Pagkatapos nung araw na napag isipan na namin ni Ivan ang ipapangalan namin kay baby eh, napagisipan naming dalawa na mag outing kami.
Damang dama ko ang malamig na hangin sa paligid, hindi alintana ang sikat ng araw. Dinig na dinig ko rin ang mga ibon, na mga nasa punong matataas.
Kumuha ako ng isang pirasong potato chips sa may isang plato na nakapatong sa may tabi kong lamesa na gawa sa kahoy.
Ang sarap sa pakiramdam ng klima ngayon! Napakaganda ng mga tanawin sa paligid, mga bundok, matataas na mga puno, mga bulaklak na ibat- iba ang mga kulay, may mga ibat-ibang klase na mga swimming pool at kulay asul na kalangitan.
Tumigin ako sa bandang kanan ko, at nakita ko ang mga batang abala sa pagliligo sa swimming pool, kung saan mababaw lamang ang tubig nito, na tamang tama lang sa mga bata.
Nakikita ko din ang mga ilang pamilya na masayang nagkakainan sa mga kubo nila.Amoy na amoy ko ang mga isdang iniihaw sa labas ng kubo kung na saan ako ngayon.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, at nakita kong mag aalas-dose na pala ng tanghali.Nandito kami ngayon sa isang kilalang resort dito sa may La Union. Napakaganda rito!
Lumabas ako ng kubo, at nakita ko si Ivan, na abalang naghahanda ng pagkain namin para sa tanghalian.
"Can I help you?" -tanong ko sa kanya na hindi niya naman pinansin, siguro dahil sa abalang abala siya sa ginagawa niya
Mabilis ding natapos si Ivan, sa paghahanda kaya nakakain din kami agad.
"Baby, Tara ligo na tayo sa pool!" Masiglang sabi sakin ni Ivan, pagkalapit niya sakin. Napansin kong nagpalit na siya ng damit na pangligo niya.
"Baby, ayoko pa. Iitim ako, ikaw na lang muna" Nakita ko namang nawala ang ngiti niya kanina.
"Eh... Ayoko! Baka mapano ka pa habang wala ako dito!"
Ngumiti ako sa kanya.
"No, baby okay lang. Susunod din naman ako don. Ayoko lang talagang umitim dahil sa init ng araw. Don't worry I can take care of myself, and ofcourse our baby." Pagkasabi ko non, napansin ko namang bumalik na rin ang ngiti niya
"Ok fine, If that's what you want. Kung may kailangan ka, puntahan mo lang ako sa pool, wag kang pupunta kung saan saan ng hindi ko alam." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo
"I love you."
" I love you too." Pagkasabi ko non, nagpaalam na siyang pupunta na siya sa pool
Kumakain lang ako ng manggang hilaw na sinasawsaw sa bagoong habang nagbabasa ng isang article about sa pregnancy. Habang abala si Ivan sa pagliligo sa swimming pool, ako naman abala sa pagkain at pagbabasa.
Ng matapos kong basahin yung article, siya rin namang pagkaubos ng kinakain ko. May nakita akong mga bata na naglalakad habang kumakain ng sweet corn, na may nakalagay dito na butter at salt.
Bigla naman akong natakam kaya, tinawag ko yung mga bata at tinanong kung saan nila binili yon. Sinabi nila don daw sa may tindahan sa labas, na hindi naman ganon kalayo.
Tatawagin ko sana si Ivan para bilan ako, nakita ko namang enjoy na enjoy siya don, at nakita kong may mga kausap siyang kapwa lalaki niya na mukhang kakakilala pa lang niya. Kaya kumuha muna ako ng pera at naglakad na papunta sa may tindahan.Kailangan mo munang dumaan sa isang hanging bridge bago marating ang tindahan. Naglalakad na ako sa may tulay ng may matandang babae akong nakasalubong at hinawakan ako sa kamay ko.
Sa gulat ko, bahagya pa akong napasigaw. "Bakit po?" Tanong ko don sa matanda
Tiningnan niya muna ako sa mga mata ko, ewan ko ba, pero bigla akong nakaramdam ng takot. "Iha, bata ka pa madami pang dadating na pagsubok sayo, sa inyo. Maging matatag ka. Lalo na kapag dumating ang problemang babago sa kanya." Sabi ng matandang babae, matanda na talaga siya, puti na ang kanyang buhok, at hirap na rin siya magsalita.
"Po? Ano pong ibig sabihin niyo?" Ano ba yung mga sinasabi niya? Eh hindi naman kami magkakakilala.
Binitawan niya ang kamay ko at "Pitong taon, pitong taon kang magpapakaisa dahil sa isang malaking desisyon na iyong gagawin, pero wag kang magalala may aalis man, pero may dadating na isang napakagandang regalo mula sa diyos, maraming magbabago."
Tumataas na ang balahibo ko sa mga naririnig ko! Kinakausap niya ako na para bang kabisadong kabisado niya ang buhay ko! Hindi ko siya maintindihan!
"Ano po bang ibig sabihin niyo? Hindi ko po kayo maintindihan? Tsaka hindi ko po kayo kilala!"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakita kong ngumiti pa ang matandang babae sakin, na lalo ko pang ikinakaba.
"Maraming pagbabago ang mangyayari, sa oras na akala mong maayos na ang lahat, babalik ang hindi mo na nais pa na bumalik pa. Tuluyan mo na itong kakalimutan at tatanggalin sa buhay mo, kaya naman sasama ka sa akala mong mas makakabuti sa iyo, sa inyo.
Kapag nangyari na iyon iha, may dadating na huling pagkakataon, piliin mo yung ..."Tapos tinuro ng matandang babae, yung bandang dibdib ko.
"Piliin mo yung sinasabi ng puso mo, hindi yung sinasabi ng isip mo. Magkikita tayong muli dito mismo, sa ganitong oras, sa tamang araw, at sa tamang pagkakataon." Ngumiti ulit sakin yung matandang babae,
"Aliyah!" May tumawag sakin, kaya nilingon ko, at nakita ko si Ivan na mukhang alalang alaala sakin tumatakbo pa ito palapit sakin.
Ng makalapit siya sakin, niyakap niya akong bigla,"Pinag-alala mo ako baby, ano ba ginagawa mo rito?" Tanong niya sakin
" Kinakausap siya-"
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko, dahil pag tingin ko don sa pwesto ng matandang babae kanina, ay wala na yung matandang babae.
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!