Chapter 49

77 1 3
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

English time na ngayon. Second to the last subject at medyo nakakatamad.

Pinagawa lang kasi kami ng essay at nauna akong natapos. Nakatingin ako sa katabi ko habang seryosong nagsusulat. Wow, tatlong page na sya, di na man madami ideas niya?

"San ka pupunta?" aniya nung tumayo ako.

"Comfort room"

"Ahh okay"

Nagpunta na ko sa teacher namin para magpaalam at mabuti naman dahil pinayagan niya ko. Naalala ko kasi yung teacher ko sa Lower Grade noon. Di talaga siya nagpapaCR kapag time niya.

Sa first floor lang ang comfort room dahil bawat building ay meron nito. At dahil ka floor ko sila Smritti nadaanan ko yung room nila at yun, partida naglelesson yung teacher kaway ng kaway sakin. Nakita ko rin si Jace at nginitian niya ko. May iba ding mga ngumiti at yung iba ay tumingin lang.

Papasok na sana ako ng comfort room nang may marinig akong nag-uusap sa loob. The worse is narinig ko full name ko.

"Malamang binigay niya talaga yung katawan niya kay Darwin kaya iniwan niya ko. Kapal ng mukha nila lalo na yung Cassiopeia na yun" wait. I know that voice?

"Naku bes, taray-tarayan lang yung Cassiopeia na yun pero malandi naman talaga. Minsan si Devianni, Minsan si Jace. Kapal! Di naman ganun kaganda"

The fudge?!

Pakiramdam ko nagdilim yung aura ko dahil sa mga narinig ko. Sino sila para ijudge ako?!

"Sinabi mo pa bes! Nasa loob ang kulo! Ilang lalaki na kaya nakasama niya sa kama?"

Kinuyom ko ang kamao ko sa sobrang inis. Pinilit ko sa sarili kong wag sila sugurin dahil mas maganda kung pagtapak na pagtapak sa labas ng pinto hihilahin ko mga buhok nila.

Who are they to judge me?! Ni hindi ko nga sila nakakasama eh. Ugh! Kapag insecure nga naman sayo yung mga low class feeling btches.

"More like 100 guys?" sabay tawa nung kung sinuman kausap ng Annabelle na yun.

Fudge them!

"Hay naku. Let's go na nga. Nangangati yung kamay ko. Gusto ko sabunutan yung babaeng yun"

Pwes ilulublob ko mukha mo sa toilet kung san ka nababagay.

Maya-maya pa narinig ko na ang footsteps nila na malamang ay palabas na ng comfort room.

"What's up sluts?" Harang ko sakanila. Ngiting-ngiti pa ko sakanila. Para naman mainis sila.

"What?!!" inis nilang sagot.

"What?" Inosente kong sagot.

"Who are you to call me a slut?" sabat nung kasama ni Annabelle.

"And who are you to judge me?" kalmado kong tanong. Atleast I still have my manners.

Tinaasan ako ng kilay ni Annabelle at pumeywang.

Sarap niyang ahitan ng kilay. Nakakainis!

"Oh. So you heard us?"

"Yes dahil hindi ako tanga like you"

"Sinong tanga?"

"Ikaw. Kaya ka nga iniwan ni Darwin eh" kalmado at chill ko pa rin na sagot na parang akala mo ay normal conversation lang ang meron kami. Feeling ko nanalo ako nung makita kong nagngingitngit na sya sa galit.

"Atleast I'm not a whore like you!"

"Atleast I don't wear bra with foams"

Napasinghap sa galit si Annabelle. Akmang susugurin na niya ako ko nung pinigilan siya nung kasama niya.

"Ako na girl. She needs to know her lesson"

Wow. Bff goals ba this? Tsk.

Nakakaapat na hakbang palang siya nung inambahan ko siya ng suntok. Straight sa face. Di bale ng maGuidance basta
masapak ko siya.

Sorry nalang kay mommy sa magiging resulta nito. Minsan siguro kailangan ko rin ipaglaban sarili ko.

"Oh my ghash bes"

Kitang kita ko ang lalong pamumula ng pisngi nung babae. Join force ng Blush on at sapak mula sa akin.

"My face! My face!" iyak niyang sabi.

"You shtty whore!" Bago pa ako makasugod pabalik nadambahan na ako ni Annabelle kaya pareho kaming bumagsak sa sahig. Mas masakit ang naramdaman ko dahil likod ko ang bumagsak samantalang siya ay nasa taas ko.

"You whore! Akin si Darwin! Akin!" sigaw nya. ramdam ko ang sunod sunod na pagsampal niya sakin sa pisngi kaya pinilit ko syang gantihan.

"Channie! Help me to kill this btch!"

Nakaramdam pa ko lalo ng sakit nang may naramdam akong dumaan na matulis na kuko sa kaliwang braso ko pero pinilit kong hindi hindi mapa aray sa mga natatamo ko.

Sinampal ko rin sya pabalik.

"Magbabayad ka for what you did to my face!" bago pa ko makapanlaban ulit naramdam ko nalang na may humila ng buhok ko habang nakahiga ako. Hindi ko yun mapigilan dahil sa patuloy rin na pananampal sakin ng bruhang nakapatong sakin ngayon.

"I'm going to kill you! Darwin is mine!"

"Sayong sayo na yung fuccboi na yun!"

Unti-unti na kong nakaramdam ng hilo dahil inangat ng babaeng kampon ni annabelle ang ulo ko at binagsak ito sa sahig. Sa kabila nun di pa rin ako nagpapigil kaya nasuntok ko rin sa mukha si Annabelle. Di pa yun dahil hinila ko rin ang uniform nya kasama ang bra nya.

"Ang landi mo!"

Hilong hilo na ko dahil paulit ulit na binabagsak yung ulo ko. Nakaramdam na rin ako ng pananampal at pangangalmot pero sinubukan ko pa rin lumaban.

"Para to sa pagsuntok mo sa maganda kong mukha" Yun ang huling linya na narinig ko bago ibagsak ulit ng nasa uluhan ko yung ulo ko ng sobrang lakas.

Wala na kong maintindihan sa paligid at wala na kong makita sa sobrang labo ng paningin ko. Di ko na naangat ang mga braso ko para lumaban pang ulit sa sobrang hina kaya napapikit nalang ako.

"Bes may parating"

"Kailangan na natin umalis"

Wala na kong naramdaman na mabigat na nakapatong sakin pero hindi parin ako makadilat at makatayo sa sobrang hina.

Unti-unti na rin akong nilalamon ng pagkahina na parang anytime ay makakatulog ako.

Pero bago yun narinig ko ang mabibigat na yapak ng paa na patakbo at tinawag ang pangalan ko. Sa huling pagkakataon nagawa kong imulat ang mata ko bago ito sumuko ulit.

"Jace.."

At tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

----*

A/N:
Pasensya na sa update. Kasing sabog ng utak ko ang foam ng bra ni Annabelle ngayon. Huhu.

Musta pagboto niyo kahapon?

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon