Chapter 9

118 7 0
                                    

At dahil dyan, may bago akong story (huhuhu last month pa kasi nasa utak ko yung plot kaya di ko na kineri. Sinimulan ko na.)

Pabasa po ng story ko na Full Moon. It's all about immortals. Choss. Thank youu

Sabaw at sabog ang utak ko ngayon. Pagpasensyahan na.
----

[CASS]

Ilang araw na ang lumipas simula nung mangyari yung dinner na yun.

Hanggang ngayon wala pa rin akong kibo kapag nandyan si mom at syempre hanggang ngayon gulat pa rin ako. Ganun din naman ramdam ko dun sa abnormal na.. fiance ko-Yuck.

Pero ang nakakainis lang, pagkatapos ng gabing yun parang mas lalo lang siya naging bully sakin. Mas lagi na niya kong pinagtritripan sa classroom.

Masyadong pasikat at papansin.

Kahit klase ata nagpaparinig pa rin, di ko lang mapatulan kasi baka mamaya madiretso nanaman sa guidance office at baka this time malaman pa ni mom ang tungkol dun.

"Honey?"

Napasulyap ako sa pinto ng kwarto kong nakasarado. Hindi ko naiwasan mapairap kahit hindi ko naman mismo nasa harap yung tumawag sakin. Kinuha ko agad yung unan ko at gumulong pakabilang side ng kama para magtago rito.

Kumatok pa siya eh alam ko namang may isa pa siyang susi ng kwarto ko.

"Honey... I know you're mad"

Nanatili pa rin akong nakatago sa ilalim ng unan at nakatalikod sa side niya para di ko sya makita at matignan.

Yes, i admit na I miss her but the fact na pinagkasundo niya ko sa isang kasal na ayaw ko naman ay isa talaga sa pinaka rason kung bakit ako nagagalit at talagang nakakapagtaas ng pride ko.

Hindi niya pinaalam sakin ang tungkol dun. Ano surprise? Para namang magugustuhan ko.

"Talk to me Cassi.."

I still did not respond to her.

Three minutes na ata pero wala paring nagsasalita samin at lalong di pa rin ako humaharap sakanya dahil ayoko. Alam ko lang na nandito pa sya sa kwarto dahil wala akong naririnig na footsteps palabas.

"Cassi... Im sorry"

"Ginawa ko lang naman yun to help you."

...

"Gusto lang kitang tulungan na makalimot kay Darwin kasi-"

Di ko na nakayanan kaya hinarap ko siya at hinagis yung unan na kani-kanina lang ay nakatakip pa sa mukha ko.

"So sa tingin mo makakalimot ako kapag napasok ako sa sapilitang kasal na yan?! Mom. Its not about Darwin!"

"Sorry honey.. I thoug-"

"Mom, alam kong ayaw mong nakikita akong nasasaktan lalo na ngayon pero hindi naman yun ang solusyon para sumaya ulit ako eh!"

Kung kanina ako ang di makasagot, siya naman ngayon ang natahimik lang.

Lahat ng galit na naipon ko this week ngayon ko lang nalabas. Lahat ng sama ng loob ko ngayon ko lang nasabi.

"Mom, kahit naman di na ko makasal sa ganun masaya na ko eh. Kahit ikaw lang okay na ko. Akala ko kapag sayo at ikaw ang gumawa ng desisyon para sakin okay na ako... Akala ko lang pala."

Nakita kong gusto nang tumulo ng mga luha galing sa mata ni mom kaya nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko.

Pero nandito si pride. Yung pride kong mad mataas pa sakin, bumubulong sa isip ko na umalis nalang muna sa kwartong to at magsorry nalang kung kailan ready na.

At ayun, nakita ko nalang yung sarili kong palabas ng kwarto at nilagpasan sya. sinunod ko ang bulong ng katigasan ng ulo ko.

"Sorry cassi. Wala na rin akong magawa dahil nagkapirmahan na ng kontrata. Kakasuhan nila ko pag inurong ko pa..." sabi ni mom. Kahit nakatalikod ako at malapit na sa pinto. Rinig ko ang pagkabasag sa boses nya. Nagpipigil umiyak. "Im sorry."

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya at pagiging guilty kaya nilisan ko na muna yung kwarto.

At sa mga oras na to, hindi utak ko o sarili ko ang kumukontrol kung san ako pumupunta. Kundi paa ko.

Ewan. Sa sobrang gulo ng sitwasyon, nagulo na rin ang utak ko at basta nalang umalis kung san man ako dalhin ng paa ko.

Namalayan ko nalang ang sarili kong papunta sa park dito sa subdivision namin. Masyado pang tirik ang araw kaya siguro konti palang o baka wala pang mga bata dun.

At tama nga ako. Wala akong nadatnan sa park dahil sa sobrang init pero para sakin ngayon, balewala lang to dahil sa sakit at inis na nararamdaman ko.

Napagdesisyunan kong sa ilalim ako ng puno umupo at magnilay-nilay.

Kailangan kong pahingahin utak ko.

Bigla nalang sumulpot sa utak ko na mamayang gabi na pala ako lilipat dun sa bahay kung san makakasama ko yung gunggong na halimaw na yun.

What....

Bakit..

No.

"ANO BA TOOOO" napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil sa inis.

Bakit ba ganito? May ginawa ba kong masama? Bakit ang sama ng kapalaran ko?

Maglayas nalang kaya ako.

Hays.

beep beep

Nagulat ako dahil sa biglaang pag vibrate ng phone sa bulsa ko. Buti nalang pala nadala ko to.

From: 09*********

Hi Cassy :) How are you?

Okay. Mas lalong panira ng mode. Sino to?

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon