Chapter 26

78 3 0
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

Hinihingal akong pumasok sa bahay at dumiretso sa hagdan paakyat pero bigla akong may narealize kaya humakbang ako paatras ng tatlong beses at tinawag si Manang Sita na kagagaling lang ata sa kitchen.

"Manang, yung susi ng kwarto ni Devianni?"

Nakunot naman ang noo niya at otomatikong nagtanong ng "Bakit?"

"Ahh. May research work kami ni Devianni, kailangan na po namin tapusin kaso wala siya kaya nagtext siya sakin na ako nalang daw tatapos. Kunin ko nalang yung gawa namin kasi nasa kwarto niya" Sagot ko kahit wala pa naman talaga kaming nasisimulan ng mokong na yun at lalong kahit wala naman talaga akong natanggap na text sakanya dahil di ko alam ang number niya.

"Ahh osige. Kukunin ko lang" aniya at agad na umalis.

Inabot lang naman ng tatlong minuto ang pag-hihintay ko sa susi. Di ganun katagal pero dahil nagmamadali ako ay nagdala pa rin ito sakin ng pagkabagot.

Nung tuluyan ng napasakamay ko ang susi na may keychain na may nakasulat na Devianni's bedroom ay di na ako nag atubiling tumakbo pa patungo sa taas.

This is it. I'm going to make my sweetest revenge for you Devianni. Better get ready.

Sinaksak ko na agad yung susi sa door knob at parang fiesta ang naramdaman ko sa puso ko nung nakita ng mga mata kong nagbukas yun.

Simple lang siya at infairness, malinis ang kwarto.

So.. Where am I going to start?

Lumapit ako dun sa kama niyang King size bed ang laki at hinila pataas ang bed sheet. Sinilip ko pa yung ilalim ng kama kaso parang nahalintulad ko lang yun sa kagandahan ng baklang manika na pinalit sakin ni Darwin na si Annabelle- WALA! Wala kang makikita.

So ayun. Binaba ko na yung bedsheet tapos naglibot-libot pa ulit. Hoping na may makita na kong bakas ng pagiging bakla ng asungot na fiance ko.

Nilapitan ko yung study table niya at pinagbubukas yung drawer at wala din akong nakita. Tanging mga papel, mga high-tec ballpens, picture ng mga lugar at dalawang susi.

Bakit wala naman akong makita? Di kaya pinagloloko ako ni Jace? Aba! Wag siya magtangka. Ipupukpok ko sa mukha niya yung 6 inches heels ko!

Nilapitan ko yung closet ni Devianni at nag eexpect na may damit pambabae kaso wala. Nilibot ko pa yung kwarto kaso wala talaga akong nakitang bakas kahit saan.

Susuko na sana ako kung di ko lang nakita yung bedside table niya na may dalawang drawer din kaso laking panlulumo ko naman nang mapagtantong nakalock to. Hinila ko pa ulit kaso nakalock talaga.

"Anong meron dito?" sabi ko sa hangin na parang may sasagot sa tanong ko. Hinila ko iyon ulit kaso ayaw talaga.

"Keys! I have to find the keys" Natataranta kong sabi.

Ilang segundo ako natulala nung maalala kong may nakita akong susi sa study table ni Devianni. Nagmamadali akong kinuha ito at bumalik dun sa tabi ng kama niya.

Triny ko yung unang susi kaso di nagkasya. Binaligtad ko pa kaso ayaw talaga. Ugh!

Sinubukan ko yung pangalawa at ayaw din. Nung binaligtad ko ay nagkasya na siya. At ayun, halos magsayaw na ata ako ng mabuksan ko siya kaso nanlumo naman ako nung puro libro lang naman ang nakita ko. What the? Wala naman akong napala!

Tatayo na sana ako at isasarado iyon ng di ko
sinasadyang mabasa yung title nung isang book. May konting gulat man ay kinuha ko ito at binasa yung blurb sa likod para makumpirma yung nasa isip ko. At tama nga ako, isang tong boyxboy na libro.

Kinuha ko pa yung ibang libro at ganun din ang theme pero natigilan ako nung mapansin ko kung ano ang naiwan sa drawer na kanina'y natabunan ng mga books.

"Wig?" Blonde? Pambabae?

Omg. Dali-dali kong inayos yung mga libro nang may mahulog dito mula sa isang nakaipit na pahina na larawan. At dun ko naalala na ito yung wallpaper ni Devianni na selfie ng babae.

Tinitigan ko ulit yung picture at kung kanina ay hindi ako makapaniwala sa mga natuklasan ko. Ngayon ay feeling ko mahihimatay ako sa sobra-sobrang proof na nakita ko.

Kung titignan sa malayo aakalain kong simpleng selfie ng babae lang ang makikita mo. Pero nung natitigan ko siya ng ilang segundo. Dun ko na mapagtantong si Devianni iyon na may suot na wig na blonde.

Hinawakan ko ulit yung blonde at sinuri ito. Malamang ito ang ginamit niya sa selfie na to.

THE FUDGE! Kaya pala familiar sakin yung mukha. SI DEVIANNI PALA! I CANNOT......

Tinignan ko pa ulit kung may nakaipit sa libro at di nga ko nabigo dahil nalaglag ulit mula doon ang isa pang larawan. Nung pulutin ko ito ay tumambad sa mata ko ang picture nila Devianni at Jace. Parang junior high pa ata sila nito sa Australia dahil ang totoy pa nila tignan. Masaya sila at magkaakbay sa picture.

O.M.G. I cri.

Inayos ko na lahat ng libro, wig pati ang pictures at niyakap ito sa mga braso ko para ilipat sa kwarto, Yes. Sa kwarto ko.

Goodluck nalang sayo Clinton.

Nung nalipat ko na sa kwarto. Tinago ko muna ito sa ilalim ng kama ko. Panandalian lang. Kailangan kong maghanap ng hidden place para hindi pa rin yun matunton ni Jake oras na malaman niyang na saakin ang ebidensya ng kabaklaan niya.

Good Cass. Ang galing ko talaga!

Kumuha ako ng papel sa study table ko pati ng Sharpie.

Sa unang papel ay nakasulat ang Hey! Someone invaded your room. Better check it!

sa pangalawa naman ay I got your back boy~ >:D . Napapakanta lang ako ng kanta ni Keri eh.

Kumuha ako ng tape at nilagay ang unang papel sa likod ng pinto ng kwarto ni Jake. Pangalawa ay sa drawer kung san ko kinuha ang mga libro niya. Binalik ko sa study table yung susi kaya sa unang tingin. Di mo mahahalatang may pumasok sa kwarto niya.

Iniwan ko na at nilock ulit yung kwarto dala ang susi at bumaba na para ibigay kay Manang Sita. Nandun na siya sa garden at nag aayos ng halaman. Sakto naman nung pagbigay ko ng susi ay ang pagpasok ng kotse ni Jake sa bahay. Sinakto ko talagang ngitian siya ng pagkatamis tamis nung makababa siya ng kotse na siya namang pinagtaka niya.

Confident at parang model naman akong naglakad pabalik sa kwarto.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon