Chapter 43

8.5K 142 4
                                    


*LESTER POINT OF VIEW*

" Lester! " She shouted again. Here we go again Freya.

"Im talking to you! Lester!" This time, her voice was so Damn! Wala na ba talagang gabi na uuwi ako dito sa bahay namin ng hindi kami mag-aaway?! Nakakasawa na!

Bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko hinarap ko siya, kahit ayoko na sana.

Oo kwarto ko na lang to dahil ayoko ng magkasama kami sa iisang kwarto, tama lang na magkahiwalay kami ng kwarto!

Para saan pa kasi na magsama kami!

" Freya! Can you just stop talking to me! Im tired! " I know, nasaksaktan ko naman siya ngayon dahil sa ginagawa ko, but I don't care! Ginusto naman niya ang buhay na ganito! My life is like a hell now! If I could go back in time, ipaglalaban ko talaga ang taong mahal ko, at hindi ako mag-papakasal dito kay Freya! Sino ba naman kasi ang may gustong makasal sa taong hindi mo naman mahal?!

If could take it all back.

" Lester. " She said.

Hindi nakalagpas sa paningin ko ang mga luhang unti-unting nahuhulog sa mga mata niya. I know, nasaktan ko na naman talaga siya, pero wala akong magagawa, ang makasama siya sa araw-araw ang ayoko na talagang mangyari kaya sinasadya kong mag-pagabi sa trabaho.

" Nag-alala lang naman ako sayo eh, baka napaano kana sa daan, kaya nung dumating ka naging ganoon na lamang ang reaksiyon ko. Sorry Les. " Matapos niyang sabihin yon, tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa kwarto, narinig ko pang tinanong niya ko kung kumain na ba ako, pero hindi ko na siya pinansin. Mas mabuti na siguro yung ganito ang sitwasyon namin, pareho lang naman kaming nasasaktan.

Kaya naman hindi ako sang-ayon kay Dad at kila Tryone sa gusto nila para kay Aliyah, ayokong danasin din ng kapatid ko ang buhay na meron ako ngayon.

Hindi ko na nga alam kung kailan kaya ulit ako magiging masaya. Sana naibabalik ang oras.

-

*ALIYAH POINT OF VIEW*

Nagtungo muna ako sa kwarto ni Shacey, upang siguraduhin kung natutulog na nga ba siya. Bahagya ko lamang binuksan ang pinto ng kwarto, tama lamang para makita ko ang anak kong mahimbing ng natutulog.

Pagkatapos, ay nagpunta na ako sa kusina para makapag-bake ng cake para bukas sa birthday ng bunso kong kapatid na si Clifford. Hindi tulad namin ni Luke na sobrang lapit sa isa't-isa medyo ilag kami sa isa't-isa ni Clifford, marahil nagsimula ang lahat ng yon ng nalaman niya na hindi kami pareho ng tatay at inisip niyang hindi niya talaga ako kapatid kaya naman parang may pader na nakaharang na saming dalawa ngayon, gayunpaman kapatid ko pa rin si Clifford at hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanila ni Luke.

Ilang years na rin akong nag-babake, at ng minsan matikman ng kapatid ko ang ginawa kong triple-chocolate cake sa Shey&Shacey Cafe, nagustuhan niya ito at kanina lamang laking gulat ko ng mag-text siya sakin na minsan na lang mangyari.

" Ate, I miss you so much. Sana maka-punta kayo ni Shacey bukas sa birthday party ko. By the way ate,can you bake a Triple-chocolate cake for me? Hahaha. Please. :) I love you! See you tomorrow!"

Hanggang ngayon, masayang-masaya pa rin ako kapag naalala ko ang text ni Clifford sakin kanina, minsan lang kasi mag-text sakin ng ganon yon hindi tulad ng mga kuya ko at ni Luke na halos araw-araw kinakamusta ako o kaya naman pinupuntahan kami ni Shacey.

I decided na ngayon ko na gawin ang cake na request ni Clifford para bukas gagayak na lang kami ni Shacey. Maagang nakatulog si Ivan dahil napagod sa trabaho niya, si Shacey naman halos kakatulog lang non, nahilig na kasing mag-games sa Ipad na regalo sa kanya ng Tito Luke niya last week. Hays, masyado kasing spoiled si Shacey sa mga kapatid ko, kaya ganon.

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon