Chapter 42

87 2 3
                                    



CASSIOPEIA MCDOWELL

Masakit ang ulo.

Yan ang una kong naramdaman pagdilat ng mata ko. Akala ko yun na ang pinakamasaklap na mararanasan ko ngayong umaga pero mas masakit pa pala na makita mong 2 subjects na ang naskip mo ngayong Monday dahil nalate ka ng gising.

"Di na talaga ako iinom." pagmamaktol ko.

Sobrang nagsisisi ako. Di pa ko makatayo dahil sa parang pinupukpok yung ulo ko sa sobrang sakit. Mapapakanta ka nalang talaga ng hangover, hangover, hangover~ Hays.

Tinitigan ko nalang yung kisame kung san ako natulog ngayon. Nandito pa rin ako sa tree house at nakahiga sa couch. Pilit kong iniintindi lahat ng nangyari kagabi.

Nandito ba talaga si Devianni?

Ahh imposible.

Umiling-iling nalang ako. Lasing nga siguro ako. Nag ilusyon pa kong pumunta dito si Darwin tapos nagtransform bigla bilang Devianni.

Napatingin ako kung saan nakatayo yung mga bote ng alak na ininom ko kagabi. May dalawang ubos na at may limang natira. Yung isa ay kalahati lang ang bawas.

Di ko pala naubos to kagabi?

"Don't tell me maglalasing ka ulit at nakatitig ka na sa mga bote ng alak diyan."

Nakita ko si Devianni na mukhang nakaakyat ng tree house ng di ko namamalayan.

W-wait! Shoot! Alam niyang nag-inom ako?!

"Oo. Tinawag-tawag mo pa nga kong Darwin eh" aniya na parang nabasa niya ang nasa isip ko.

What!!? Edi ibig sabihin hindi ilusyon yung naalala ko?! At nadala lang talaga ako sa kalasingan kaya unang pumasok sa isip ko si Darwin.

Hays! Di na talaga ako iinom pa ng beer.

Hinimas ko pa ulit yung ulo ko sa sakit ng bigla akong may maalala.

"Hindi ka na rin pumasok?!" oo na. Ako na nabigla.

"Di ka pumasok eh. At alam kong may hangover ka kaya I need to take care of you"

Natarayan ko nalang sya. "Hangover ang meron ako. Hindi cancer. Okay?"

He gave me a death glare dahil sa sarcastic kong sagot. "Fine. Pero idedeliver na dito mamaya yung mga dress at gown mo sa debut so better get ready"

Napaayos naman ako ng upo.

"Ngayon agad?"

"Ano pa ba aasahan mo? Mayamang company ang pag mamay ari ng ninang mo. Malamang nagawa agad yun after nya madesign."

Tumalikod na siya pero bago siya bumaba lumingon sya sakin na parang may nakalimutan siya.

"Bumaba ka na dahil ipagtitimpla nalang kita ng hot choco drink nang mawala yang hangover mo. May painom-inom pa kasi ng alak na nalalaman eh." sabay baba.

What the? Ano problema nun? Taray eh. Pasalamat siya gagawan niya ko ng choco drink.

Sinuot ko na yung slippers ko at bumaba na. Akala ko maabutan ko pa syang naglalakad sa garden paglabas ko ng tree house kaso wala na sya. Bilis kumilos ah.

Nagmadali na kong tumakbo sa kwarto kasi natatakot akong mahuli ni Manang na amoy alak pa ko. Nakakainis naman eh. Bakit nga ba talaga ako uminom kagabi?!

Binilisan ko na rin maligo at gawin ang morning rituals ko. Chineck ko na rin yung phone kong naiwan sa kwarto kagabi at puro tawag ni Smritti ang nandun sa screen. Malamang nag alala yun kung bakit wala ako. Maliban kay Smritti, may dalawang missed call din ako galing kay Jace.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon