Hindi ko alam, hindi ko na alam ang gagawin ko. Eto na ba yung tinatawag nilang karma? Kasi kung oo, nagsisisi na ako sa lahat. Sa lahat ng pagkakamali ko.
Pero alam kong ano man ang gawin kong paghingi ng tawad sa kanya ngayon hindi na niya ako maririnig. If I could take it all back, If I could bring her back to me. If I could go back in time...
How I wish na may time machine, para mabago ko ang lahat ng hindi na niya kailangan pang maghirap dahil sakin.
Yung araw na mangyari yon, halos gumuho ang mundo ko.
Flashback
" Aliyah-!" I tried to called her, pero hindi na siya lumingon man lang. Hindi ko siya masisisi, alam kong nasasaktan ko na naman siya ng sobra!
Alam kong mali ako, dapat una palang sinabi ko na sa kanya ang totoo. Na may nangyari samin noon ni Rissey. Pero hindi ko ginusto yon! Alam kong kahit sino man, magagalit dahil sa ginawa ko na yon. I know, I'm selfish. Hindi ko sinabi kay Aliyah noon na may posibilidad na anak ko nga ang dinadala ni Rissey, dahil natakot ako. Natakot akong by the time na malaman niya yon, iwan niya ako.
At ngayon alam kong wala ng kasiguraduhan ang lahat. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ako. Pero hindi ko hahayaang mawala ulit siya sakin.
Huminga muna ako ng malalim, at kinalma ang sarili ko bago ko tuluyang sundan si Aliyah. Pinipigilan ako ni Rissey, pero hindi ko kayang hayaan na lang ng basta basta si Aliyah.
Halos takbuhin ko ang near exit ng hospital, nagbabakasaling maabutan ko pa siya. Pero wala na siya. Hindi ko alam kung saan siya pwedeng pumunta ngayon.
" Miss nakita mo bang nagdaan ang babaeng ito dito? " Tanong ko sa babaeng nagtitinda sa isang stall, malapit sa labas ng hospital. Pinakita ko sa kanya yung picture ni Aliyah sa phone ko.
" Ay, Oo! Kakadaan lang niya, umiiyak pa nga eh. " Na sabihin yon ng tindera, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, at sinundan ko si Aliyah.
Hindi ko ininda ang init ng araw, at ang mababahong usok ng mga sasakyan sa kalsada. Halos makipag-tulukan na ako sa mga taong nadadaanan ko, kailangan kong abutan si Aliyah!
Halos malayo na ang narating ko mula sa hospital ng may nagkakagulo sa kalsada. Mga sasakyan, mga tao na nagkakagulo. Nadinig ko sa ilang nagkakagulo na mga tao, na may aksidente daw.
Hindi ko alam pero ng marinig kong may aksidenteng nangyari, nakipagsiksikan ako sa mga nakakagulong tao malapit sa pinangyarihan ng aksidente. Hindi ko naman ugali to, pero ewan ko ba.
And somehow, bigla akong nakaramdam ng kaba! Hindi rin naman kasi ako makakaraan sa kalsada, dahil talagang nagkakagulo ang lahat dahil sa aksidente.
" Buhay pa ba?! " Dinig kong sigaw ng isang matangdang lalaki, na malapit sa isan- isang babaeng duguan na nakahiga sa kalsada!
Lalong lumakas ang kabog ng puso ko, ng tuluyan akong makalapit para mas makita ng mabuti yung babae, halos gumuho ang mundo ko dahil sa nakita ko.
Aliyah.
Si Aliyah yung babaeng nakahiga, duguan sa kalsada! Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig!
Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita. Halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko, at sa huli kahit alam kong imposible pa niyang marinig ako, tinawag ko siya "Aliyah!"
END OF FLASHBACK
" Sir, hindi po talaga kayo pwedeng pumasok. Mahigpit po kaming pinagsabihin na hindi kayo pwedeng makapasok sa loob ng hospital, pasensya na po trabaho lang. " Hindi ko napigilan ang sarili kong makapagsalita ng hindi maganda sa security guard na nasa harapan ko ngayon. Kahapon pa ako, pabalik-balik dito sa hospital pero simula kahapon, hindi ako makapasok man lang sa loob ng hospital.
Ang papa ni Aliyah, ang may nagmamay-ari ng hospital, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganon na lang ang tungo sakin ng security guard na to.
Sinisisi nila ako sa nangyari kay Aliyah, na hindi ko naman ginusto. Kung pwede nga lang ako na lang ang naaksidente gagawin ko, maging ligtas lang ang babaeng mahal ko." Paki-sabi naman po sa kanila, nagmamakaawa po ako gusto ko lang naman po dalawin yung girlfriend ko."
-
Sa paghihintay ko sa labas ng hospital, nagbabakasakali na may dumating na himala makapasok ako, inabot na ako ng dilim. Naalala ko bigla ang anak namin! Si Shacey, malamang hinahanap na niya ako. Si Shacey na lang ang meron ako ngayon, at hindi ko hahayaan na pati ang anak ko, kunin nila sakin!
Papauwi na sana ako, ng may humintong sasakyan sa tapat ng entrance ng hospital kung hindi ako nagkakamali, sasakyan nila Aliyan iyon.
Hinintay ko muna kung sino ang bababa mula sa sasakyan, at hindi nga ako nagkamali! I saw Aliyah's mom, crying. Kasama niya yung nakakabatang kapatid ni Aliyah na si Clifford. Dali-dali silang pumasok sa loob ng hospital, at hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong makausap sila.
I'm really hopeless now.
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!