Chapter 25

95 3 1
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

Sakay sa mala pang-rich kid na kotse ni Jace ay eto naman akong dada ng dada kung saan kami pupunta.

"Basta." yan lang puro sagot nya kada tatanungin ko sya kaya pinili ko nalang na tumahimik pa dahil wala talaga siguro siyang balak sagutin ang tanong ko.

Naisip ko tuloy na di kaya rapist talaga tong kasama ko? JUICE COLORED. Napasinghap naman ako dun sa thought na pumasok sa isip ko kaya napasulyap sakin si Jace at nag aalalang nagtanong kung anong nangyari sakin. Umiling iling nalang ako sabay sagot ng "Wala"

Utak mo talaga Cass noh?

Pagkatapos ng ilang minutong pag-liko dito sa subdivision, huminto kami sa isang american style na bahay na color white and matte black. At isa lang ang masasabi ko,

Ang ganda sa mata ng bahay!

Naagaw naman ang atensyon ko mula sa pagkamangha nung lumabas si Jace sa kotse nya. Dumaan sya sa labas at pinagbuksan na din ako. Okay, gentleman sya. Unlike Devianni.

Inalalayan nya kong lumabas at pumasok dun sa gate. Sinalubong kami ng babaeng I think ay nasa 40's at bumati kay Jace. Nginitian lang to ni Jace tapos hinila na nya ko papasok sa bahay. So siguro bahay nga niya to.

Hala teka! San kami! Hindi naman siguro sa kwarto diba? Shocks!

"Okay ka lang ba talaga Cass? Namumutla ka?"

At sa pangalawang pagkakataon napansin nanaman ni Jace yung reaksyon ko. Ano ba naman tong isip ko. Masyadong malawak!

"Ano papakita mo?" pagche change topic ko.

Mas lalo naman akong namangha nung makapasok kami sa loob. Ang simple tignan sa labas pero napaka elegante sa loob. Lumiko kami sa isang pasilyo at dun ko nakita ang living room para sa mga guest. May nilapitan na cabinet si Jace at may hinalungkat.

Dahil ayoko naman mabored habang naghihintay, pinili ko nalang pasadahan ng tingin ang lahat ng gamit na naririto sa bahay. Naiisip ko tuloy kung ano ang company at business ng pamilya nila Jace dahil mukhang mas mamahalin at world class pa ang furnitures nila kaysa sa amin.

"Cass" nilingon ko naman si Jace na papalapit sa akin at mukhang tapos na ata mahanap ang hinahalungkat nya. Nang makita ko ito, alam ko nang photo album yun dahil sa kapal at mala eleganteng itsura. Kinuha ko ito mula sakanya at binuksan agad-agad. Tumambad sa akin ang picture ng dalawang batang magkaakbay at may mga hawak na controller ng play station.

Teka! Ang cute ng mga bata!

"Ako yan" turo ni Jace dun sa batang mas maliit at mukhang gulat na gulat sa picture. "Si Jake" at tinuro nya iyong batang katabi nung tinuro nya kanina na mas matangkad ng kaunti at mukhang galit sa camera.

Kumunot naman ang noo ko at sinulyapan si Jace ulit tapos balik ulit ng tingin dun sa picture. Mas lalo ko pang inilapit yung mata ko sa dalawang bata at tsaka ko napagtantong sila Jace at Jake nga to.

"Mas matangkad pala sayo si Devianni Jake noon? Anong nangyari ngayon?" natatawa kong opinyon. Nagkibit balikat naman si Jace at ngumiti nalang tsaka hinawakan ang album at inilipat ito sa pangalawang pahina. Doon ko pa nakita ang iba nilang pictures sa bawat event ata ng school nila noong bata pa sila. Sa bawat pahina ay siya ring pagbabago ng height nila at ng edad sa larawan.

"Hindi ko talaga alam kung bakit ganun. I trusted Devianni like my brother tapos.. tapos.." tulalang sabi ni Jace.

Kwinentuhan nya pa ko ng ilang pangyayari na makakapag confirm na nagkakilala nga sina Devianni noon at totoo ngang bakla to. At eto ako, mixed emotions ang nararamdaman. I mean di ko alam kung maeewan ba ko or pagtritripan siya or iblablack mail-

Blockmail?

Napangisi naman ako sa naisip ko. Dahil dun unti-unting nagbalik sakin yung mga panahong sinira nya ang phone ko o ang pagiging badtrip nya sakin.

So eto na ba ang karma niya? This is great! Mukhang nakikiayon sakin si Tadhana ah.

"Is there something wrong?" bumalik naman ang diwa ko sa katawang lupa ng marinig si Jace na nagsalita. Nginitian ko lang sya at agad na nagpaalam. Di pa man sya nakakasagot ay tumakbo na ko palabas ng bahay.

Hahanap ako ng ebidensya habang wala pa si Devianni kung totoo man yun.

At oras na makahanap ako ng panakot sakanya, wala na syang laban dahil tali ko ang leeg nya.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon