Chapter 7

19.1K 382 8
                                    

IVAN'S POINT OF VIEW
×××

"Aliyah, matagal ka pa ba jan?" Sinikap kong maging tunog malambing pa rin, kahit medyo naiinis na ako! Eh kasi naman mag dadalawang oras na siya sa kwarto! Hindi na natapos sa pag gayak!

Pupunta kasi kami ngayon sa mall, para bumili ng mga gamit ni baby namin. Malapit na din kasing lumabas si baby, ilang months na lang.

Hayss. Parang kailan lang. Six months na ang baby namin, at kahapon lang nalaman na namin ang gender ng baby namin, gusto niyo bang malaman kung boy or girl?

Baby boy. :) oo! Baby boy nga! Kapag naalala ko, yung kahapon kung paano nakita namin ni Aliyah sa isang screen yung baby namin, nung nagpa ultra sound kahapon si Aliyah, hindi ko pa rin mapigilang matuwa, at maiyak dahil sa saya!

Ganito pala yung feeling ni Daddy, nung una niya akong makita sa isang screen din, nung nasa tiyan pa lang ako ni mommy.

"Baby, tara na!" nahinto ako sa pagmumuni muni ng tawagin ako ni Aliyah, na nasa may pinto na pala.

Marahan ko siyang tiningnan habang papalapit ako sa kanya, at hindi ko mapigilang mapangiti, dahil ang ganda ng girlfriend ko!

Lalo akong napangiti ng makita ko ang baby bump niya. Medyo malaki na rin ang tiyan, at mahahalata mo na talaga sa suot niyang dress. Soon magkakasama na rin namin ang little Ivan namin.

"I love you" sabi ko, ng makalapit ako sa kanya, nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya, kinikilig siya ! Hahaha

Hindi ako magsasawang sabihan siya ng I love you araw araw.

Pagdating namin sa mall, hindi pa ganon kadami ang tao.

Naglalakad lakad muna kami ni Aliyah.

"Baby, Im really excited! Kasi soon tatlo na tayo ni baby na pupunta dito sa mall."
Diretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin, pero kita ko sa mukha niya ang saya, habang sinasabi niya yon.

"Ako din baby, excited na ako." Sabi ko, na lalo pa niyang ikina-ngiti

After that, we decided na pumunta na sa isang shop na mga gamit na pang baby

"I like this one, and this one, no! Maybe this would be better! Baby what do you think? Which is better for our baby?" tanong ni Aliyah sakin, habang abala sa pamimili ng damit na para sa baby namin, hindi siya makapili sa tatlong cute na damit na hawak niya

Hinawakan ko siya sa balikat, na siya namang ikinatingin niya sakin.

"Baby, lahat yan Im sure babagay sa baby natin. Bibilin ko na lahat yan para kay baby." Pagkasabi ko non, nakita ko ang pagsagad ng ngiti ni Aliyah

"Are you sure baby? Is it okay for you?" Tanong naman niya, na para bang naghihintay siya na umo-OO ako.

"Yes, baby" - pagkasabi ko non, kinuha ko na sa kanya yung mga damit, at yung iba pang napili niya kanina at binigay don sa saleslady na kanina pa nakasunod samin.

"Miss, bibilin namin lahat yan."

"Sige po sir, follow me na lang po, counter na lang po tayo." Nginitian pa ako, at tiningnan ng malagkit nung babaeng mukhang hipon na saleslady bago maglakad papunta sa counter,

Tsk! Flirt! Di ba niya nakikita?! May asawa na ako! At magkakaanak na kami!

Tsss. Iba talaga pag gwapo!

Joke lang! Kayo naman! Soon to be my wife pa lang! Hehe.

"Oh? Anong binubulong bulong mo jan?! Siguro type mo yung panget na saleslady na yon! Hano?!" pagtataray na sabi sakin ni Aliyah

Uyyy, nagseselos ang mahal ko haha

"Syempre naman baby, hindi ko type yon! Alam mo namang Ikaw lang ang nagiisa sa puso at isipan ko!" Habang sinasabi ko yon, umarte pa ako sa harap niya na para bang tumutula haha

"Corny!!" - sabi ni Aliyah at sabay hampas sa braso ko. Ang sakit !

"Aray ko naman! Mahal pa rin kita! Kahit ganyan ka! Kahit lagi mo na lang akong sinasaktan—" hindi ko na natapos yung pagdadrama ko dahil iniwan na ako! Kaloko! Nag dadrama pa ako ei!

Kahit ganyan yan! Mahal na mahal ko yan!

Habang tumatagal ang pagsasama namin ni Aliyah,

Madaming tao ang humuhusga samin, na hindi pa daw dapat kaming magsama! Na masyado pa daw kaming bata!, at kung ano ano pa!

Ang sa akin lang naman, maybe they right na Aliyah and I were to young for this kind of life, pero eto yung pinili namin eh! Eto yung binigay ni GOD para samin! Bakit ba?!

Gagawin ko ang lahat para mag work out ang relationship namin, para mas lalo pa kaming maging matatag ni Aliyah, at para maging mabuting tatay sa anak namin, alam kong mahirap pero kakayanin ko.

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon