
Ngumiti ito sakin, napansin kong may kasama ito sa likod niya, at laking gulat ko ng makilala ko ang kasama niya, si Dr. Lester Tan.

" Hi Aliyah! " Bati sakin ni Dr. Lester, na tila nainis ng dahil doon ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

" Bakit po? Anong kailangan niyo." Tanong ko sa kanilang dalawa, na mas lalong nakapag-pangiti kay Dr.Lester, samantalang ang lalaking nasa harapan ko ay hindi man lang nagbago ang reaksyon niya. I think he's was cold.

Tila, tiningnan muna ako ng lalaki na kasama ni Dr. Lester bago siya magsalita.

" We're here to visit you, my long lost little sister. " Napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi ng lalaki.

Hindi ko pa alam ang sasabihin ko, ng mag-salita ulit siya.

" Im Tyrone Tan. " Pakilala niya sa sarili niya sakin, hindi ko alam ang sasabihin ko.

Long lost little sister? Anong ibig sabihin niya.

Posible kayang-

" Lester and I are your brothers." Mas lalo akong na blanko dahil sa sinabi niya pa.

brothers? Kapatid ba ibig sabihin niya doon?

Pero wala na akong ibang kapatid-

" Trevor Lei Tan is our father. Magkapatid tayo dahil iisa ang ating ama. Magkaiba lang tayo ng nanay. " Tuloy-tuloy niyang salita. Nakita ko pa ang pag-ngiti nilang dalawa sakin bago tuluyan nila akong yakapin ng mahigpit.

Hindi ako makapaniwala.

Mga kapatid ko sila? Iisa lang ang aming tatay? Para akong nasa isang panaginip ngayon, na gusto kong gumising sa katotohanan.Hindi ko alam ang dapat kong gawin, at kung ano ang dapat kong sabihin sa kanila.

Para akong nanghihina dahil sa mga nalaman ko, at nararamdaman ko ngayon.But, somehow I feel happy and confused at the same time.

Matagal ko ng gustong dumating ang oras na ito, kung kailan malilinawan ako sa pagkatao ko. At eto na nga! Mismong tadhana na yata ang gumawa ng paraan. Ilang taon na rin akong nabubuhay ng maraming kulang sa pagkatao ko.
Mga sagot sa mga tanong na matagal ko ng dinadala.

Ang hirap mabuhay ng wala ka man lang kaalam-alam sa tunay mong pagkatao. Katulad ng kung sino ba ang tunay kong tatay? Kung may mga kapatid pa ba ako? At kung sino sila, at nasaan sila?

" Paano niyo nalaman na nandito ako? At bakit niyo ako nakilala?" Tanong ko sa kanila, hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat, madami akong gustong itanong sa kanila.

Kahit minsan, hindi ko nakita ang tunay kong tatay, dahil hindi ako pinagbigyan nila mommy simula pa noon na makilala man lang ang tunay kong daddy.

Ngayon alam ko na. Ang matagal ko ng hinahanap, eto ay ang pagbuo ng sarili ko. Mga pagkakataon at oras na matagal ko ng hinihintay. Ang makilala ang tunay na bumubuo sa pagkatao ko.

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon