Chapter 29

8.9K 179 7
                                    

"Mommy! Mommy!"

"Wa-wake up!!"

Nagising ako dahil sa ingay ni Shacey, habang pinipilit akong gumising. Napangiti na lang ako ng makita ko ang makulit na bata na nasa gilid ng higaan ko.

" Why baby? Aga pa naman ah. Are hungry na?" Tanong ko na nginitian lang niya, pag-katapos lumabas na ng kwarto ko. Halatang kagigising lang din niya, dahil suot pa niya ang pajama niya.

Naghilamos muna ako, at nag-suklay bago lumabas ng kwarto, para tingnan ang anak ko sa sala.

Mag-iisang taon na rin kaming nakahiwalay ni Shacey ng bahay kila mommy. Simula na maka-ipon ako non galing sa isang simpleng business ko, naisipan kong bumukod na kami ni Shacey ng bahay, para naman hindi na kami palaging nasusumbatan ni Daddy ng mga masasakit na salita.

Palabas pa lang ako sa kwarto ko, amoy ko na mabangong pag-kain na parang kasalakuyang niluluto pa lamang. Dali-dali akong, nagpunta sa sala, at nakita ko doon si Shacey, na abalang-abala sa panunuod ng cartoons sa TV namin, habang yakap niya ang favorite niyang color blue na unan.

Nag-punta ako sa kusina, at hindi ako nag-kamali, dumating na siya.

"Hey, beautiful Good Morning!" Bati niya sakin, ng mapansin niya akong naka-tingin ako sa kanya, habang nag-luluto siya ng kung ano.

" Kanina ka pa? " Tanong ko sa kanya, na sinuklian lang niya ng tango.
-

" Daddy! I want ba-bacon." Paborito ni Shacey ang bacon, tuwing kumakain kami ng umagahan.

" Okay. " Niglayan niya ng bacon sa plate si Shacey, na agad naman kinain ni Shacey.

Tahimik lang akong kumain, habang tinitingnan ko sila ni Shacey, na nag-uusap pa tungkol sa isang cartoons, habang kumakain.
At maya-maya tumatawa pa sila.

"Do you have work today?" Tanong niya sakin ng matapos kaming kumain.

" Yes, " Sagot ko sa kanya, na ikina-simangot niya.

" So, hindi ka na naman makakasama samin ni Shacey mamaya sa Mall. " Tila nagtatampo niyang sagot sakin.

Uminom muna ako ng kape na tinimpla niya sakin kanina, bago ako sumagot sa kanya.

" Dane, alam mo naman diba na importante yung work ko. Maybe next time makasama na ako sa inyo ni Shacey." Ngumiti na rin siya,ng matapos kong sabihin sa kanya yon. Lalong lumiit ang mga mata niya dahil sa ginawa niyang pag-ngiti sakin.

"Aliyah, ang sakin lang naman dapat pa-minsan minsan nag-papahingan ka rin, hindi yung puro ka trabaho at aral. " Mahina lang ang pagkasabi niya pero rinig na rinig ko.

"Dane, I know. Don't worry maaga akong uuwi mamaya, para makapag Dinner Date naman tayo. " Lalong sumagad ang ngiti niya, ng sabihin ko yon. Gusto ko namang makabawi sa kanya. Palagi na lang kasi akong busy sa school at sa work.

Flashback
Hindi ko na alam ang gagawin ko, kahit na palaging nasa tabi ko si Mommy at Luke, hirap pa rin ako.

Ang hirap pag-sabayin ng pagiging mommy kay Shacey, at ang pag-aaral ko.
Bumalik na ako sa pag-aaral, dahil yung ang gusto nila Mommy para sakin.

Kanina pa ako dito sa classroom, nag-uwian na ang mga kaklase ko, medyo nahuhuli kasi ako sa kanila. Ang daming ko pang projects at paper works na kailangan tapusin, dahil ngayon na ang huling araw para mag-pasa nito sa mga teacher dahil malapit na ang 2nd grading.

Naiyak na lang ako, ng makita kong na-corrupt pa ang files ko sa laptop, wala na akong magawa. Babagsak na ako, sigurado.

" Hey." Kalabit sakin ng kung sino sa likuran ko. Dali-dali kong nilingon kung sino yon.

Nagulat ako, ng makita kong si Dane yon. Yung childhood best friend ni Ivan, na nakasama naming kumain noon sa isang fast food restaurant matapos kong awayin ang girlfriend niya sa super market dahil sa gummy bears.

" Dane?? " Nginitian niya lamang ako.

Tapos tiningnan niya ang laptop ko na dahilan kung bakit na corrupt ang files ko, na kailangan ko sa project.

" May I help you? " Tanong niya sakin, na kahit naguguluhan ako kung bakit siya nandito, pumayag na rin akong na tulungan niya ako.

End of Flashback

After all those years, na-alala ko pa rin kung paano kaming naging malapit ni Dane. Hinding-hindi ko yun makakalimutan.

I asked him too that time, kung may alam ba siya sa pag-alis ni Ivan, pero kagaya nila mommy, wala din siya masagot. Wala din siyang alam.

Sa paglipas ng taon, unti-unti na ring nawawala sa sistema ko si Ivan. Mahirap maghintay sa taong walang kasiguraduhan.

Si Dane, ang taong palaging nasa tabi ko, sa mga panahong akala kong hindi ko na kayang malagpasan.

Malaki na ang naitulong niya samin ni Shacey. Ang mga pagkukulang ni Ivan kay Shacey, si Dane ang pumupuno nito.

Mabuting tao si Dane, hindi ko na nga alam kung paano siya babayaran sa lahat ng ginagawa niya samin ni Shacey.

Ewan ko ba, pati ang pagiging Daddy kay Shacey, ginagampanan na niya kahit hindi naman niya dapat gawin yon.

Simula ng mamatay ang Dad niya noon, nag-layas na siya sa kanila. Namuhay mag-isa, at imbes na malungkot pa ito, masaya pa siya. Dahil parang nakalaya na daw siya.

Nalaman kong biktima pala siya ng arranged marriage, dahil mayaman ang pamilya nila, at chinese sila, kaya ganon.
Yung Krishna na girlfriend niya noon, yung naka-away ko noon dahil sa gummy bears, siya yung babae na pinag-kakasundo sa kanya ng Dad niya noon. Wala siyang magawa, dahil dapat masunod ang gusto ng daddy niya, parang ako lang din kay Daddy.

Pinilit niya ang sarili niya, kahit hindi naman niya mahal si Krishna. 16 pa lang din siya noon, pero pinag-kakasundo na siya sa isang babae, na dapat ay pakasalan niya pag-dating ng araw na maging 18 years old siya.

Pero dahil namatay ang Dad niya, hindi natuloy ang planong kasalan pagkatapos nito ay umalis siya sa kanila, para mamuhay ng sarili.

Hindi naman siya hinanap ng pamilya niya, dahil galit ang mga ito sa kanya. Sa kanya kasi sinisisi ang pag-kamatay ng Dad niya.

" Hey, Do you over think again?" Tanong ni Dane sakin na nakaputol sa pag-mumuni-muni ko, at pagbalik tanaw sa mga nangyari sa nakaraan.

"No, Im not." Matipid kong sagot sa kanya. Nakita ko naman ang pag-buntong hininga niya, bago ngumiti ulit sakin.

Makalipas ang ilang minuto,

"Mommy, Daddy! " Sigaw ni Shacey samin na agad na nakapag-patakbo samin ni Dane papunta sa kwarto niya.
-

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon