This chapter is dedicated to ministeriojean and MacyBarde ;))
***××××××××××
CHAPTER 36
FRANCINE SANDRINE S. TAN POINT OF VIEW
Isang buwan na rin ang nakalipas, simula ng makilala ko at makasama ang tunay kong Dad na si Mr. Trevor Tan at ang aking mga kapatid na sila Kuya Lester, Kuya Travis, Tryone at Troy. Wala ng mas sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon, dahil sa wakas pakiramdam ko buo na ang pagkatao ko, at hindi na ko nabubuhay pa sa mga kasinungalingan. Hindi pa rin kami ayos ni mommy, dahil hanggang ngayon umiiwas siya sakin, marahil hindi pa siya handa sa mga itatanong ko sa kanya. Hindi naman na ako galit kay mommy, pero siguro nga hintayin ko na lang ang tamang oras para magkausap kami ng maayos.
Lumipat na kami ni Shacey ng bahay sa bahay nila Papa, para naman mabawi namin ang mga panahon na hindi namin siya, sila nakasama. Si Dane? busy pa rin siya, pero hindi naman siya nakakalimot na puntahan kami ni Shacey, dito sa bahay kapag may free time siya. Maayos naman na ang lahat sa buhay ko ngayon. Masaya ako kasama ang mga mahal ko sa buhay.
Kaka-patulog ko pa lang kay Shacey, ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at sa tingin ko ay isang maid namin dito sa bahay, "Ma'am Francine, pinapatawag po kayo ni Sir Trevor sa living room." Yoon lamang ang sinabi ni ate Cathy ng binuksan ko ang pinto, at pagkatapos non umalis na din siya.
Pagkakababa ko sa living room namin, nakita ko agad si Papa na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng movie sa TV.
Umupo ako sa tabi niya, at kasabay non ang pagdating ni Kuya Lester na naupo naman sa kabilang sofa." Bakit po Papa? " Tanong ko kay Papa, napansin ko agad ang malungkot niyang mukha.Hininaan niya muna ang volume ng TV gamit ang remote, bago siya humarap sakin at sumagot.
" Im sorry anak, nakapag-desisyon na ako. " Kinabahan ako sa sinabi ni Papa. Kahapon kasi we talked about my name issue. Kung maari sana ang gusto ko ay wag na nilang baguhin ang pangalan ko, dahil sanay ako at lumaki ako na ang pangalan na ginagamit ko ay Aliyah Shey R. Villena na pinangalan sakin ni mommy simula ng magkahiwalay sila ni Papa noon.
" From now on, you will use you're real name. At ayokong gamitin mo pa ang hindi mo naman talagang pangalan, dapat lang ay dalhin niyo ng apo ko ang apelyido ko." I sighed, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad ng pagiging anak ni Trevor Lei Tan. Tama naman si Papa, dapat na apelyido nga niya ang gamitin namin ni Shacey, dahil siya naman talaga ang tunay kong tatay.
" Okay, Pa. " Papa just smiled at me, ng sabihin ko yon.
Lumaganap ang katahimikan samin, ng mapansin ko ang titig ni Kuya Lester sakin, at para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya matuloy.
" Bakit kuya? " Tanong ko kay Kuya Lester, at hindi nakalagpas sakin ang mabigat niyang paghinga bago nagsalita.
" Shacey's Dad. " Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig yon, at napahinto si Papa sa panunuod niya sa TV ng marinig niya din yon.
Wala akong masabi, kasi hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Matagal ng wala sa buhay namin ni Shacey si Ivan, at wala akong balita sa kanya. Hindi ko nga alam kung buhay pa ba siya. O baka may iba na siyang pamilya.
Hinintay ko na lang si Kuya Lester na magsalita ulit. " Wala ka bang balak na hanapin siya? Kahit para kay Shacey man lang, alam kong alam mo kung ano ang pakiramdam ng walang kalingan ng tunay na tatay. " Kumunot ang noo ko, dahil sa sinabi ni Kuya. Bakit niya sinasabi yon?
Sa totoo lang, unti-unti ko na nga nakakalimutan si Ivan, I just realized na siya ang nang-iwan samin ni Shacey, kaya dapat lang na hindi na ako umasa pa na babalik pa siya. Kasi kung may balak siya, noon pa man bumalik na siya para magpaka-tatay man lang siya sa anak namin, kahit wala na kaming relasyon.
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!