Chapter 15

135 7 0
                                    

[CASS]

"Goodbye Class. Don't forget your assignments" pagkatapos nun umalis na si Ma'am sa harap namin at nagsimula na ring magtayuan yung mga kaklase ko. Yung iba naglabas ng polbo, may nagsuklay at ayos ng buhok at yung iba tuluyan ng lumayas sa kwartong ito.

Tatlong oras na nakakalipas mula nung nagbreak time at nameet ko si Jace pati na yung pag amin ni Smritti pero hanggang ngayon lutang pa rin ako sa lahat ng paliwanag at pasabog ng magaling kong bestfriend.

Sa sobrang lalim pa nga ng iniisip ko napagalitan ako at muntikan pa kong mapalabas ng teacher namin Music Class kaya yung impaktong katabi ko nagdidiwang na malamang sa kaloob looban nya.

"Mauna ka na. Pakisabi kay Kuya Ronald sunduin nalang ako mga 5 pm kasi didiretso pa ko sa The Elite Press" sabi ko kay Devianni ng di tumitingin sakanya. At ang bastos na lalaki di lang ako pinansin at nagmadali ng lumabas.

Kainis! Kahit kailan talaga!

Isinantabi ko nalang yung init ng ulo ko kay Jake at lumabas na rin ng classroom. Mahirap na 5 minutes nalang at magsisimula na yung meeting. Kailangan pa naman lagi kaming on time dun. 3:25 pm na rin ngayon.

Tinakbo ko na yung Organization Building ng school namin. Sa building na yun lahat makikita yung rooms or office ng bawat organization ng school na to mula Elementary hanggang Senior High.

Mabuti nalang kaming mga journalist sa first floor. Ewan ko nalang kung bababa ako mula third floor tapos tatakbo paakyat din ng ibang building kung sakaling sa taas kami.

Nginitian ko yung ibang mga bumati sakin kasi uwian na rin naman. May mga iba ring papunta ng Org Building dahil siguro may meeting din sa ibang clubs.

At sakto naman nung nakababa na ko at papasok na ko ng Building nakita ko yung main wall clock sa school na nasa taas ng Admin Building na 4:29 pm na kaya mas lalo ko pang binilisan.

And at last! Sakto namang nakapasok na ko sa office namin at nag uupuan na rin yung ibang journalist kaya kahit hinihingal ako pumunta na ko sa vacant chair para makapakinig na rin.

"Good afternoon Elite Press. Im Glad na on time kayo today" panimula nung editor-in-chief namin na si Stacey from Section Hope. Senior high din.

Well, lima lang namin kaming Senior High dito and the rest were from Junior High lalo na mga freshmen.

In-explain na ni Stacey yung iilan na informations at dapat pag usupan. Pati yung events inside sa school na dapat ireport at gawing article sa Elite News ng school.

After that nagsimula nang mag assign si Stacey kung saang section ng article kami mapupunta. As usual, inuna mag assign sa mga Grade 7 tapos pataas ng pataas ng level so huli kami.

Actually Pwede naman maiba-iba every month yung maassign sayo kaso last year buong taon ata na ako ang nagcover sa Popular's News.

Sa Section na yun ng newspaper namin. Pwede mo mabasa dun yung latest na nangyayari sa mga famous o kilalang estudyante dito sa school, karamihan ay mga varsity players. Kumbaga sa ordinaryong dyaryo, showbiz yun.

At ang nakakailang lang, yung journ mate ko (Tawag namin sa kasama namin sa na aassign na section ng kino cover naming article) laging kami ni Darwin ang sinusulat.

kilala nga kasi si Darwin lalo na sa Junior High. Kaya malamang break up issue namin ang isusulat nito kung sakaling dun sa Popular's News nanaman sya mapunta.

Anyway, naisip ko lang. Wala pa rin pala akong balita sa ex ko until now at di pa rin kami nagkikita. Masyado ata ako naging problemado sa pag ka engage kay Devianni.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon