Chapter 17

127 4 0
                                    

[CASS]

"Yiee! Nakakarelax! Ang tagal ko nang di nakakapunta dito!" sigaw ko habang nilalanghap ang hangin sa paligid pagkababa namin ng kotse. Tinaas ko pa yung kamay ko para mas lalong pakiramdaman ang paligid.

Ang sarap tumira sa ganitong lugar. Araw-araw nalang ako matutulog. Ang lamig!

"San tayo?" tanong ko kay Devianni pagbaba nya galing sa driver's seat.

Tulad nga ng sinabi ni Devianni nung nakaraan sa parents namin. Pupunta daw kami sa Tagaytay. Kahit kunyari lang yun napilitan kaming totohanin dahil maghahanap sila ng pics.

Kahit kailan talaga di sila titigil para mauwi kami ni Devianni sa pagmamahalan. Hays

"Picnic Grove?" inirapan ko naman sya sa sagot niya. Malamang! Kaya nga dito kami nagpark eh.

"Maggagala nalang. Basta may mapicture" nairita nya ring sagot. Naasar ata sa pag-irap ko.

Etong Lalaking to. Parang babae umasta. Asar ah.

"Ayy tara maglakad-lakad muna tayo!"
"Sumakay muna tayo ng kabayo"
"Eh magpalipad kaya tayo saranggola?"

Nagkatinginan kami saglit at binigyan ng matalim na titig ang isa't isa.

"Gusto ko dun sa zip line!"
"Corny nun eh!"
"Ako ang babae kaya ako ang masusunod!" giit ko. Nakakaasar! Sabi ko na dapat di ako umasa na magiging magkaibigan kami. Para syang babae umasta! Mas moody pa sakin.

"Eh gusto ko dun sa hanging bridge!"
"Maka hanging bridge! Ang ikli-ikli nga nun eh. Mas mahaba pa nga ata baba ni Wu Yi Fan dun" pagmamaktol ko.

Ako ang babae! Ako dapat masusunod!

"What the hell? Itulak kaya kita dun?" naaasar nyang sagot.
"Ibigti kaya kita dun?"

This time, mas lalong naging matalim yung titig nya pero di yun naging dahilan para matakot ako sakanya. Dukutin ko yan eh.

"Ang dami mong arte" reklamo nya.

Hinampas ko naman sya sa braso nya. "Bakit ikaw? Para kang bakla!"

napatingin naman sya sa sinabi ko. Di pa rin ako nagpapatinag at tinititigan ko pa rin sya ng masama.

Akala ko maiinis sya pero nagulat ako nung hawakan nya yung braso ko at nilapitan yung mukha ko. Muntik ko pa syang masampal dahil akala ko hahalikan nya ko pero nilagpasan nya lang mukha ko para bulungan ako.

"Gusto mo halikan kita?"

Parang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Ramdam ko rin ang biglang pag init ng mukha ko.

At mas lalong nakakainis dahil nahalata nya ata yun kaya tumawa sya ng ilang segundo at umalis na sa harapan ko.

At ako? Naiwang tulala.

What the eff? Panong di ako magrereact ng ganito. Kahit naman kasi sira ulo yung ex kong si Darwin, never kaming nagkiss dahil ayoko. Kaya minsan yun din ang dahilan ng pag aaway namin. Syempre pinapangalagaan ko rin yung paniniwala ko na dapat sa asawa ko lang ibibigay ang lahat ng magiging first ko.

Pero paano na yun? Si Devianni mapapangasawa ko?

"Ano? Forever na dyan?" Tsaka lang ako natauhan nung bumalik sya sa harap ko at nakasimangot nanaman pero imbis na sumagot inunahan ko nalang sya maglakad dahil sa inis.

Inis ba talaga Cass? O hiya sa pinag-iisip mo?

Umiling iling ako ako sa kabaliwang naglulutangan sa isip ko. Ano ba yan!

Narinig kong sinigaw nya ang pangalan ko at tinatawag ako pero di ko sya nilingon. Bahala sya, basta ako pupunta ako sa gusto kong puntahan. Susunod naman sya eh.

At isa pa, sya din lagot kapag nawala ako.

Responsibilidad nya kaya ako.
Kaya bahala sya.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa medyo madami na rin ang nakakasalubong ko. Di ko akalain na madami pa rin palang nabisita dito.

Bata pa kasi ako nung last na punta ko at isa pa, madami nang pasyalan dito sa tagaytay tulad ng Skyranch kaya akala ko wala nang masyadong bumibisita at namamasyal dito.

Ang dami ding nagala ngayon, may bata, may magbabakarda, buong panilya at kung paminsan-minsan mga magkasintahang naglalakad ng holding hands pa.

Naglakad lakad pa ako para libutin yung buong pasyalan. Medyo naaliw naman ako sa mga nakikita ko. may mga pamilya ring humihinto para magpapicture o maggroupfie.

Buti pa sila. Kailan pa ba last na super bonding namin ni mom tulad ng ganitong galaan?

"Ganda, may favor ako. Pwede magpicture? Picturan kaming buong pamilya"

Tumango naman ako at kinuha yung cellphone nung babae para kunan sila ng pamilya nya. Sila ng asawa nya kasama ang dalawa nilang anak na kambal.

Ang saya nila tignan.

Pagkatapos nun kinuha na sakin yung phone at nagpasalamat bago umalis. Nakaramdam naman ako ng lungkot at medyo saya dun sa pamilya kanina. Ang saya nila tignan sa picture..

Speaking of picture, may naalala ako! Kailangan pala namin ni Devianni ng picture.

Napalingon ako sa paligid ko para hanapin ang bakas ng isang Clinton pero sad to say wala sya.

Hala baka nauna? O nahuli?

Kukunin ko sana yung phone ko ng maalala kong wala akong number nung lalaking yun.

Naku naman! Bahala na nga. Magpipicture at selfie nalang ako. Punta nalang ako dun sa pinagparkingan ng kotse.

Kahit kailan talaga medyo lumuluwag turnilyo sa utak nun.

Pagkatapos ng mahaba-habang lakaran at pagmumuni-muni. Nagstop muna ako sa isa sa mga vacant na kubo or tent para magpahinga at kumuha ng kung ano-anong litrato. Medyo nakaramdam ako ng uhaw kaso lang naalala kong na kay Devianni pala ang mga gamit na dala namin. At medyo malayo pa ang store dito.

Malas talaga yung lalaking yun!

"Cass?" kusa naman na lumingon ang ulo ko para tignan yung nilalang na tumawag sakin. At ayun, bumungad sa harap ko ang kapitbahay ko doon sa bahay ni mommy.

"Uy James" bati ko. Tinaas ko na rin ang palad para apiran siya.

"What happened? Bakit di na kita nakikita sa mansyon niyo?" tanong nya.

"Ahh wala lumipat ako. I asked mom kung pwede ako bigyan ng sariling bahay para naman matuto. Di ko alam na seseryosohin niya yun" I lied.

"Ohh." patango tango pa sya. "Iba talaga spirit at personality mo. Ang simple mo pa rin kahit ang yaman at ang ganda mo" natawa naman ako sa sinabi nya.

Wait, don't get me wrong. Mas matanda ng isang taon si Kuya James at nay gf na sya kaya it's a no no para makipag relationship sakanya.

Sayang nga lang dahil pogi sya.

"Eh ikaw Kuya James? Bakit ka nandito?"

Nagbago naman ang reaksyon nya na parang may naalala na nakapagpagulat sa mukha nya.

"Oops! I forgot! I'm with my cousin! Kakauwi nya lang kasi dito last week kaya kailangan ipasyal. Nasan na ba yun.." tumingin sya sa labas ng tent para hanapin yung pinsan nya. Medyo umabot pa nga ng isang minuto pero okay lang naman.

"Bro! Here!" mukhang nahanap na nya ata. Itinaas nya yung kamay at iwinagayway na parang signal dun sa pinsan nya na nasa labas para pumunta dito.

At halos malaglag ang panga ko nung nakalapit na sa tent namin yung pinsan nya.

Oh no.

"Uy Jace! May papakilala ako"

Pangiti-ngiti pa si Jace pero mukha din syang natigilan nung nakita ako. Napahinto pa nga sya sa paghakbang ng paa pero base sa mukha nya, mukha naman syang masaya na nakita ako.

Ata? Ewan? Ang gulo!

"Hi Cassy!"

Shocks. Bakit pa rin ba ako nakakaramdam ng hiya dito?

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon