Chapter 42

9.5K 172 9
                                    

" Bukas, mag-lalaro ulit tayo ah? " Masiglang tanong ng isang batang lalaki, sa kaharap niyang batang babae. Mukhang masayang-masaya silang pareho, ang batang babae ay may hawak na isang barbie doll samantalang ang isa naman ay may hawak na laruang sasakyan.

Hihingal-hingal sila pareho, marahil napagod sila kakalaro. Parehong madumi na ang mga damit nilang suot, na malamang nakuha nila kakalaro sa damuhan.

Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa batang babae at " Oo naman, bukas laro ulit tayo! Hintayin mo ako ah. " sabi nito pagkatapos ay naglakad na ito paalis sa batang lalaki. Kumaway pa ito sandali, na ikinangiti lalo ng batang lalaki.

Tinitigan ko ang mukha ng batang lalaki, at tila isang malabong imahe lamang ang nakita ko, kahit anong gawin kong titig sa mukha niya, hindi ko pa rin makita ng malinawan, kaya hindi ko siya mamukhaan, pero alam kong kilala ko yung batang yon.

Tila parang nanunuod ako ng isang palabas, kung saan mga bata ang bida sa kwento. Tiningnan ko naman ang mukha ng batang babae, then I saw myself! Its me! I know its me! Yung batang babae na naglalakad kasalukuyan ay ako! Alam kong ako talaga yon! Pero bakit? Naguguluhan ako. Ako yon, nung bata pa ako. Bakit hindi ko napansin agad kanina, na ako yung batang babae?

Sa muling pagsulyap ko sa batang babae, tila isang fast forward ang nangyari. Tila isang mukhang pelikula na mabilis napalitan ang scene. I saw myself running! Naiba lang suot ko, pero kung ano ang hitsura ko kanina ay ganon pa rin ngayon. Ang weird? Nakikita ko ang sariling ako. Kung ano yung hitsura ko nung bata ako, ay yon yung nakikita ko ngayon.
Paano nangyayari to? Nakikita ko ang sarili ko, ang batang ako!

Mukhang nagmamadali ang batang babae na ako, takbo ng takbo. Para bang may hinahabol na dapat kong abutan. Suot ko ang paborito kong dress na regalo sakin ni Lola noon. Alam kong kapag nalaman ni mommy na takbo ako takbo ngayon papagalitan ako non.

Napapanuod ko ang sarili kong tumatakbo? ano ba ang nangyayari? Para lang akong nanunuod ng TV na kaibahan lang, para akong nasa loob din ng TV. Nakikita ko ang sarili ko na tumatakbo, ngunit bata pa ako sa nakikita ko. I think Im just 7 or 8 years old here.

Sinundan ko ang batang ako, hanggang sa makita kong patawid siya sa kabilang kalsada. I was about to follow her when, and called her, when suddenly

*beep!*

*blag*

May mabilis na kotse ang nakabundol sa batang babae na ako, dahilan para mapahinto ang kotse at tumularit ang batang babae sa di-kaluyan ng gitna ng kalsada.

Mabilis ang pangyayari, ang alam ko na lang nilapitan ko ang batang babae na nakahandusay na sa kalsada, ang mukha nito ay punong-puno na ng dugo, pero kahit na ganon alam kong ang batang tinitigan ko ngayon ay ako talaga! Ako yon!

Wala akong maramdaman, physically and emotionally. Naguguluhan ako!

Nagka-gulo na ang paligid, pinikit ko ang mga mata ko para maniguradong panaginip lamang ang lahat, ngunit pagdilat ko na isang hospital na ako. Parang ibang scence na naman ang nangyayari. Bakit ganon? Parang walang nakakakita sakin.

Tumakbo ako ng tumakbo, hanggang sa matapat ako sa isang parte ng hospital na may malaking bintana, kung saan naaninag ko ang imahe ng sarili ko, sa nakikita ko ngayon hindi na ako bata!

What's happening?!

Nakita ko ang isang babae na tumatakbo papunta sa kabilang parte ng hospital, kung saan may pintong kulay puti at sa itaas nito may nakasulat na Operating Room.

Umiiyak yung babae, at hindi malaman ang gagawin. Kilala ko iyong babae na yon, sino na nga ba siya?

Hindi nagtagal isang matandang lalaki at babae naman ang dumating at lumapit sa babaeng umiiyak sa tabi ng kulay puting pinto na yon, niyakap nila yung babae na iyak ng iyak. Nakakaawa yung babae, siguro may problema siya.

Parang kilala ko siya, sila. Sino na nga ba sila?

Naglakad ako palapit sa kanila, at katulad kanina hindi din nila ako nakikita. Para akong multo na ako lamang ang nakakakita sa kanila, samantalang ako hindi nila nakikita o mamalayan man lang.

Pilit kinakalma nung matandang lalaki yung babae na umiiyak. Hindi nila ito makausap ng mabuti. Nanatili akong nagmamasid sa kanila, hindi naman nila ako nakikita. Multo na ba ako?

Ano bang nangyari kanina?

Huminga muna ng malalim yung babae na umiiyak, bago magsalita.
" Mom, Dad! Si Francine! Yung baby ko, baby ko! "

Hindi ko na naintindihan yung sumunod pang nangyari, basta ang alam ko na ngayon na si Mommy pala yung umiiyak na babae. Pero sino yung Francine? Bakit siya umiiyak? Bakit sila umiiyak?

Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko silang lapitan, gusto ko silang tanungin kung anong nangyayari.

Pero hindi ko magawa! Hindi nila ako nakikita, at kahit anong gawin kong sigaw hindi nila ako maririnig!

Ngayon ko lang nakita si mommy na umiiyak ng ganyan. Bakit ba siya umiiyak?

-

Nagising ako dahil kay Ivan. Ng ibukas ko ang mga mata ko siya agad ang nakita ko, katabi ko siya sa higaan. Pero hindi katulad ko nakahiga pa rin, naka-upo na siya sa higaan.

" Nanaginip ka yata ng hindi maganda, kaya ginising kita nag-aalala ako sayo." Sabi ni Ivan sakin ng makita niyang gising na ako.

Panaginip lang pala ang lahat! Akala ko kung ano na ang nangyayari! Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kaba, at takot na nararamdaman ko kanina nung na nanaginip ako.

Its weird. Bakit ba ako nanaginip ng ganon? Si mommy, si lolo at lola umiiyak sila kanina sa panaginip ko, tapos nakita ko yung batang ako sa panaginip ko na may kasamang batang lalaki na parang matagal ko ng kilala.

Uggh.

Ang gulo!

" Yeah, tama panaginip lang ang lahat."

Ivan sighed.

" Ano yung napanaginipan mo?" Tanong niya sakin, napaisip ako kung ikukwento ko pa ba sa kanya, ako nga hindi ko maintindihan yung panaginip na yon tapos sasabihin ko pa ba sa kanya?

" Its just a nightmare." Matipid kong sagot sa kanya, napaiwas siya ng tingin sakin, biglang may kumirot sa parte ng puso ko dahil sa ginawa niya na yon. Marahil hanggang ngayon iniisip niyang iniiwasan ko siya sa hindi niya malamang dahilan.

" Ivan. " Tawag ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin tumayo na siya mula sa kama namin, at naglakad palabas sa kwarto namin.

" Ivan! " Napalakas ng konti ang boses ko, dahilan para mapa-lingon siya sakin ng bahagya bago tuluyang lumabas ng kwarto namin.

" I love you. " Wala akong ibang masabi. Alam kong yon din ang tamang sabihin sa kanya. Alam ko ding yoon lamang ang makakapag-pagaan ng loob niya ngayon.

Hindi siya agad nag-salita, sa halip bumalik siya sa tabi ko at tinitigan niya akong mabuti.

" Ivan, I know galit ka sakin dahil meron akong hindi sinasabi sayo but-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, dahil agad niya akong hinalikan sa aking labi.

Para akong nakukuryente dahil sa ginagawa niyang paghalik sakin. Nakalimutan kong panandalian ang mga problema at hinanakit ko.

" I love you Aliyah." Ivan said, between our kisses.

Halos kumawala na ang puso ko, dahil sa nararamdaman ko ngayon. I closed my eyes, and some flashbacks come into my mind.

Some memories, the the first time I saw him, our first date, our first kiss.

Para akong nilalasing dahil sa mga halik na ginagawa niya sakin. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.

Then realization hits me so hard!


Hindi ko kayang mawalay pa ulit kay Ivan.

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon