××××ALIYAH'S POINT OF VIEW
Dumaan muna kami sa Shey&Shacey's Cafe bago pumunta sa party ni Clifford.
Thirty minutes na ang nakakaraan simula ng maipit kami sa traffic. Tila hindi umuusad ang mga sasakyan sa sobrang traffic. May aksidenteng naganap kanina na siyang pinag-mulan ng traffic.Si Shacey na kanina lang sobrang excited na pumunta kami sa party ng tito Clifford niya, ngayon ay nakatulog na.
Nakahiga ang anak ko sa may passenger seat ng aming sasakyan, samantalang ako naman ay nakaupo sa harap kasama si Ivan na siyang driver namin. Pinatay ni Ivan ang makina ng sasakyan upang hindi daw maaksaya ang gasolina, hindi pa rin naman kasi umuusad ang mga sasakyan dahil sa traffic. Pinagmasdan ko ang palubog na araw sa may bintana aming sasakyan. May mga ilang tao na bumaba na sa sasakyan nila upang tingnan ang pinagmulan ng traffic. May mga ilang mapapansin mong inis at galit na dahil sa traffic. May isang lalaki pa na bumaba na rin sa sasakyan niya upang bumili muna ng makakain sa isang street food vendor sa gilid ng kalsada.Sinulyapan ko si Ivan, nakatingin lamang din siya sa bintana marahil pinagmamasdan niya rin ang mga nangyayari sa labas.
Nakikinig ako sa nagsasalitang babae na kung tawaging DJ Yam, sa isang kilalang radio station. Nakita kong pinihit ni Ivan ang volume ng radyo ng aming sasakyan, upang hinian ang volume nito ng kaonti, na tama lamang sa aming mga pandinig.
Nahikab ako ng bahagya, marahil sa konting antok na aking nararamdaman na, kasabay ng aking pag-hikab ang pagsasalita muli ni DJ Yam sa radyo,
" Bago ako tuluyang mag-paalam sa inyo, halina't sabay-sabay muna na nating pakinggan ang isang awitin.." Malambing na masigla ang boses ni DJ Yam na tilang nakakahalina nga naman sa kanyang mga makikinig.
Ilang segundo lamang ang lumipas ng matapos mag-salita si DJ Yam ay nag-play na ang isang kanta, na hindi ko alam at ngayon ko pa lang mapapa-kinggan, ngunit umpisa pa lamang ng kanta, nagustuhan ko na ito agad.
Breath deep, Breath clear
Know that Im here,
know that Im here, waiting.
Stay strong, stay gold...Bukod sa maganda ang boses ng lalaking kumakanta, maganda ang lyrics ng kanta niya kaya nagustuhan ko agad ito. Tiningnan ko si Ivan, at napansin kong sinasabayan niya ang kanta. Alam niya yung kanta?
You don't have to fear,
You don't have to fear, waiting.
And I'll see you soon,
I'll see you soon..Gusto ko sanang tanungin si Ivan, kung alam niya ba yung kanta ngunit hindi ko na tinuloy dahil habang tumatagal ang pag-play ng kanta, lalo niya itong sinasabayan na talagang masasabi kong alam niya nga ang kantang ito.
After so many years, ngayon ko lamang ulit siyang napapakinggan na kumakanta.
I looked at him,
Nakapikit pa siya habang kumakanta, na para bang dinarama niya ang bawat liriko na kanyang kinakanta. Mas gumanda ang boses niya ngayon, kaysa noon.
He changed a lot. Simula sa hitsura niya, mas lalo siyang gumwapo, mas lumaki ang pangangatawan niya. His voice, his appearance, he really changed. At dahil rin sa mga pagbabago niya na yon, sigurado akong hindi mag-aalangan ang ibang babae na magkagusto sa kanya. Ang dami niya na talagang pinagbago sa pag-lipas ng panahon, ibang-iba na siya sa dating Ivan na nakilala ko.
But Im really sure, that there's only one thing that will never change with him,
You know what?
His Love,
His love for me and for Shacey will not change. Im sure with that, Im really sure with that.
-
Kakauwi lang namin galing sa party ni Clifford ng biglaang dumating ang mga kapatid ko sa aming bahay, at kasunod nito ang pag-dating din ni Papa.
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!