Chapter 24

95 3 2
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"He's a gay"

Tila tahimik na simoy na hangin ang sumunod na namayagpag sa pagitan namin ni Jace dahil sa salitang binitawan niya. pagkatapos ng ilang minuto ay di ko napagilan tumawa.

"Seriously Jace? Alam kong di matino yung Devianni na yun pero imposible siya maging bakla!" natatawa ko pang sabi sakanya.

Halos di na ata ako makahinga sa joke niya. Naisip ko pa nga na baka totoo yung conclusion ko na magkaribal talaga si Jace at Devianni Jake na yun sa isang babae tapos this time sinisiraan siya ni Jace sa akin. Para namang may pake ako dun. Pero seriously! Mabenta joke niya!

"Cass. I'm serious" aniya.

Tila natigilan naman ako sa maluha luha kong pagtawa nang mapansin kong seryoso at walang kaemo-emosyon ang mukha niya. Nung nakita niyang napatahimik ako ay nagsimula ulit siyang magsalita.

"Hindi kapani-paniwala pero yun ang totoo"

Medyo nalilito at naguguluhan man, natagpuan ko nalang ang sarili kong nakukumbinsi niya at nagtatanong sa sinabi niya.

"How did you know or paano mo nasabi?"

"Devianni is my bestfrie- I mean ex bestfriend. Friends kami since 5 years old palang kami hanggang sa nagbinata kami sa Australia"

"Ex bestfriend?" tanong ko. Kasabay nun ay ang paglakad ko patungo sa bench malapit sa amin kaya sumunod sya sakin at tumabi.

"Nasira ang friendship namin simula ng malaman kong may gusto siya sa akin"

Tulala lang ako na nakikinig sakanya at parang sinusuri lahat ng sasabihin pa niya. Napansin naman niyang nanahimik ako kaya napagdesisyunan niyang ituloy pa ang pagkwekwento niya.

"Naging kaklase ko siya nung pre school pa kami. Habulin pa sya ng pangungutya noon hanggang elementary kami dahil ang lamya niya kumilos at para daw bakla. Nalaman yun ng dad niya kaya akala ko papatalsikin niya sa school yung nambubully sa anak niya"

Parang di pa rin nagsisink-in sa utak ko lahat ng sinasabi niya pero bawat salita naman naabsorb ko. Bakit ang hirap paniwalaan?

"Pero tulad ng kanina. Nagkamali ako ng expectation nun kasi imbis na ikick out yung mga bully. Nahuli ko pang si Devianni mismo ang sinisigawan at minura ng daddy niya noon. Hindi naman daw sana mabubully si Jake kung maayos yung kinikilos niya"

Naisip ko tuloy si tito Jacob. Kaya ba ganun nalang inis at takot ni Jake sa papa niya?

"Dahil dun, naawa ako at naisip kong ako nalang ang maging kaibigan ni Jake. At ayun nga, nakipagkilala ako sakanya hanggang sa ituring ko siyang kaibigan hanggang sa pagpunta namin sa Junior High. Naging magbestfriends kami. Nawala na rin yung pagiging malamya niya kaya ang dami ding nagkakagusto sakanya"

Okay. Speechless ako.

"Until one day, nahuli ko siyang puro ako o kami yung laman ng camera roll niya. Syempre inisip ko tropa lang kami kaya ganun kaso may mga nabasa pa kong quotes sa phone niya about falling in love with your guy bestfriend. And then I asked him. Umamin siya na ganun siya"

Tuluyan na nga atang nalaglag ang panga ko sa lahat ng nalaman ko pero bakit ganun? Hindi naman halata kay Devianni? Pero naalala ko nun, ang ringtone niya palagi yung This Guy's inlove with you pare tsaka nung first time na tumawag sakin si Jace nun. Uminit bigla ang ulo niya sakin.

"Tara, may papakita ako sayo"

Bago pa ko makaangal, nakita ko nalang ang sarili kong hila niya habang hawak ang kamay ko patungo sa kotse niya.

---
A/N:
Yown. Ang lame :( Huhuhu.
Good day!~

Team Devianni? or
Team Jace? :D

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon