Chapter 23

8.2K 181 9
                                    

Aliyah's POV

" Alam mo Aliyah, tumataba ka na, tapos parang nalolosyang kana. " Kanina pa kumukulo ang dugo ko dito sa kausap ko ngayon. Alam kong nang-iinsulto na lang siya.

" Okay lang Rissey, masaya naman ako kasi may baby Shacey ako. " Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko na hindi sumabog sa inis!

Uminom pa muna siya ng Juice bago sumagot sakin.

" Ako kasi Aliyah, gusto ko muna makapagtapos ng pag-aaral bago ako lumandi. " Tapos nag smirk pa siya, matapos niyang sabihin yon! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, para sabihan niya ako ng mga ganyan. Kung dati pa- simple simple lang siya mag-salita ngayon sobra na!

Nakakasakit na siya!

Ano ba kasing ginagawa niya rito? At ano ba kailangan niya kay Ivan?
Bakit ba kasi nag-punta pa siya rito?!

" Hindi naman ibig sabihin na maaga akong nag- kababy, hindi na ako makakapagtapos ng pag-aaral Rissey." Mahinahon kong sagot sa kanya, pero naiinis na talaga ako sa kanya! Kanina pa siya!

" Ow, sabi mo eh! Well goodluck." Hindi na talaga siya ang nakilala kong Rissey noon! Nag-iba na siya! Hindi naman siya ganyang magsalita sakin dati eh! Ang sakit!

Hindi na ako nag-salita pa, dahil baka kung ano na magawa ko sa kanya! at sakto namang dumating na si Ivan, na kasama si Baby Shacey.

Tumayo si Rissey sa kinauupuan niya, para salubungin ang mag-ama ko.

What the!

" Ivan! Namiss talaga kita! " Grabe ha! Parang wala ako dito! Ano bait-baitan lang?!

" Ano ba Rissey?! " Mabilis namang umiwas si Ivan sa kanya.
Nakita ko naman ang pag-ngiti ni Rissey sa kanya ng nakakaloko.

Ano ba talaga ang hindi ko alam?!
Naguguluhan na ako, kinakain na ako ng mga panghihinala ko!

" Alam mo Ivan, kung umasta ka parang wala tayo ah! " Sagot ni Rissey, pagkatapos lumingon pa ito sakin at ngumiti. Uggh! Damn her! Ano sila?!!

" Rissey, Stop. " Mahina pero narinig ko naman na sinabi ni Ivan yon.

" Okay. Sabi mo eh babe. " Rissey

Sinasabi ko na nga ba eh! Niloloko nila ako! Mga walang hiya ! Sila pala talaga !

Kinuha ko si Baby Shacey kay Ivan at saka ako humarap sa kanilang dalawa.

Pa-ngiti ngiti pa si Rissey sakin! Samantalang si Ivan naman, parang natural lang sa kanya ang nangyayari!

" Mag-sama kayong dalawa! Mga walang hiya kayo! " Saka ako naglakad ng mabilis palabas ng bahay, kasama si Baby.

Narinig ko pa ang pag-tawag ni Ivan sakin, pero narinig ko rin ang pag-pigil sa kanya ni Rissey na sinunod naman niya!

Hindi ko alam kung paano ang nangyari, at sa kabila ng panghihina ng mga tuhod ko, nakasakay pa kami ni Baby Shacey sa Taxi.

At ang pinipigilan kong pag-patak ng mga luha ko kanina, tuluyan na itong lumabas.

Wala na akong pakialam kung pasimple akong tinitingnan ng driver, at halatang nagtataka kung bakit ako umiiyak.

Ang sakit!! Sinasabi ko na nga ba, tama ang lahat ng hinala ko!

Bakit ba kasi pinag-sawalang bahala ko lang ang lahat! Kahit alam ko ng una pa lang may mali na!

*Flashback*

Mahimbing akong natutulog ng magising ako ng mamalayan kong umalis si Ivan sa higaan.

Inisip kong baka, pupunta lang siya CR, kaya hinayaan ko lang siya.

Minutes had passed pero wala pa rin siya, tumayo na rin ako sa higaan para uminom sana ng tubig sa kusina.

Nakita ko naman sa wall clock namin na its 1:30 am pa lang.
Nasan na kaya si Ivan? Wala naman siya dito sa CR namin.

Malapit na ako sa kusina ng may marinig akong nagsasalita.

Hindi ako magkakamali si Ivan yon! May kausap siya sa cp niya! At sino naman its 1 am pa lang !

Imposibleng si Dane yon, yung kaibigan niya! At bakit naman tatawag si Dane ng ganitong oras?

Nagtago ako sa may likod ng cabinet, para hindi ako makita ni Ivan na nakikinig ako.

" Bukas mag-kita tayo sa may Blaire's Cafe. " Sabi ni Ivan sa kausap niya, at sino naman ang kausap niya?

Tila nakikinig si Ivan, sa sinasabi ng kausap niya sa cp bago ito magsalita ulit.

" Sige na Rissey, matutulog na ulit ako. I love you. Bye. " Ano?! Si Rissey ang kausap ni Ivan?! At bakit siya nag I love you?! Anong meron sa kanila?!!
Meron ba akong hindi alam?!

*End of Flashback*

Hindi ko alam kung paano naging sila, at kung kailan pa tinatago ni Ivan sakin ang tungkol don! Wala na akong balak pang alamin! Malinaw na sakin ang lahat!

" Baby Shacey, wag kang mag-alala, kahit niloloko na pala ako ng daddy mo, at malinaw na sakin ngayon na puro kasinungalingan lang ang lahat! At hindi niya talaga tayo mahal! Aalagaan pa rin kita, at hindi papabayaan, kahit dalawa lang tayo, mabubuhay tayo ng kahit wala ang Daddy mo." Hinalikan ko sa noo ang natutulog kong baby, pangako ko yan! Mabubuhay kami, kahit wala ang tatay niyang manloloko!

Hinding-hindi na niya kami makikita!
Wala na siyang babalikan!

He really broke my heart into pieces!
×××××××××××

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon