Chapter 53

89 2 3
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

Tahimik akong kumuha ng paella sa plato ko at nagkunwaring walang nangyari.

Sino ba naman di mababanas at mahihiya diba? Sila-sila magkababata dito tapos isasama nila ako dito sa table. Pakana to ng Devilianni na yan. Asar!

"Grabe Jace. Namiss talaga kita" sabi ni Anjelica.

Edi shing!

"Naalala niyo ba yung times na nagpunta tayo noon sa isang subdivision tapos hinabol tayo ng aso? Nakakamiss mga bonding natin"

Daldal mo. Isaksak ko sayo tong tinidor sa paella ko eh.

Kanina pa siya daldal ng daldal pero yung dalawa na childhood barkada nya kuno tahimik lang. Mukha tuloy siyang ewan.

"Uy Devianni, may ketchup ka sa gilid ng labi mo" sabi niya. Di na niya pinakilos si Devianni dahil siya na bigla ang tumayo ng bahagya para abutin ang gilid ng labi ni Devianni at punasan ito.

"Ahh salamat" ngiti ka pang bakla ka.
"Gusto mo ng spaghetti?" dagdag niya.

"Talaga? Sure?" sagot nito.

Nakaramdam naman ako ng inis dahil binigyan nga siya ng kumag kong katabi. Mas ikinainis ko pa yung kakaibang ngiti n Anjelica after siyang bigyan nito. Take note, sakin siya ngumiti! SA AKIN!

So anong pinahihiwatig niya?!

Nakakaasar.

Pero kahit na asar na asar na ko. Pinili ko nalang ngumiti sakanya dahil mas maganda kung di ko siya patulan. Mas maaasar siya dun.

"Sakto naman akong napatingin kay Jace na sa tapat ko na katabi ni Anjelica.

"Cass, you want to try this? Bago nilang tinda. Ang sarap pala" singit ni Jace. Sumandok siya nung pagkain nya gamit ang tinidor. Nagulat naman ako dahil susubuan niya pala ako.

"Jace?" tanong ko.

"Try" ngiti niya.

Wala na kong gumawa kundi tikman. And yes masarap nga siya. Matanong nga mamaya sa staff ng canteen kung ano yun.

Bumalik na ko sa pagkain nung may bumunggo sa paa ko sa ilalim ng table. Sinilip ko yun at nakita kong kay Devianni na paa pala yung bumunggo sakin.

"Sorry" sabi niya pero hindi tumitingin sakin. Napairap nalang ako sa kawalan.

Paepal much.

"Try mo rin to Anjelica" si Devianni nanaman sumingit. Binigay niya yung brownies kay Anjelica kaya nagpasalamat naman si babae tapos nagtawanan sila. So anong nakakatawa dun? Duh.

"Cass" si Jace nanaman nagsalita.

"Bakit?"

"May aircon naman dito sa canteen bakit pinagpapawisan ka?"

"Hah?"

Di na siya sumagot at tumayo nalang. may hawak siyang panyo at pinunasan niya ko sa noo ko.

"Sweet naman pala this guy" singit ni Anjelica. "Anong meron sainyo? Kayo ah"

Ngumiti lang si Jace bilang sagot pero nakita ko yung tensyon nung tumingin siya kay Devianni.

"Ngiti pa sya. Ano nga?" pangugulit ni girl. di ko na sila pinansin. Bahala sila basta ako kakain nalang.

"Nililigawan palang"

Muntik na ko mabilaukan dahil sa narinig ko. SINABI NIYA?

Napatingala agad ako para tignan yung mga reaksyon nila. Si Jace nakangiti. Si Anjelica nakangiti din at inaasar pa kami ni Jace. Si Devianni, as usual nakasimangot.

"5 minutes bago matapos break time. Una na kami"

Akala ko si Anjelica yung binabanggit ni Devianni sa kami pero di pa ko ready nung hinawakan niya yung braso ko nang sobrang higpit kaya di ko naiwasan mapaaray kaya winaklis ko agad yung kamay niya sa braso ko.

NANDUN KAYA YUNG MGA KALMOT NI ANNABELLE.

Di sa O.A pero masakit din sya noh.

"Tss. Magpapaiwan ka dito?" ayan. Galit nanaman siya. Hinawakan ko lang yung braso ko at tinarayan siya.

Dali-dali akong tumalikod palabas ng canteen. Narinig ko pang tinawag ako ni Jace pero di na ko nagtangkang bumalik pa ulit doon.

Sino ba naman hindi mababanas diba? Kagagaling ko nga lang ng hospital kanina tapos ganyan niya ko tratuhin simula nung nakita niya ko.

Di ko tuloy alam kung bumabalik lang siya sa dati niyang ugali o sinapian lang siya ni Annabelle.

"Aray ko!" nasa hallway nanaman ako nung hinawakan ako ulit ni Devianni sa braso ko.

Nananadya ba sya?

Tinanggal ko ulit yung kamay niya sa braso ko. Mabuti nalang kami lang dito sa hallway.

"Ano?"

He looked stern.

"Bakit ganyan kinikilos mo?"

"Wow! Ako pa ah?"

"Di ka na nga umuwi kagabi ganyan pa kinikilos mo. Di pa tayo kasal pero ganyan ka na. Kanino ka natulog? sa Bahay ni Jace?"

Natigilan naman ako.

Bakit ganun sinasabi niya?

That means...

All this time wala syang kaalam-alam na nasa hospital ako?

Ako ba niloloko niya?!

Sinuntok ko siya sa braso niya na siyang ikinagulat niya. Magsasalita sana siya kaso inunahan ko na sya.

"Lintik kang bakla ka! Nasugod na ko sa hospital lahat-lahat wala ka pang alam! Ano? Di pa tayo kasal pero ganyan ka na? Paano kasi busy ka doon sa Anjelica mo!"

Takang-taka yung mukha niya nung tinalikuran ko siya pero may naalala pa ako kaya pinuntahan ko siya ulit.

Tinitigan ko muna siya bago ko gawin yung plano ko.

"OUCH!"

"Panget mo!" sigaw ko sakanya pagkatapos kong tapakan yung sapatos niya. Madiin na madiin lang naman.

Di pa sapat yan.

"Cass!" Tawag pa niya.

Bahala sya.

Naglakad na ko paalis at di na sya nilingon.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon