Chapter 55

142 3 4
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

Isang linggo na rin magmula nung huli kaming mag usap ni Devianni.

Bakit ko nga ba to binanggit kahit wala naman akong pake sakanya? Ewan. Parang di ako sanay na ganun siya kalamig. Nag away nanaman kami noon pero parang mas iba ngayon.

Kapag nasa canteen ako tuwing recess nandun din sya pero nasa ibang table. Susulyap sakin tapos kapag nahuli ko sya iiwas sya ng tingin. Tapos nung last Friday unexpected na hinarana ako ni Jace sa classroom. Ayoko talaga nung mga PDA pero imbis na matuon ko yun ng pansin para kainisan mas naagaw ng atensyon ko yung biglang pagbalibag ni Devianni ng upuan nya bago umalis ng room. Inis na inis sya pero malungkot syang tumingin sakin bago lumabas sa room.

Sa bahay naman pag sabay kami kumain ganun din. Lagi syang tititig sakin ng sobrang lungkot.

"Omg Cass..." tinignan ko ang reflection ni mommy sa salamin. Nasa likod ko lang sya. Namumula yung ilong nya at mukhang naluluha sya.

"Mom? Hindi pa ko ikakasal" nakanguso kong sabi dahil sa reaksyon nya. Tumayo ako sa pagkakaupo at hinarap sya. Mas lalo naman syang naluha ng maobserba ang buong itsura ko ngayon.

"Dalaga ka na. Parang noon lang ikaw pa yung iyaking bata na laging naka pucca hairstyle"

Matampo ko syang kinunutan ng noo. "Wala yun pinagkaiba. Maganda pa rin ako nun"

"Hm. Mana ka talaga sakin" aniya. Naluluha syang hinawakan ang kamay ko sabay yakap sakin.

"Ma, inuulit ko debut palang to. Di ko pa kasal"

"I know. Bat excited ka ba?"

Napabitaw ako. "Of course not!" pero tawa lang ang sinagot nya.

Kahit nagbibiro man, pinaulanan na ko ni mommy ng mga advice dahil daw bagong yugto nanaman sa buhay ko. Wag na daw ako mainitin ang ulo, matutong makisama lalo na kay Devianni, pati mga gawaing bahay dapat daw matutunan ko na lalo na sa pagluluto.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa ang lalaking naka blonde na taas ang buhok at nakatux. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba (At ewan ko nanaman kung bakit)

"Any minute po tatawagin na si Cass"

Tumayo si mom at hinawakan yung kamay ko. Akala ko sasamahan na nya kami palabas pero nagulat ako nung lumapit kami kay Devianni na nasa pinto. Kinuha niya rin ung kamay ni Devianni at pinagdikit nya ang palad namin.

"Ingatan mo yang nag iisa kong anak Devianni. Mahal na mahal ko yan"

"Mom!"

Mukha ba kong ikakasal?

"Opo tita. Makakaasa kayo" after nya sabihin yun sinulyapan nanaman nya ako pero di sya ngumiti.

"Osiya. Maiwan ko na kayo. Tatawagin nalang kayo nung staff kapag pupunta na kayong stage" tumingin sakin si mom at niyakap ulit ako. "I love you. You will always be my little princess"

"I love you too mom. You will always be my queen"

Pagkatapos nun naiwan na kami ni Devianni sa loob ng kwarto. Nakaramdam nanaman ako ng kakaibang feeling kaya bumalik nalang ako sa pagkakaupo. Naiwan sya dun sa pinto ng hindi man lang humahakbang.

Umupo ulit ako sa tapat ng salamin at kitang kita ko ang reflection ni Devianni sa likod na nakatingin din sa reflection ko.

At dun ko narealize kung bakit ang hirap mapakalma ni mom na debut palang naman to...

Halos white ang gown ko (athough may iba't iba pang designs) kaya mukha talaga akong ikakasal.

Iniwasan ko ang tingin sakin ni Devianni at nagkunwari nalang ginalaw yung mga make up na nasa harap ko. Pero di ko maiwasan mailang kapag nakikita kong nakatitig pa rin sya sakin.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon