Author's Note:
Hi everyone! I just want to say THANK YOU for those who still reading and supporting this story kahit na sobrang bagal kong mag-update! Hahaha. I love you all! 😊 There's still few chapters and we're done! 😉 yays! Here's Chapter 52, enjoy reading everyone! 😉 DON'T FORGET TO GIVE ME VOTE'S AND LEAVE A COMMENT'S! 😘😂
-Today is saturday, Aliyah's favorite day. Pero hanggang ngayon hindi pa rin namin siya makakasama. "Daddy, where is mommy? I really miss her!" I suddenly felt guilty when Shacey said that. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya alam ang nangyari sa mommy niya. I just can't. I can't afford na pati ang anak namin mahirapan. Kaya kung maari, iniiwasan ko kapag nagtatanong siya ng ganon. Dahil sa oras na malaman niya ang totoo, sigurado akong matatakot siya, mag-aalala ng sobra para sa mommy niya.
"And daddy why are still here? I want to go home!" He cried. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin kami umuuwi sa bahay dahil sigurado akong sa oras na umuwi kami don kukunin nila sakin si Shacey. At hindi ko hahayaan na pati ang anak namin, ipagkait nila sakin.
"Baby, wag ka ng umiyak. Soon uuwi din tayo, malapit na. But for now, eat first bahala ka magagalit si mommy kapag di ka kumain." At thanks God! Dahil ng sabihin ko yon, kumain na rin siya. Naiinis na ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko wala na akong kwentang tatay sa anak ko! Wala akong ibang magawa ngayon. Ano ba ang dapat kong gawin ngayon?
Sa tuwing gabi lang ako nakaka-dalaw kay Aliyah sa hospital, dahil yung lang ang mga oras na pwede. Kung kailan wala ang mga kapatid at tatay ni Aliyah na galit sakin. Even Aliyah's mother still mad at me, at hindi ko na alam kung paanong paliwanag pa ang gagawin ko sa kanila! I'm really hopeless now.
Wala na akong ibang magawa. Mabuti na lang there's still Lester na tinatulungan ako. Siya na lang ang hindi galit sakin, at good thing naiintindihan niya ako. And also there's still Dane.
Walang kasiguraduhan ang lahat sa ngayon, pero there's still one thing I'm sure about, ipapaglaban ko ang mag-ina ko sa kanila.
"Daddy can we go visit Lolo and tito Tryone?" Ng tanungin yon ni Shacey hindi ko maiwasan makaramdam ng inis.
"Shacey, NO. We can't, I'm sorry son."
"But wh—
"I said No!" I sighed. Ang hirap ng ganito, hindi ko alam kung paano ko ipapa-intindi sa anak ko ang lahat.
Alam kong ilang sandali na lang iiyak na si Shacey, and it makes me weak. Kahinaan ko ang anak namin.
"Daddy, I want to sleep na." Then he walked away.
I'm sorry son, hindi ko lang kaya na pati ikaw kukunin nila sakin. Ikaw na lang ang meron ako ngayon.
-
Tryone's POV
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ni Aliyah dito sa hospital ang nasaksihan ko agad ang nag-aaway na si Dad at Aliyah's mom.
Napahinto sila ng makita nila ako. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan dito pa sila mag-away! Wala ba silang awa sa kapatid ko?
"Why are you here? Nahanap mo na ba kung saan lugar nagtatago ang gagong Ivan na yon?!" I sighed.
"Tryone, how's my apo? Nahanap mo na ba sila?" Umiling ako, na mas lalong ikinagalit ni Dad. Kung nasan man si Ivan ngayon at si Shacey walang nakaka-alam.
Dumating si Lester kasama si Troy, "What's happening here?" Lester asked, then I just shrugged.
"Lester, alam mo ba kung nasaan yung Ivan na yon?! At kung saan niya dinala ang apo ko?!" Nag-iwas ng tingin si Lester, na dahil don alam ko na may tinatago siya samin. Kilala ko si Lester, naging kaibigan niya yung Ivan na yon! Sigurado akong kung meron mang pwedeng tumulong don ngayon, si Lester yon! Tangina.
"Dad don't worry, ako na ang bahala don. Hahanapin ko sila at hindi ko hahayaan na si Shacey ay ilalayo niya satin. Gago siya!" I said, and with that finally Dad get calm. And I meant what I said, sa oras na mahanap ko yung gagong yon, mapapatay ko siya!
"Lester!"
Sinundan ko si Lester hanggang sa marating namin ang parking lot. Bigla bigla na kasi siyang nag-paalam kanina na aalis siya at hindi ko hahayaang hindi ko pa muna nalalaman ang kung ano mang tinatago niya samin.
"Bakit? Anong meron Tryone?"
Napa-iling na lang ako, trying to hide something eh? Hindi ako maloloko ng kapatid kong to! Kilala ko siya!
"Nasan si Ivan?" Tanong ko, pero hindi niya ako pinansin. As if na parang wala siyang naririnig, at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Hindi ko na talaga na napigilan pang makaramdam ng inis at galit sa kanya! Kaya naman tinawag ko ulit siya, "Lester!" And with that I hardly punched him.
"What the fuck?! What do you think you're doing?! Fuck you!" Lester shouted. I just smirked at him.
"Bakit ba kasi ang laki din ng galit mo kay Ivan? Ha?!" He asked. I clenched my jaw. Marinig ko pa lang ang pangalan nung gagong yon, kumukulo na ang dugo ko!
"Bakit ba kasi tinutulungan mo pa yung gagong yon ha?! Alam mong wala na siyang ibang ginawa kundi saktan lang ang kapatid natin!" Hindi ko alam pero tumawa lang si Lester sa sinabi ko na lalo kong ikinagalit! What the heck!
"Tryone, anong akala mo? Katulad mo ako? Katulad niyo ako? Pati ba naman ikaw sang-ayon kay Dad?! Walang ibang masamang ginawa si Ivan!" That jerk! Kinakampihan pa niya!
"Kinakampihan mo siya dahil kaibigan mo siya diba? Tangina mo rin eh! Kapatid natin ang ginago nung hayop na yon!" Kung hindi ko lang siya kapatid, malamang kanina ko pa siya pinatay! How could he! Wtf! Si Ivan pa talaga ang kinampihan niya! Kapatid ko ba talaga siya?!
Lumapit siya sakin, at hinila niya ako sa damit ang buong akala ko susuntukin niya na rin ako pero tinulak niya lang akong palayo. I don't know what's happening to him! Hindi na siya ang Lester na kapatid ko! Anong ginawa sa kanya nung hayop na Ivan na yon!
I was about to punch him again, when he talked, "Galit ka lang sa kanya, dahil siya ang mahal ni Rissey at hindi ikaw!"
And then he left.
Hindi totoo yon. Mahal ako ni Rissey.
"Tryone enough! Alam mong si Ivan ang mahal ko at hindi ikaw!"
"Tryone enough! Alam mong si Ivan ang mahal ko at hindi ikaw!"
Tama na! Tama na! I hate to admit the truth! Pero Oo! Galit na galit ako kay Ivan dahil wala na nga siyang ibang ginawa kundi saktan ang kapatid ko, at pati ang babaeng mahal ko na walang ibang ginawa kundi mahalin siya.
Samantalang ako heto talunan! Na pati ang magiging anak ko ipinagkakait sakin ngayon dahil sa Ivan na yon!
Humanda ka sakin Ivan! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!
-
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!