Chapter 21

9.4K 174 2
                                    

ALIYAH'S POINT OF VIEW
×××

"Kylie Rissey" Halos pabulong niyang sabi, Hindi ko maiwasang matingin sa kanilang dalawa.

Bago pa man magsalita ang isa ulit sa kanila, ay nagsalita na ako. "Magkakilala kayo babe?" Tanong ko kay Ivan, nag-iwas siya ng tingin sakin. Hindi ko alam, pero parang may hindi ako alam tungkol sa kanila. Parang may tinatago sila sakin. I was about to ask Rissey, when Baby Shacey cry out loud.

Pinuntuhan ko si Baby Shacey, at alam kong sumunod sakin si Ivan. Si Rissey naman bumalik na sa kinauupuan niya kanina. Kinuha ko si Baby Shacey sa may baby basket.

At pinatahan ko ito, dahil iyak ng iyak.

Namumula na ang mukha ni Baby Shacey, kakaiyak.

"Babe, paabot naman ng milk bottle ni Baby." Kinuha naman ni Ivan yung bottle at inabot sakin. Pagkalagay ko sa bibig ni Baby yung nipple ng Bottle Milk niya, ay unti unti na rin itong huminto sa pag-iyak.

Nagugutom lang pala siya.

-

Matapos ang Dinner, ay umuwi na rin agad si Tita Kris, tapos ilang sandali lamang ay nag-paalam na ring uuwi sila Tita Nathy, at si Rissey.

Kakapatulog ko lang kay baby Shacey, kaya naman nagkaraon ako ng time para mag quick shower bago matulog.

Pagkatapos kong mag-shower lumabas ako ng banyo, at nakita ko si Ivan na abalang abala sa laptop niya.

Sandali niyang tininggal ang tingin niya sa laptop, tsaka tumingin sakin at ngumiti, pagkatapos noon ay binalik na niya ulit ang tingin niya sa laptop.

Pinili kong isuot kanina, ang isang oversize t-shirt ni Ivan, at isang cotton pajama ko.

Naging hilig ko na yata ang pag-suot ng mga ganitong klaseng damit tuwing gabi.

Mas komportable kasi ako sa ganito.

"Babe, ano ba yang ginagawa mo? " Tanong ko kay Ivan, na hindi man lang sinagot!

Nakakainis!

Abalang-abala siya sa laptop niya ah!

"Babe, nga pala aalis tayo bukas, may pupuntahan tayo!" Masayang sabi ni Ivan sakin.

"Saan naman?" Matipid kong tanong sa kanya. Ngumiti muna siya sakin, bago magsalita ulit.

"Ipapakilala ko kayo ni Baby Shacey kay Mommy at sa kapatid kong si Seah! "

Mommy niya? At kapatid niyang si Seah??

Nababaliw na ba tong boyfriend ko?

Kilala naman na kami ni Baby Shacey ng mommy niya ah na si Tita Kris! Tsaka wala kaya siyang kapatid!
Nag-iisang anak lang kaya siya!

"Huh?" Naguguluhan kong sagot sa kanya. "Babe, tita Kris is not my real mom, and I have sister! My one and only sister! "

What? Talaga ba?!

"Babe, sorry hindi ko alam! Pero excited na akong makilala sila!" Pero kinakabahan na ako ngayon pa lang.

Mabait kaya yung mommy niya?Eh yung kapatid niya kaya? Sa kabilang dako, Napansin ko naman, ang pag-iba ng mood ni Ivan.

"Babe, wag kang kabahan siguradong magugustuhan ka nila, tsaka matutuwa sila kay Baby Shacey! I'm sure!" Sana nga.

Hindi ko inakala, na hindi pala niya tunay na nanay si Tita Kris, at hindi ko din akalain na may kapatid pala siya! Sabi kasi ni Tito Greg sakin dati, nagiisa niya lang anak si Ivan!

"Pero babe, pano nangyari yon? Hindi mo pala mommy si Tita Kris? Tsaka may kapatid ka pala?"

Ngumiti naman siya sa sinabi ko. Sinarado na niya ang laptop niya, at tumingin siya sakin ng mabuti.

"Tita Kris is my Dad second wife, At yung kapatid ko na si Seah, mas bata siya sakin ng dalawang taon." Napaiwas ako ng tingin sa kanya, nahihiya kasi ako sa kanya, kasi ang dami ko pa palang hindi alam sa kanya.

"Oh, babe bakit?" Tanong niya sakin.

"Eh, kasi naman babe, nahihiya ako sayo." Sagot ko sa kanya,

Hinawakan niya ako sa mukha, binaling niya ang mukha ko sa mukha niya, at tiningnan niya ako sa mga mata.

"Bakit naman babe?"

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot sa kanya.

"Babe, kasi naman eh, ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sayo." Nahihiya kong saad sa kanya. "Babe, its okay, wag kang mahiya sakin, tsaka isa pa, wala naman ding talagang ibang nakakaalam ang tungkol sa tunay kong mommy at sa kapatid ko. "

"Pero kahit na babe, dapat alam ko yung mga yon."

"Aliyah, ang mahalaga, alam mo na ngayon ang tungkol don, its not your fault na hindi mo alam ang tungkol don, tsaka makilala niyo naman na ni baby bukas sila eh." Kung sa bagay, hindi rin naman kasi niya sinabi sakin ang tungkol don noon eh.


"Babe, Im sure matutuwa talaga sila Mommy bukas, kasi They knows too that I am really very happy now. "

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon