********
" CHAPTER 31 "Nothing is impossible with GOD. Akala ko noon, hindi na dadating ang oras na ito, matagal na akong naghihintay na mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong ko, tungkol sa pagkatao ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari, pero sigurado akong buo na ulit ako.
" Francine, Dad wants to see you na." Napa-buntong hininga na lang ako, dahil sa sinabi ni Kuya Lester. Hindi sa ayaw ko makita si Mr. Trevor Lei Tan na tunay kong daddy, hindi pa lang ako handa.
Hindi ko pa lang alam kung paano ko siya kakausapin o haharapin. Yes, he my real Dad! I thought that I never saw him in my whole life, but I was wrong. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. But somehow, my hearts wants to see him too.
Nalaman ko kila Kuya Lester at Tryone na na may iba pa kaming kapatid sila Kuya Travis at Troy, na kasalukuyang na sa Australia doon sila nakatira ngayon. I don't know kung kailan ko sila makakasama at makilala, pero ang sabi sakin ni Tryone kilala na daw nila ako noon pa man.
I was seven years old back then, ng iwanan daw ni mommy si Mr. Trevor Lei Tan. Nalaman ko din na, nakasama ko din pala ang tunay kong Dad noon sa sandaling panahon. May unang pamilya na noon si Mr. Trevor ng makilala niya si mommy, nagkahiwalay sila ng tunay niyang asawa kaya naging girlfriend niya noon si mommy at naging anak nila ako. Naging buong pamilya daw kami noon, masaya ang naging pagsasama nila mommy at Mr. Trevor noon. Samantalang naiwan sila Kuya Lester, kuya Travis, at Tryone noon sa mommy nila.
Maayos daw ang naging buhay namin noon. Nakakagulat nga kasi wala man lang ako maalala na kahit anong mga memories ko nung bata pa lang ako kasama sila mommy at ang tunay ko na Dad na si Mr. Trevor. Siguro dahil masyado pa akong bata noon, kaya hindi ko na talaga matandaan.
Dahil sa mga parents daw ni mommy na ayaw kay Mr. Trevor iniwan niya ito, at umalis siya kasama ako. Hanggang sa pakasalan niya ang kinilala kong Daddy, na tatay nila Luke at Cliford. Matagal daw kaming hinahanap ni Mr. Trevor noon, pero hindi niya kami nahanap. Sinubukan niyang tawagan si mommy pero tila nagtago daw talaga si mommy, at tinatago niya ako kay Mr. Trevor.
At nalaman kong nagkabalikan din si Mr. Trevor at ang mommy nila Kuya Lester noon.At naging anak nila si Troy na kapatid ko rin.Nalaman ni mommy na nakilala ko na ang mga kapatid ko, nagagalit siya sakin. Bakit ka nakikipag-lapit sa kanila? Yaan ang naging tanong ni mommy sakin kahapon, na dinedma ko na lang. Ayokong mag-away kami, kahit na galit ako sa kanya ngayon.
Madaming dahilan para magalita ako sa kanya, bakit niya ako tinago kay Mr. Trevor? Pinagkait niya sakin ang tunay kong tatay! Ganun pa man, siya pa rin ang mommy ko, kahit anong mangyari mahal na mahal ko pa rin siya.
We need to talk, pero hindi muna sa ngayon. Hindi pa ako handa, sa mga isasagot sakin ni mommy. Masyado pa akong naguguluhan ngayon, pero masaya ako dahil may mga kuya at mga kapatid ako, na handa akong tulungan.
Ang sabi ng mga kapatid ko, kilala na daw nila ako noon pa man talaga, dahil hindi ito tinago sa kanila ni Mr. Trevor.
" Francine, nakikinig ka pa ba? " Bumalik ako sa kasalukuyan dahil sa sinabi na yon ni Kuya Lester. Aish. Naguguluhan na talaga ako! Ang hirap
i-sink-in sa utak ko ang lahat ng mga nalalaman kong katotohanan ngayon.Isa sa mga narealized ko, nabubuhay pala ako sa puno ng kasinungalingan.
Ang daming kong hindi alam na tungkol mismo sa buhay ko! Bakit ganon? Ang daming nililihim sakin ni mommy simula pa noon! Ang dami kong hindi alam.Im not Aliyah Shey Villena. Im not.
Ilang taon na ako nabubuhay, sa mga bagay na akala ko totoo, yun pala puno ng kasinungalingan.My real name is Francine Sandrine S. Tan, hindi ko alam na ginagamit ko ang maling pangalan! Yes, maling pangalan! Pinalitan daw ni mommy ang name ko, simula ng magkahiwalay sila ng tunay kong tatay, at yoon ang naging dahilan kung bakit hindi ako mahanap noon ni Mr. Trevor at ng mga kuya ko.
Gustong-gusto ko ng sugurin si mommy at magalit ng sobra sobra dahil sa mga ginawa niya! Ngunit ayoko. Ayokong saktan siya, maaring may dahilan siya kaya niya nagawa ang lahat ng ito, at ayoko munang malaman ang mga dahilan niya. Gusto ko munang mag-palipas, at hintayin ang tamang oras.
" France! " Tawag sakin ni Tyrone dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya, pero cold pa rin siyang tingan, unlike kuya Lester na palaging nakangiti at masaya.
" Bakit Tryone? " Tanong ko sa kanya, na lalo nakapaningkit ng mga mata niya.
Bahagya siyang lumapit sakin bago guluhin ang buhok ko." Bakit hindi mo ako tinatawag na kuya? Tsk." Napatawa ako sa sinabi niya, maging si Kuya Les. Mas matanda lang siya sakin ng ilang buwan dahil ng iwanan sila noon ni Mr. Trevor sa mommy nila, kasalukuyang pinagbubuntis pa lang din noon si Tryone.
" Ilang months lang naman ang tanda mo sakin." Sagot ko sa kanya. Kahit ilang araw ko pa lang sila nakakasama, ang gaan na ng pakiramdam ko pagdating sa kanila.
Nakita ko ang pag-smirk ni Tryone sakin.
" Kahit na. You should call me Kuya, like what you called kuya Les, and Kuya Travis. Tsk." Hay naku! Ayoko talaga siya tawaging kuya, kasi para sakin magkasing-edad lang kami halos.
" Tryone, hayaan mo na si Francine. Para nga kayong kambal eh, look a like eh?"
Tama si kuya Lester, magkamukhang-kamukha kami ni Tryone, at isa pa yon sa mga dahilan ko kung bakit ayaw ko siyang tawaging kuya, kasi para kaming kambal! And that's was a good thing for me! Kasi gustong-gusto ko noon kapag nakaka-kita ako ng kambal." Ewan ko nga sa inyo! " Natawa na lang kami ulit ni kuya Les sa inasal ni Tryone na kunwari nagtatampo.
" Shacey, come here. " Tawag ni Tryone sa anak kong konti lang ang layo sa kinauupuan niya.
Lumapit naman agad si Shacey sa kanya, at nakipaglaro gamit ang mga robots niyang laruan. Tuwang-tuwa si Shacey, sa mga tito niya.
" By the way Francine " Panimula ni kuya Les sakin, medyo naiilang pa rin ako kapag tinatawag nila akong Francine. Hindi ako sanay, I prefer Aliyah than my other names.
" Uuwi sila Travis at Troy this week, they like to meet you too, Dad as well. I hope you changed your mind, at sumama na muna kayo ni Shacey samin papuntang Japan. " Hindi ako nakasagot, hindi ko pa talaga kasi alam ang gagawin ko sa ngayon. Madami akong kinakatakot. At hindi ko alam kung kaya ko na bang harapin si Mr. Trevor na tunay kong tatay.
At paano kung sumama kami ni Shacey sa kanila papuntang Japan?
Paano kung Bigla siyang bumalik.
-
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!