Chapter 57

5.6K 96 9
                                    

Need to know

IVAN'S POV

"Tita Anne, hanggang kailan mo itatago ang lahat?"

"Lester hindi pa ngayon ang tamang oras, ang mahalaga muna ngayon ay ang kalagayan ni Aliyah."

"But kailangan din tita malaman ni Ivan ang katotohan—"

"Ano katotohanan Lester?" I asked at lumapit ako sa kanila. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin sakin ni Tita Anne, Aliyah's mom.

Lester looked at me nervously. Pakiramdam ko may kailangan nga akong malaman at kung ano man yon palagay ko matagal na nilang tinatago yon sakin. At hindi ako natutuwa na may itinatago pala sila sakin na dapat ko naman palang malaman. Ng wala akong makuhang kahit anong  sagot mula sa kanila, nagtungo ako kay Aliyah na hanggang ngayon hindi pa rin nagigising but doctor said she getting better and we are expected that she will wake up soon. I kissed her forehead at hinawakan ko ang kamay niya.

Aliyah I know you're still fighting for us. I love you.

"Ano po ba yon tita Anne?" Pagiiba ko ng tanong at tila ayaw talaga nilang magsalita ng kahit ano na para bang natatakot sila magkamali ng sasabihin.

Pansin ko ngang may itinatago sila sakin dahil kakaiba ang kilos nila simula pa nung isang araw na nagpunta na naman dito yung lalaking muntik ko na maaway non. At ang alam ko lang siya si Lance hindi ko pa rin alam kung sino ba talaga siya sa buhay namin, kay Aliyah na para bang kilalang-kilala niya. I hired a person na mag-baback ground check sa lalaking yon pero hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap yung tao ko. Maybe mamaya malalaman ko na kung sino ba talaga siya.

"Meron po ba akong dapat malaman?"

I waited, pero walang kahit sino sa kanila ang sumagot. Pinipigilan ko ang sarili kong makaramdam ng inis o galit.
Nag-ayos ako ng upo at nagpakawala ng malalim na hininga.

"Oo may kailangan kang malaman Ivan."

Nilingon ko agad ang nag-salita na yon, at nakita ko si Tito Alex, Aliyah's step dad na nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto. I saw tita Anne gasped. At mabilis na nag-iwas ng tingin si Lester sakin.

"Ano po yun?"

Bago sumagot tiningnan pa muna niya si Aliyah at humakbang papalapit samin. "Alam ko hindi ako ang dapat magsabi nito pero hindi naman yata tama Anne na hintayin pa natin magising si Aliyah para lang sabihin kay Ivan."

"Alex! I told you saka na lang natin sabihin dahi—"

"Para ano pa Anne? Para maging huli ang lahat? Ganon ba? Mas tama kung ngayon pa lang malaman na ni Ivan at kapag maayos na si Aliyah saka naman natin sabihin sa kanya."

Wala ng iba pang nasabi si Tita Anne at tumahimik na lamang siya sa isang tabi at tila ba parang ako na naghihintay na lang din siya sa sasabihin ni Tito Alex. Medyo nakaramdaman ako ng kaba pero pilit hindi ko ipinahalata.

"Ivan, a long time ago Aliyah had the same accident. Napakabata pa niya noon nung mangyari yon. Ang akala namin noon hindi niya kakayanin pang mabuhay dahil sa lala ng inabot niya dahil sa aksidente but she survived."

Wait, what?!

"Sobrang swerte nga daw ni Aliyah noon dahil hindi lahat ng nagdaan sa ganong pangyayari nabubuhay pa. Pero ng magising siya wala siyang kahit anong maalala. Kahit na sino at kahit anong mga bahagi ng nakaraan niya."

Parang ang hirap paniwalaan ng mga naririnig ko ngayon pero alam kong nagsasabi ng totoo si Tito Alex.

"Ano pong nangya—"

Aliyah (ang batang ina)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon