Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, mas gusto ko na lang yatang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon."Ivan, I'm pregnant." Halos gumuho ang mundo ko, ng marinig yon mula kay Rissey, may tiwala ako kay Ivan pero bigla akong nanghina ng marinig yon.
"Rissey, tigilan mo na to!" Kahit isang tingin lang kay Ivan, hindi ko na magawa tila nanghihina na ang mga tuhod ko, pakiramdam ko kahit anong oras babagsak na ako sa sahig. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Rissey, pero natatakot akong malaman kung totoo man o hindi.
Nag-iinit na ang mga mata ko, nagbabadya na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan na mahulog. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa puso ko, sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Kailan ba matatapos ang lahat ng pasakit sa buhay ko?
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Ivan sa kamay ko, at sa huli nagkaroon ako ng lakas ng loob para tingnan siya.
Tumingin lang siya sakin sandali at binaling na niya ang atensyon niya muli kay Rissey.
Nakita ko ang galit at sakit na gumuhit sa mga mata ni Rissey ng makita niyang hinawakan ni Ivan ang kamay ko, sa kabila ng nangyayari na dulot niya.
"So, mas pipiliin mo pa siya Ivan kaysa sakin, sa anak natin?"
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay ni Ivan, ng sabihin yon ni Rissey. Hindi ako tanga para pakawalan muli si Ivan ng dahil lang kay Rissey na sumira na samin noon.
"Rissey alam ko na hindi ako ang ama ng dinadala mo, kaya please tigilan mo na ang pina-plano mong paninira ulit samin." Ivan said, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng marinig yon mula kay Ivan.
Pero tila isang apoy na hindi mamatay-matay si Rissey, lalo lang siyang nagpumilit kay Ivan.
"NO!!!" Rissey yelled.
Kahit gusto kong magsalita hindi ko na magawa, wala na akong lakas.
Alam kong kung may iba pang nahihirapan ngayon, si Ivan yon.
Akala ko, makakapagsimula na talaga ulit kami pero biglang ganito ang nangyayari!Tinitigan ako ng masama ni Rissey, na para bang ako ang pinaka-masakit na nakikita niya ngayon.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, Oo galit ako kay Rissey pero mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng nagawa niyang hindi maganda.
I still love her. Para na kaming magkapatid noon, hindi ko na talaga alam kung bakit kami nagkakaganito ngayon!
Binalot ang paligid ng katahimikan, ng magsalita muli si Ivan. "Fine! Bukas na bukas pupunta tayo sa hospital, para magpa-DNA test. Rissey alam mong kahit minsan walang nangyari satin, kaya hindi ako ang tatay niyan."
Ramdam ko ang pagkawala ng mga mabibigat na hininga ni Ivan. Kinabahan ako bigla ng marinig yon mula kay Ivan, at tila awtomatikong nag-isip ng kung ano-ano ang isip ko.
Paano kung si Ivan nga ang tatay ng dinadalang bata ni Rissey? tila wika ng isang bahagi ng isip ko, pero mabilis ko rin yon binura.
May tiwala ako kay Ivan!
Ngunit kahit yata sabihin ni Ivan na hindi talaga siya ang ama ng dinadalang bata ni Rissey, hindi mawawala ang pangamba sa puso ko. Natatakot na ako sa kung anong pwedeng mangyari.
Matapos sabihin yon ni Ivan, tila natuwa pa si Rissey at ngumiti pa siya ng ubod tamis samin at sinabing "Okay if that's what you want, sigurado naman akong ikaw ang ama ng batang dinadala ko Ivan."
-Gusto ni Ivan na mapabilis ang proseso ng gagawing DNA test kaya naman kahit delikado ang prenatal paternity test ayos lang sa kanya. A prenatal paternity test can identify whether a man is a baby's father before the baby is born (during pregnancy).
"Ivan, pwede namang hintayin na lang natin manganak si Rissey saka na lang magpa-DNA test." Pero hindi niya ako pinakinggan,
"No, kailangang matapos na ang lahat ng kahibangan ni Rissey." He said. Hindi ko siya mapigilan sa gusto niyang mangyari. Ayoko rin naman kasing mapahamak ang baby, kahit na galit ako kay Rissey.
Kakauwi lang namin galing hospital, at binigyan kami ng doctor ng time para pag-isipan muna ng mabuti kung itutuloy ba namin ang DNA test. Kung maari ayaw ng doctor na gawin ang test dahil delikado daw ito, actually many doctors are unwilling to carry out a prenatal paternity test, especially if confirming the baby's father's identity is the only reason for the test.
Pero hindi ko rin naman masisisi si Ivan, kung gusto na talaga niyang isagawa na ang test, para matapos na ang lahat ng ito.
Simula din kasi kahapon hindi na ako mapalagay, dahil sa problema na naman na dulot ng pinsan kong si Rissey!
"Mommy! Mommy!" Hihingal-hingal pa si Shacey na lumapit sakin at may kung ano siyang dala.
"Bakit baby?" He half-smiled at me, at bahagya niyang ipinakita ang dala- dala niyang papel.
"Look mommy! I got the perfect score!" He proudly said to me, habang patalon-talon pa ito sa harap ko.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti, pagkatapos ay yumuko ako para mapantayan ang anak kong tuwang-tuwa.
"Ang galing naman ng baby ko! Halika nga dito," Ng lumapit sakin si Shacey, wala na akong pinalagpas na oras, at niyakap ko na siya kaagad.
Kung mayroon man akong pinaka-magandang regalo na natanggap mula sa Diyos, si Shacey yon. Siya ang dahilan kung bakit, hanggang ngayon patuloy pa rin akong lumalaban.
"Mommy, I want Ice cream!" Natawa na lamang ako ng biglang kumalas sa yakap ko ang anak ko, at mabilis siyang tumakbo papunta sa refrigerator namin para kumuha ng favorite niyang ice cream!
Sa kabila ng lahat ng nangyayari, may dahilan pa rin naman para patuloy kaming maging masaya.
Alam kong may dahilan din, kung bakit nangyayari ang mga ito samin.
At sisiguraduhin kong wala ng kahit sino ang makakasira pa sa pamilya ko.
-
BINABASA MO ANG
Aliyah (ang batang ina)
RomanceNagbago ang lahat sa buhay ni Aliyah, ng siya ay maging isang ganap na batang ina. Kayanin niya kaya ang lahat ng pagsubok na dadating sa buhay niya? AN: The photo that I used for my cover is not mine. Credits to the owner!