Chapter 37

89 4 1
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

Para naman akong wala sa sarili na sinundan si Devianni nung umalis siya mula sa panonood namin.

Kasi naman eh! Di ako makapaniwalang nagsorry siya.

Tumakbo pa ako ng mas mabilis para maabutan siya. Ang bilis ba naman kasi maglakad!

Akala ko liliko na kami doon sa way ng gate papuntang parking lot pero ipinagtaka ko na nagpunta pa kami sa ibang daan sa mall.

Lutang at nahihiya man, di ko na napigilan na magsalita para tanungin siya tsaka bati na naman talaga kami diba?..

"Uhh.." di ko natuloy ang sasabihin ko dahil siya na mismo ang huminto. Nahihiya siyang humarap sakin pero halata mong di siya makatingin sa mata ko dahil sa hiya. At nakakainis dahil di ko sya magawang mainsulto dun dahil ganun din ang nagagawa kong kilos ngayon.

"Diba wala naman sa rules sa school yung pagpapakulay ng buhok?" nahihiya pa rin sya. Napakamot pa sya ng batok niya.

"Ahh oo.." sagot ko.

Halos masampal ko na ata yung sarili ko. Bakit rin ba ako nahihiya at di makatingin sa kanya ng diretso?! Ugh.

"Ahh okay." At talagang maririnig ko pa rin ang hiya sa boses nya.

Muli na syang tumalikod sakin at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Wala na kong magawa kundi sumama sakanya. Kulang na nga lang ay lagyan ng stapler ang bibig namin dahil sobrang tahimik namin. May times na mapapatingin kami sa isa't isa pero mag-iiwas agad at may times ding ramdam mo talaga sa amin na gusto naming mag open na topic pero nadadala kami ng hiya.

Sa matahimik at naiilang na paglalakbay namin, tsaka ko lang napansin kung san kami dinala ng desisyon niya.

"Parlor? Ano gagawin natin?"

Napahawak ulit siya sa batok niya tapos nakayukong sumagot sakin na tila iwas talaga sa eye contact. "Magpapakulay sana ako ng buhok. Puting buhok, as in puti"

Kumunot naman ang noo ko. "Pinapaaga mo ata pagtanda mo eh?"

"Hindi ah! Di ba pwedeng gusto ko lang ng bagong style?" Okay. Balik na sya sa dati. "Kung gusto mo umuwi tatawagin ko nalang si Kuya Ronald para--" I cut him off.

"Wag na. Magpapakulay na rin ako ng buhok."

Takang-taka siya na tumingin sakin. Nginisian ko nalang sya at inunahang pumasok sa parlor.

•••••

"Gaya-gaya ka." Kunot noo nyang pahayag sakin.

Kakalabas lang namin ng parlor at yun agad ang sinambit niya. Tinarayan ko nalang siya at iwinaklis pa ang buhok ko sakanya bilang pampaasar.

"I-inasar pa tuloy tayo.."

Natigilan naman ako dahil naalala ko ang nangyari kanina sa parlor pagkatapos namin magpakulay.

"Yan ma'am at sir! Bagay na bagay po kayo. Sabi ko na nga ba eh pagpasok niyo palang kanina alam kong mag boyfriend girlfriend na kayo"

"Bumagay po sa inyong dalawa yung puti na buhok. Couple na couple"

"Ang ganda at gwapo niyo po. Siguro kung naging artista kayo malakas ang chemistry niyo at madami kayong fans"

At eto pa..

"Naku. Pag nagkaanak kayo maganda o gwapo din yun!"

Para namang nagsiakyatan sa ulo ko lahat ng dugo ko sa katawan. Pag kami inaasar ni Devianni lagi nalang diretso anak usapan. Bakit lagi nalang anak?!

Tumingin siya sakin kaya umiwas ako sa ibang direksyon pero bago yun nakita ko pa ang pagngisi nya. "Namumula ka. Kinikilig ka?"

Hah!? Ako?

Di ko siya nilingon pero sumigaw ako ng "Asa!" at naglakad na para di nya ko makita. Nakakahiya!

"Saan ka?" Dahil nauuna ako, wala sa isip ko kung san kami pupunta. Huli na ng marealize kong nalagpasan na namin ulit yung way papunta sa parking lot.

"Bibili ng damit" Pagdadahilan ko kahit hindi naman talaga. Baka kasi isipin niya iniisip ko yung nangyari kanina sa parlor pag nalaman nyang di ko rin alam kung bakit kami lumagpas.

"Sa dami ng paper bags na dala mo bibili ka pa sa lagay na yan?"

Nagstop ako sa paglalakad ng naisip ko yun.

"Pake mo ba? Magpapalit ako ng damit" isip ng palusot Cass! Go go go!

"Pauwi na tayo magpapalit ka pa?"

"Eh gusto ko eh. Bakit ba?"

Maglalakad na sana ulit ako nang magsalita siya ulit.

"Alam kong mayaman ang pamilya natin pero paano naman pag kinasal na tayo? Baka mas malaki pa gastusin sa damit mo?"

Ano daw?...

Paano naman pag kinasal na tayo?

"Eh..." Wala akong masabi. Shocks! What happened to you Cass? "P-pake mo!" tapos tinalikuran ko sya.

Halos masampal ko na ata sarili ko. Bakit ba ko nautal. Naman oh!

Pinilit ko nalang na di ulit yun isipin at dumiretso na sa isang boutique. Nakita ko pang sumunod si Devianni pero doon sya sa side ng mga panlalaking damit kaya di ko na pinansin.

Mabilis lang akong nakapili kaya sinuot ko na sa fitting room. Pinili ko yung long sleeve na white (tulad ng buhok ko) na medyo may black na design sa braso. Di ko na pinalitan yung short dahil mukhang bagay naman sa napili ko.

Paglabas ko, halos tumalon ako sa gulat ng makita si Devianni na naghihintay mismo sa tapat ng cubicle na pinagbihisan ko pero this time di na nya suot yung blue na jacket ba yun at sando nya na panloob na may lines. Naka long sleeve na rin sya ngayon na gray pero ganun pa rin yung pantalon na suot nya at naka face mask.

"Jeje ka?" Yan ang bungad ko bilang pambawi doon sa gulat effect ko.

"Duh! Style to!"

"Pang jeje yan eh!"

"Bakit kanina? May nakita rin ako nakasuot nito?"

"Baka may sakit sya. Pang jeje yan. Tanggalin mo na nga."

"Ayaw!" tapos iniwan nalang ako papuntang counter.

Sumunod nalang ako sakanya. Kukunin ko na sana yung wallet ko ng pigilan ako ni Devianni.

"Wag na. Ako na magbabayad. Yan lang bang long sleeve ang bibilhin mo?"

"Weh?" Siya manlilibre?

Sasagot na sana sya kaso humabol ako ng sagot. "Joke lang. Eto lang" biro ko. Masaya sana syang barahin kaso mas masaya malibre.

Nung palabas na kami ng boutique, may hinabol pang pasabi yung cashier sa amin.

"Bagay po kayo"

Napaiwas nalang ako ng tingin na direksyon para di makita ni Devianni yung reaksyon ko. Di ko rin makita yung sakanya dahil naka face mask sya.

"Buti nalang talaga bumili ako ng face mask"
mahina nyang sabi sabay nauna nang maglakad.

Hah? Ano daw?

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon