Chapter 34

73 3 1
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"Okay. What... was that?"

Yan agad ang bumungad na tanong ko kay Devianni pagpasok sa bahay.

Buong byahe namin napaka awkward. I want to talk and ask him something pero di ko mafigure out kung ano ang gusto kong sabihin.

Ang gulo ng mundo. Isa pa yun si Jace. Ano bang pinagsasabi niya?!

Lumingon sakin si Devianni na parang any minute ay mapapatay ako ng mga matatalim niyang titig.

"Ano ba yung pinagsasabi mo kanina?" pag-uulit ko. Umiwas na siya ng tingin sakin at tumitig naman sa kawalan. Ganun pa rin, parang akala mo makakasira siya ng gamit sa titig niya sa mga bagay dito sa bahay.

Nagbuntong hininga ako. Ayaw niya magsalita kaya ako nalang gagawa ng topic.

"Are you jealous?" I asked. Napalingon ulit siya sakin pero mas lalong kumunot ang noo niya sa tanong ko. Inantay ko siya ng ilang minuto na sumagot pero titig lang ang binigay niya sakin.

"Do you like me?" Wala kong paligoy-ligoy na tanong. Feeling ko anytime mapupunit na yung noo at maglalagas na yung kilay niya sa sobrang asim ng itsura niya.

Grabe siya ah! Di naman niya pinamumukha sakin na nandidiri siya?

"Okay. Gets ko na. You don't really like me at kaek-ekan lang yung ginawa mo kanina. Sinabi mo yun para maprove mo kay Jace na wala ka nang gusto sakanya pero deep inside inlove ka pa rin sakanya."

This time pati kamao niya yumukom na rin sa sobrang galit. Don't tell me sasapakin niya ko? Aba gaganti ako! Marunong kaya ako makipagsapakan!

"Tama ba ako?" paghingi ko ng confirmation sa statement ko kanina pero di pa rin siya sumagot kaya di na ko nakatiis kaya tinignan ko na rin sya ng masama.

"Punyeta ka Devianni! Sumagot-sagot ka kung ayaw mong si Tito Jacob ang gusto mong kausapin ko dito!"

Narinig ko siyang nagmura. Napahilamos naman siya ng mukha niya tapos umupo siya sa sofa na nakatakip ang dalawang palad sa mukha niya pero mas kinagulat ko yung biglaang pagsigaw niya.

"Letse! Oo na! Oo na! Hayop"

Para naman akong nabato sa kinatatayuan ko. Reason? di ko alam. Baka sa sinabi niya o dahil sa gulat sa paghampas niya sa babasaging table sa harap niya.

"Hayop! Oo na! You want to fcking hear it right? Oo inlove pa rin ako sa bestfriend ko! I don't want you to be with him kasi I can't fcking help myself but to be fcking jealous! Letse!"

Natameme naman ako dun. I don't know kung nasan si manang pero mas mabuti na rin siguro na wala siya para di niya marinig tong usapan namin.

"Do you think it's easy Cass?" tumayo na siya sa kinauupuan at lumapit sakin. Napaatras pa ko sa sobrang lapit niya.

"Do you think it is fcking easy?!!"

Nag-iwas naman ako ng tingin kasi di ko makuha ng tama sa isipan ko kung anong gusto kong isagot sakanya.

"Sa tingin mo madaling mafall sa kauri ko na bestfriend ko pa?! Sa tingin mo madaling maging anak ng isang Jacob Clinton na walang ibang ginawa kundi ipressure, murahin at ipahiya ka sa mga business partners niya!? Sa tingin mo madaling masakal sakanya?! At sa tingin mo madaling kontrolin tong feelings ko?! I can't Cass! CAUSE THIS IS FCKING ME!"

lumayo siya sakin ng kaunti at nilahad yung dalawang braso niya tapos tinuro-turo ulit yung sarili niya.

"Gusto mong marinig to diba? Diba?! Gusto mo galing sa bibig ko diba?!! Videohan mo na ngayon tapos ipadala mo sa tatay ko! Letse!"

Napapikit naman ako nung bigla niyang hinagis yung vase sa gilid. Wala akong magawa kundi tumayo nalang dito sa kinatatayuan ko at pakinggan ang hinanaing sa nakakatakot na aura ni Devianni.

"Gusto mo marinig? Gusto mo maconfirm? Gusto mo ipang blockmail? OO NA! AKO NA BI! BISEXUAL! BAKLA! BADING! Ano pa?!!" tanging boses nalang niya ang umaalingawngaw sa bahay at feeling ko anytime pipiyok sya sa pagsigaw nya pero mas naspeechless ako nung magsimula siyang lumuha sa harap ko.

"Do you think it is fcking easy? I want to control myself. Gusto kong magbago. Gusto kong magmahal but I can't.." I heard him sob. "I can't kasi ito ako. I can't change myself... Di ko alam.. di ko na alam..." pinunasan niya yung luha na bumagsak sa pisngi niya.

"Di ko na alam Cass.." That was the last line I heard from him And with that ay umalis na siya sa harap ko.

Wala akong nagawa kundi matulala nalang sa nangyari. Pagkatapos ng lahat ng narinig ko na hinanaing niya. Pag-iyak niya sa harap ko. Di ko alam kung anong gagawin ko.

I don't know anymore..

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon