Kung siguro sa iba, masasabi nilang katangahan itong gagawin ko.
Gagawin ko ito, para sa sarili ko, para samin ni Baby Shacey.
"Anak, you don't need to that." Hindi lang ako naiintindihan ni mommy, kaya nasasabi niya yan.
"Mommy, kailangan ko si Ivan, kailangan namin siya ni Shacey. At mahal ko siya mommy." Biglang may kung anong sumakit sa dibdib ko ng masabi ko yung huli.
Ipaglalaban ko, ang dapat na sa akin. Alam kong mahirap, masakit pero kakayanin ko para sa anak namin.
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, pero alam kong mahal niya ako, mahal niya kami ni Shacey.
"Mommy, ikaw na muna ang bahala kay Shacey." Pagka-sabi ko non kay mommy, wala na akong sinayang pang oras.
Dumating ako sa bahay nila Ivan, ng walang tao kahit na sino sa kanila. Ni si Ivan, kahit anino man lang niya wala akong nakita.
"Naku!Aliyah wala sila sir Ivan dito." Yaan lamang ang tangi kong nakuhang sagot sa isa sa mga katulong nila Ivan ng mag-tanong ako kung na saan si Ivan.
Alam kong, nandon lang si Ivan ayaw niya lang sigurong mag-pakita sakin.
Nag palipas ako ng buong mag-hapon sa isang coffee shop malapit sa bahay nila Ivan. Bawat oras, sinisigurado kong binabantayan ko sa paningin ang bahay nila Ivan, para kung sakaling lumabas siya, o dumating na siya makita ko siya agad.
Nakaka-ilang order na ako frappe, wala pa ring Ivan na dumadating.
Nasaan ka ba Ivan?
Okay lang kaya siya? Kumain na kaya siya?
Hindi ko maiwasang mag-alala kay Ivan, ngayong hindi ko alam kung na saan ba siya.
"Ma'am, sorry po mag-close na po kasi kami ng shop. May hinihintay po ba kayo? Kanina pa po kasi kayo dito." Ng sabihin sakin ng isang waiter yon, dali-dali na akong lumabas ng shop nila.
Its already 7pm, doon na lang ako mag-hihintay sa may malapit sa bahay nila Ivan.
Maliwanag na ang buong paligid ng bahay nila Ivan, nandito na siguro sila.
Naglalakad na ako papunta sa gate nila Ivan, ng makita ko ang isang kulay itim na sasakyan, na huminto sa harap ng bahay nila Ivan.
Napahinto ako, alam kong sasakyan nila Ivan yon, yoon ang madalas na gamitin ni Ivan na sasakyan.
Hindi ako nag-kamali, ng lumabas si Ivan sa sasakyan.
Lalapitan ko na sana siya, ng
makita kong pinag-buksan niya ng pinto ang isang babae. Sino kaya yon?
And then I saw Rissey, siya yung babaeng pinag-buksan ng pinto ni Ivan!
At ngayon, magka-holding hands na sila!
Sabay silang pumasok sa bahay nila Ivan.May kung anong kumirot sa puso ko.
So, totoo nga?
Si Ivan at ang pinsan kong si Rissey?
Bakit mo to ginagawa Ivan?
Susundan ko na sana sila Ivan, ng mag-ring ang phone ko.
"Hello?" Sagot ko sa kung sinong tumatawag sakin.
"Anak! na saan kana ba?! Hurry up!" Kinabahan ako sa tono ng pananalita ni Mommy.
"bakit mommy?" Tanong ko kay Mommy, na halata kong natataranta sa kabilang linya.
" Were here now in the hospital, si Shacey sinugod namin dito!" Hindi ko na naintindihan ang iba pang sinabi ni Mommy, dali-dali akong pumara ng taxi, kailangan kong makapunta agad sa hospital!
Shacey, anak dapat hindi kita iniwan kanina. Im sorry baby!
God, kayo na po bahala sa anak ko! Sana'y walang nangyari masama sa kanya.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko!
-
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!