Chapter 48

90 1 2
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"Sure ka ba talagang makikipag date ka dun?"

Di ko siya nilingon habang sunod sya ng sunod. Hula ko next na sasabihin nyan 'Takasan mo nalang'.

"Takasan mo nalang"

O diba. Pang ilang beses na ba niyang nabanggit yan simula kaninang umaga paggising ko? Ayy actually simula kagabi pa. Through text nga lang kahit magkatapat kami ng room.

"Cass lumingon ka naman" Bulong niya sakin.

Diretso lang ang tingin ko at di siya nilingon. Paliko na kami sa hagdan nang bigla syang humarang sa harapan ko.

At sht. Nagkadikit pa yung ilong namin sa sobrang lapit nya kaya natulak ko siya.

"The fudge?!"

Namumula siyang umiwas ng tingin at napahawak sa batok niya. Cute niya sana tignan kaso mas gulat ang nararamdaman ko dun sa pagharang niya sakin.

"Ayaw mo kasi akong lingunin. Edi ako na pumunta sa harap mo" namumula pa rin siya.

"Devianni, tumutupad ako sa usapan kaya ayoko siya takasan kahit hindi ko talaga feel makipagdate ngayon. Di tulad ng iba na nangangako na uuwi sa tamang oras tapos late palang dadating" sabi ko with matching tapik sa braso niya. Naglakad na ulit ako paakyat kaya sumunod na rin siya.

"Di mo pala feel makipag date sakanya. Bakit ka pumayag"

Di ako nakasagot sa tanong niya dahil di ko alam kung paano ko sasabihin sakanya kung paano ako nakapag Okay kay Jace.

Kasi nataranta ako nung nakita ko yung message niya habang katawag ko si Jace that time?

"Cass?" kinilabit niya ko pero diretso pa rin ako sa paglakad papuntang room.

Nung nakarating na kami sa floor namin naabutan ko si Trubby na nakapamulsa at nakatambay sa labas ng room namin.

Nakakainis. Naalala ko nanaman yung post niya sa Instagram.

"Hoy ano yan Clinton? Kagabi si Anjelica tapos ngayon si Cass. Matindi ka"

Pasimple kong sinulyapan si Devianni sa tabi ko at ayun, kitang kita ko ang mukha niyang gulat. Sinulyapan niya rin ako kaya tinarayan ko siya at inis na pumasok sa room. Nabangga ko pa sa balikat si Trubby.

"May regla ka ngayon Cass?"

Inirapan ko nalang si Trubby na siyang nagpatawa sakanya. Wala namang nakakatawa. Tss

"Cass" Isa pa tong baklang to. Kanina pa nangungulit.

"Cass" ulit niya.

Kinuha ko yung headset sa bag ko at yung cellphone ko. Sinaksak ko yun sa tenga ko para magpatugtog nalang at makaiwas sa kadaldalan nitong isa kaso di pa ko nakakapagplay ng music ng may binulong si Devianni na rinig ko naman.

Tinanggal ko yung headset at hinampas siya sa braso na ikinagulat niya. "Ano sabi mo?!"

"Hala? Wala ah?"

"Narinig ko yun! Sabi mo.." di ko matuloy yung sasabihin ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Umirap nalang ako at ibinalik yung earphone sa tenga ko.

"Sabi ko may regla ka siguro talaga ngayon?"

Nanlalaki yung mata kong nilingon siya at hinubad ulit yung earphone ko. "Sira!"

Ngumisi siya sakin at pinindot pa yung pisngi ko. "Nahihiya ka noh?"

"Shut up"

Tumawa naman siya. "Nahihiya pa siya. Ako nga di ako nahiya nung binilhan kita ng napkin eh at di ako mahihiya kung sakali mang bibili ulit ako basta para sayo"

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon