Chapter 46

78 1 5
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

9:20 p.m

Kanina pa ko parang tanga na nakatitig dito sa orasan sa kwarto ko. 20 minutes na ang nakakalipas pero wala pa ring tunog ng makina ng kotse sa garahe sa baba na tanda na nakarating na ang baklang yun.

Don't get me wrong, hindi ko siya hinihintay. Hinihintay ko yung chocolates na pinangako niya sakin.

Tumayo ako sa kama at pumunta dun sa bintana para silipin kung may kotseng paparating tapos balik ulit yung tingin ko sa orasan.

Aba naman. Ayos yung 9 pm niya ah.

Sabi ni Anjelica sa party daw sila. Di kaya..

Napatakip naman ako ng bibig ko.

Di kaya may milagrong nangyayari sakanila?

I mean. Hindi imposible yun. Party, may alak tapos.. paano kung sa club yun?

Dapat pala sinabihan ko siyang wag uminom ng alak.

Dapat pala di ko na siya pinayagan.

Tawagan ko kaya sya?

"Teka nga Cass. Bakit ka ba Concern. Ayaw mo yun? Pag nabuntis nya yung babaeng yun di na kayo ikakasal" bulong ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa kama ko.

Binagsak ko yung sarili ko sa kama at muling napatingin sa orasan.

9:27 p.m

What? Ang bilis ng oras ah? At bakit wala pa din yung baklang yun? Magiging 30 minutes na siyang late!

I swear chocolate lang talaga habol ko. Di ako concern sakanya. Tsk.

Kinuha ko yung phone ko at wala sa sariling napunta sa messages ni Devianni.

Itetext ko ba o hindi?

"Nah" Wag na nga lang. Nag exit ako dun at napagdesisyunan nalang na iopen ang instagram ko.

Pag-open na pag-open ko tumambad agad sa feed ko yung post ng kaklase kong si Trubby. Doon kitang kita ko ang picture ng barkada nila sa iisang table. At lahat ng nandun mga alak. Pero mas nahagip ng mata ko yung dalawang alien na magkatabi sa gilid. Yung babae nakakapit sa braso nung bakla at yung bakla nakangiting aso pa.

So kaya naman pala wala pa. Nag eenjoy lumandi.

Iisipin ko na talaga nagpapanggap lang yun na bakla.

O baka nagbabago na talaga siya dahil nafall na sya dun sa Anjelica na yun.

"Tss. Pake ko ba?" inis kong bulong at ibinaba yung instagram ko para makita pa ang susunod na post. Galing pa rin to kay Trubby, Ganun pa rin ang set-up ng picture pero this time naka wacky na sila.

At kung kanina nakahawak sa braso si babae. Ngayon nakahalik na sa pisngi ni bakla. Si bakla naman gulat ang mukha sa picture.

Tss. Pero malamang deep inside naTurn on na yun.

Tinignan ko yung picture at 16 minutes palang pala nakakalipas nang mapost yung picture. Tignan mo. Wala syang kamalay-malay na lagpas 9 pm na dahil lumalandi pa sya!

So siguro nasa kwarto na yung dalawang yun nagsasaya. Pake ko ba? Bahala sila.

Binaba ko ulit yung instagram ko kaso lang feeling ko mas lalo lang nag-init ulo ko sa sunod na picture na nakita ko.

@trubbibabyy: couple of the night. Kayo na sweet pero wala pa ring forever!

This time si babae at bakla nalang. Nakayakap si Babae kay bakla habang nakangiti sa camera samantalang si bakla nakatingin sa cellphone.

Nakita naman nya siguro yung time nung mga oras na yun diba? Bakit wala pa rin sya?!

Aksidente kong naclick ng isang beses yung picture kaya lumabas yung tag or username nung mga tao sa picture.

@lovernicm
@anjelicaxoxo

Clinick ko yung instagram ni Anjelica. Mabuti naman at hindi private account nya. Natapos na magloading yung account niya nung nakarinig ako ng pagdating ng kotse sa baba kaya naexit ko yung instagram ko at nilapag yun sa kama.

Nagmadali akong bumaba at dumiretso dun sa hagdan.

Ayy hindi! Bakit ko naman sya sasalubungin?! Duh.

Babalik na sana ako sa taas kaso huli na.

"Gising ka pa?"

Inirapan ko siya dahil sa kashungahan nya. "Ay hindi. Tulog ako. Nakapikit ako diba?"

"Bakit ka pa gising?"

"Kasi di ako tulog"

"Cassiopeia" ayan. Seryoso na sya. Nagcross arms naman ako at muling umirap tapos pasimpleng tumingin sa orasan kaya naman napatingin din siya dun kaya parang nagulat siya.

"10 na?!"

So all this time wala siyang kaalam-alam na 9 pm na?! Sapakin ko kaya to?

"Hindi. 12 na! Nakita mo diba 10 na?"

"Bakit sa phone ko..."

Natataranta siyang kinapa yung bulsa niya at hinugot ang cellphone dito.

"Takte. Lowbatt pa" inis niyang sabi tapos balik ang tingin sakin. "Magna nine palang sakin"

"Ano? dinahilan mo pang late ng isang oras yang phone mo. Wala bang orasan doon sa party na yun?"

"Wala din"

"Tss. Ang sabihin mo nasiyahan ka lumandi"
inis kong sabi sakanya.

Mula sa natatarantang mukha, unti-unting nagbago ang reaksyon niya at napalitan ito ng nakakalokong ngisi.

The fudge?? Nakuha niya pa makipagganyanan sakin?

"Anong nginingisi-ngisi mo dyan? Mukha kang timang!"

Pero hindi sya natinag sa galit ko dahil nakangisi pa rin sya.

"Okay lang. Hindi ko nalang talaga sasabihin sayo na nagseselos ka" aniya.

THE FUDGE? AKO MAGSESELOS? I think I want to vomit.

"Assuming! Bakit ako magseselos?!"

"Hindi ka talaga nagseselos" mapang asar pa rin nya na sabi.

"Edi shing! Diyan ka na nga"

Iniwan ko na siya sa sobrang inis pero bago yun nilingon ko sya at may kwinento.

"May date pala kami ni Jace bukas" pagpapaalam ko at tinalikuran ko na siya. Baka kasi hintayin niya ko pag uwian eh.

"A-anong date?!" sigaw niya. Di ko na sya nilingon.

"Cass! Anong date?"

....

"Cass!"

Nasa taas na ko nang marinig ko ang yapak niya na tumatakbo palapit sakin. At sa isang iglap naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko kaya bored na bored ko siyang tinalikuran.

"Anong date?" kunot noo niyang tanong. "Bakit kayo may date?"

Sasagot na sana ako nung dumakdak nanaman sya.

"Hindi ka safe sakanya. Tsaka bakit ka pumayag? Edi takasan mo siya"

This time ako naman ang ngumisi sakanya. Lumapit ako sakanya kaya naman parang natameme sya.

"No way" bulong ko sa tenga niya.

At winaklis ko ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko. Naiwan siya dun na kunot ang noo at naguguluhan.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon