ALIYAH'S POINT OF VIEW
×××"Babe malayo pa ba? Kanina pa tayo nagbabyahe eh!" Naiinip na talaga ako! Mag- dadalawang oras na yata kaming nagbabyahe eh!
Yung sasakyan ni Tito Greg ang gamit namin ngayon, buti na lang pala pinahiram ni Tito yung sasakyan niya samin, kasi kung hindi eh di mamasahe lang kami, mas nakakainip! At mas mahirap!
"Babe, cool ka lang jan, malapit na tayo." I just rolled my eyes to him, eh kasi naman kanina pa niya sinasabi yan.
Ngayon kasi kami bibisita sa mommy ni Ivan at sa kapatid niyang si Seah. Si Baby Shacey, kakatulog lang, nainip na rin siguro sa tagal. Nilibang ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin sa paligid ng mga nadadaanan namin,
Ilang minuto pa ang lumipas ay narating namin ang lugar na mayroong napakaraming puno na matataas sa paligid. Wala kang ibang makikita kundi ang isang makitid, deretso na hinding sementong daan, na kung saan sa paligid nito ay may mga nakatanim na matataas na mga puno.
Nasaan na ba kami?
"Babe, anong lugar na ba to? Hindi ba tayo naliligaw?" Tanong ko kay Ivan
"Babe, nandito na tayo, konti na lang."
Ahh, salamat naman, nangangawit na kasi ako, kanina pa ako nakaupo!
"We're here." Matapos sabihin ni Ivan yon, ay hininto niya ang sasakyan sa harap ng isang mataas na kulay puting gate, at sa loob nito, makikita mo ang mga--
Libingan?
Lumabas na si Ivan sa sasakyan, na siyang pagbukas ng isang guard sa gate.
Matapos buksan ng guard ang gate ay, pinaandar na ulit ni Ivan ang sasakyan, para makapasok na kami sa loob.Bakit kami nandito?
Pagkaparada namin sa isang bakanteng lugar, ay bumaba na rin kami nila Ivan, kinuha ko si baby Shacey na nakalagay ngayon sa baby basket, kakagising lang.
Naglakad si Ivan, sinundan ko ito.Huminto ito, at hinawakan niya ang isa kong kamay, habang ang isa kong kamay, hawak hawak ang baby basket kung saan nandito si baby. Hindi ako nagsasalita, o nagtatanong man lang kung bakit kami nandito, kasi alam ko malalaman ko din ang dahilan mamaya.
Naglakad pa kami ng naglakad, hanggang sa marating namin ang lugar kung saan ang lupa ay puno ng madaming maliliit na damo, at sa bandang itaas nito may dalawang lapida.
Hindi kaya????
Tiningnan ko ang lapida, at —
Ang nakalagay sa mga lapida ay,
Hailee Ramirez
Born: July 15, 1978
Died: August 06, 2007
'In loving memory'Sino siya?
Tiningnan ko naman yung isa, at ang nakalagay doon ay—
Seah Chloe Ramirez
Born: May 02, 2002
Died: August 06, 2007What?! Siya yung kapatid ni Ivan,
So it means ba na yung isa, ay yung nanay ni Ivan? Kinuha ni Ivan si Baby Shacey, sa baby basket at kinarga niya ito. Ngumiti siya sakin, habang ako naguguluhan.
Hinawakan niya ang kamay ko, at nilapit sa mga lapida na nasa harapan namin ngayon. "Babe, She's my mom, and Seah is my sister." Patay na yung mommy ni Ivan, at yung kapatid niya?
Hindi ko akalain na—
"Mom, Seah, meet Aliyah my girlfriend, and this is my son Shacey." Nagbabadya na ang luha ko sa mga mata ko.
I never expected this.
From the start akala ko, masaya si Ivan dahil buo ang pamilya niya. Ang akala ko, ay nagkahiwalay lamang ang mga magulang niya, kaya hindi niya kasama ang mga ito, yun pala ay wala na sila.
"Babe, Im sorry for your lost." At tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.Nasasaktan ako para kay Ivan. Hindi ko alam na broken family pala siya.
"Its okay babe, masaya na ako ngayon, kasama kayo ni Baby Shacey.At alam kong masaya na rin sila para sakin." Niyakap ko si Ivan ng mahigpit matapos niyang sabihin yon. I can't imagine, kung gaano kasakit ang mawalan ng isang ina, at kapatid sa batang edad.
Maulila sa pagmamahal, at alaga ng tunay mong ina.
"Mom, as I promise, magiging mabuting ama ako sa anak ko, at magiging mabuting boyfriend sa girlfriend ko." Nakita kong umiiyak na rin si Ivan.
"Babe, masaya ako kasi dumating kayo ni Baby Shacey sa buhay ko, nalulungkot lamang ako kasi hindi nabigyan ng pagkakataon sila mommy at Seah na makilala man lang kayo, kahit sandali."
Hinalikan ko siya, at niyakap muli.
I'm so speechless.
I know GOD has a reason for this.
Huminga ako ng malalim at,
"Tita, Seah, nice to meet you, promise ko po sa inyo, hindi ko papabayaan itong si Ivan at ang baby namin na si Shacey."
I know somehow, they watching us above. And I know Ivan is right, they are happy too.
Umihip ng malakas ang hangin, at nagliparan ang ilang mga dahon papunta sa ibat ibang dako.
Nanatili kami magkayakap ni Ivan, kasama ang anak namin.Ilang sandali,
Napatingin ako sa isang dako, kung saan may nakita ako dalawang babae, na parehong kamukha ni Ivan,They are both smiling at me.
They both, look really happy.
And a few seconds later, the wind become calm, and at the same time,
they are faded.Probably Tita Hailee, and Seah ang nakita ko.
Hindi ako natakot, sa halip natuwa pa nga ako, kasi nagpakita sila.
Tiningnan ko si Ivan at tumingin rin ito sakin.
I smiled at him, and then he smiled at me too.
Mixed Emotions! Im happy yet sad.
I'm really lucky to have a boyfriend like Ivan, and to have a baby like Shacey.
I really should be happy!
Thank you GOD for everything!
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!