Chapter 36

97 4 0
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

"Pero realtalk, noon shiniship ko kayo ni Jace. pero ngayon panira na rin si Devianni. Narealize ko na bagay kayo"

"Nakakasuka ka. Bestfriend mo binubugaw mo"

Sinauli ni Smritti yung hawak niyang damit kanina at nakapeywang na humarap sakin.

"Kahit naman di kita ibugaw, mapupunta ka pa rin kay Devianni eh. May naisip tuloy ako bigla.."

"Ano nanaman yang naisip mo" walang gana kong tanong habang namimili pa rin ng damit.

Pagkatapos ng namgyari kanina sa Nutella Frozen Shop, napagdesisyunan namin ni Smritti na pumunta dito sa H&M para mamili ng damit pero dahil madaldal ang bestfriend ko, nakaabot dito ang pang aasar nya sakin.

Kinuha ko na yung pang ika-12 na dami na napili ko at nagpunta papunta sa counter. Sumunod naman sakin si Smritti dala ang mga napili niya rin pero agad akong napatigil at nilingon sya dahil sa nakakasukang sinabi niya.

"Naisip ko lang kung ilan magiging anak niyo kapag kinasal na kayo after makagraduate sa college. Sampu? Twenty?"

"The fudge?" nandidiri ko syang niligon. Bunganga talaga nito.

Muli na kong naglakad at ganun din siya patungong counter. Inilapag namin dun lahat ng pinili namin at sinimulan na yun icheck nung cashier. Pinaalalahanan ko naman na bukod yung akin kay Smritti.

"Sinasabi ko lang yung katotohanan." At ayan nanaman sya. May pinaglalaban nanaman sya.

Tinarayan ko nalang sya at tinuon ko na ang atensyon ko doon sa mga damit.

"Pero Cass, Pag may babae kayong anak ipangalan mo Smritti o kaya Andie. I'm telling you, pag yun ang pinangalan mo automatic na maganda na yun!"

"Will you??" shocks. Ano bang pinagsasabi niya.

Ni hindi ko nga iniisip na magkakaanak kami nung kumag na yun eh. Kahit ang maisip man lang na gumagawa kami ng milagro- Yuck!

"Sabi ko nga." at nagsimula na siyang magpout. Childish talaga.

"29,992 po." singit nung cashier.

Kinuha ko naman yung credit card ko sa wallet ko pero bago yun tinanong ko muna kung magkano yung apat na paper bag which is yung akin.

"14,294 pesos po."

"Cass, isama mo na bayaran yung akin. Itratransfer ko nalang sayo yung pera na pinangbayad mo sa damit ko." habol ng katabi ko. Di na ko pumalag dahil ganun talaga siya pag nagshoshopping kami pero binabayaran naman niya kaya okay lang.

Pagkatapos namin magbayad at lumabas ng store, sakto naman ang pagring ng cellphone ko. Tanda na may tumatawag.

Mother Earth calling..

Wag niyo na tanungin kung sino yan.

"Hi mom"

"Hi sweetie!"

"Napatawag ka po?"

"Grabe. Parang ayaw mo naman na tumatawag ako sayo" rinig ko ang pagdradrama niya sa kabilang linya.

Napabuntong hininga naman ako. Minsan tuloy naiisip ko kung nagkapalit lang kami ng kapalaran ng katabi kong si Smritti. Mas magkaugali sila ni mommy eh.

"Pero joke lang. Tinawagan kita kasi sabi ni Manang nasa mall ka daw at ganun din si Devianni kaya naisip kong pumunta ka sa store ng ninang mo. Magsukat ka na ng gown mo."

At dahil nakaloud speaker ang tawag. Narinig yun ng bestfriend ko kaya halos magningning ang mata nya sa narinig niya. Daig pa ako eh. Tss

"So para yun sa debut ko?"

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon