Chapter 19

107 3 0
                                    

Author's note:
Sa mga mahilig sa romance pero about sa immortals, Try to read Full Moon :) Iba ko pong story.

Thank you :*
-DSA
---------------

CASSIOPEIA MCDOWELL

Tahimik.

Tila nakakabinging katahimikan lang ang bumabalot sa amin ni Jake sa loob ng kotse nung pauwi na kami.

Kainis naman kasi!

Kung ano-ano pinagsasabi. Ang bastos ng bunganga eh.

Jace Calling...

Napatingin ako sa nagvavibrate kong cellphone.

Okay. Tumatawag si Jace. Anong gagawin ko?

Tinignan ko naman si Devianni na seryosong nagmamaneho tapos napatingin din ako sa cellphone ko tapos tingin nanaman sakanya.

Parang kanina lang pinagbawalan niya kong makipag usap o makipagkita kay Jace tapos eto ngayon.

Pero...

GUSTO KO MAKAUSAP SI JACE.

Tsaka isa pa para di boring. Ang tahimik na nga dito sa kotse eh.

Kaso lang..

Napatingin nanaman ako sa katabi kong nagmamaneho. Sabi nga niya kanina bawal daw eh.

Napataas naman ang kilay ko sa pagbabago ng isip ko.

Teka nga? Bakit ba ko natatakot sakanya?

Ano? Under ako? No way! Over my dead sexy body!

Sasagutin ko na sana yung tawag ni Jace nung biglang tumingin sa direksyon ko si Devianni Jake kaya nareject ko agad ang call at pasimpleng umirap at tumingin sa labas ng bintana. Nasilip ko pa ang pagtingin niya sakin ng masama.

Wala na talagang pag-asa magbago to. Tsk.

Pero after ng ilang minuto, tinignan ko ulit ang phone ko dahil sa pagvibrate nito. At sa pagkakataong ito, nireject ko pa rin ang tawag ni Jace pero tinext ko naman sya.

To: Jace

Sorry Jace, I can't answer your call rn. I'm with my fiance.

Then send!

Pero yay! Para namang may kabit ako sa lagay na to. What is happening to you Cass? San na yung mataray na ikaw?

Tulad ng inaasahan nagtext agad siya pabalik.

From: Jace

Ahh. Ingat :) Kasama mo pala siya kanina.

Kumunot naman ang noo ko sa nabasa ko. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko.

Teka? Bakit parang iba yung naiisip ko? Bakit parang nakaramdam ako ng konsensya? Hindi naman siya galit diba?

Baka kasi naisip niya na kaya ko siya iniwan ay dahil sa fiance ko.

Aghh! Abnormal ka Cass.

Magtatype na sana ako ng tumingin nanaman si Jake sa direksyon ko. Bigla ako nagpanic at inangat yung phone ko sa ere.

"BADTRIP NA COLOR SWITCH" Okay. What a lame strategy.

Akala ko sasagot doon si Jake pero tinignan niya lang ako ng masama. Wala akong nagawa kundi isandal ang ulo ko at tumingin sa labas ng sasakyan.

I know. Medyo weird ako today.

Nasaan na ba yung totoong Cass na may-ari ng katawan ko?

--

Finally it's Monday. After ng nakakahiyang pangyayari sa Tagaytay hanggang pauwi di pa rin kami nag-uusap ni Devianni ngayon. Naalala ko nanaman yung pagsigaw ko about sa color switch. Ugh!!!

No wonder bakit di ako napunta sa Section Hope. I can't be a good actress.

"Cass!"

Papunta na sana ako ng room namin nang may tumawag sakin sa lalaking boses. Nilingon ko naman kung sino iyon at natanaw kong si Jace pala iyon na pormal at maayos na naglalakad patungo sakin.

"Uy Jace!"

"Musta pala kayo ng fiance mo? Uhm.. Di ko alam na kayo pala ang magkasama nung-"

Di ko na siya pinatapos magsalita. Bakit naman siya makokonsensiya dun. "No, it's okay. Di rin kasi kami nagkaintindihan nung time na yun"

Tumawa naman sya at ngumiti. "Kahit naman nung simula palang di na kayo magkasundo. Yun kaya palagi mong kwento sakin" At doon ko nga narealize.

Oo nga noh?

"Jace!" nilingon naman namin yung tumawag sakanya. At ayun, si Smritti na tumatakbo.

"Oh hi Cass the bruha!" bati niya sakin nung makita ako. Ang galing talaga bumati nitong Bestfriend ko.

"Magkasama kayo ah?" panunukso pa niya. Inirapan ko naman sya dun. Tumawa lang si Jace.

"Nga pala Jace, tawag ka ni Teacher Yen. Tungkol daw dun sa Photography contest na sasalihan mo sa division level next week" Pagbabalik ulit ng atensyon ni Smritti sakanya.

Nagpaalam naman agad si Jace at iniwan kami ni Smritti. Eto namang si bruha inantay muna makaalis si Jace at nung wala na tsaka sinundot-sundot ang tagiliran ko.

"Ikaw ah! Iobserve daw pero magkasama na pala" panunukso niya.

"Gusto mo ibalibag kita? Tandaan mo ikaw ang nagbigay ng info ko ng WALANG PAALAM" Pagpapaalala ko sakanya. Diniinan ko talaga yung last word.

"Pero atleast pogi!" Aniya. Aba!
"Paano kung drug pusher pala yung nakachat mo sa omegle?"

"Pero buti nga di drug pusher. Pogi" proud nya paring sagot.

"Eh paano kung sindikato?"

"Swerte mo dahil di sindikato. Pogi" Pagmamalaki niya. Tinignan ko naman sya ng masama samantalang suot niya tong matagumpay at mapang asar na ngiti niya.

Balak talaga ata ako nito ibugaw!

"Aray!" Sigaw niya sabay hawak sa ulo niya. Ayan, binatukan ko nga.

"Bakit mo ko binatukan?" maluha-luha niyang tanong.

Sasagot pa sana ako kaso umentra sa eksena ang magaling at kumag na si Devilliani.

Yes! Devilliani ulit ang tawag ko dahil ganun talaga sya.

"Excuse me, we need to go" Say niya kay Smritti. Wala naman nagawa si Smritti at tumango-tango nalang habang hawak ang ulo niya.

Nung makalakad na kami palayo, nandun nanaman yung nakakatakot niyang aura. Seriously? Ano bang meron sa lalaking to?

Napapadalas na yan ah!

"Sinabi ko na sayo diba"

Tinaasan ko naman sya ng kilay kahit di ako tumitingin sakanya.

"Sabi ko wag ka lalapit sakanya" malamig nyang sabi.

Muntik na kong matigilan sa paglalakad pero buti nalang pumasok agad sa utak ko yung sinabi niya.

Kung nakita nya ko kanina na kasama si Jace, bakit di nya kami nilapitan? O kahit hilahin man lang ako palayo kay Jace?

At tsaka bakit ba ayaw niya akong makausap si Jace.

"Ano bang meron kay Jace at ayaw mong makausap ko siya?" tanong ko. Bakas sa tono ko ang pagkairita pero di pa rin ako nakatingin sakanya habang naglalakad kami papuntang room.

Hinintay kong sumagot siya pero wala akong narinig na kasagutan sa tanong ko. Akala ko mananahimik nalang siya pero halos mabigla na ko nung huminto sya mismo sa harap ko.

Face to face.

Nagsalita siya gamit na yata ang pinakanakakatakot na tono sa boses nya. At siguro may halong bitterness?

"Basta. Pag sinabi kong ayoko mag-usap kayo o kahit lumapit. Ayoko. Pag sinabi ko, sinabi ko. Maliwanag?"

And with that, iniwan na nya kong nakatulala sa sinabi niya.

Ano ba talagang meron?

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon