Chapter 31

121 6 1
                                    

Cassiopeia And Devianni sa picture~
---*

CASSIOPEIA MCDOWELL.

Tatlong chocolate ng Amedei Porcelana.

Teka. Mahal to ah?

Kinuha ko yung isa at iniwan yung tatlo sa study table ko. Lumabas na ko ng kwarto para icheck kung nasa baba na si Manang.

Habang nasa hagdan. Masaya kong binuksan yung chocolate na hawak ko at kumagat dito. Heavennnn!

pagdiretso ko sa kusina, wala pa rin akong naabutan na presensya ni Manang dun kaya dumiretso ako sa Maid's room pabalik sa taas.

Kaso pagpunta ko dun ay wala din akong nadatnan na tao. Pababa na sana ulit ako nang halos atakihin ako sa binanggaan ko mula sa likod.

"Shoot! Hinay hinay naman! Nakakagulat ka eh!" Sabi ko. Yakap yakap ko pa yung chocolate na kinakain ko.

Chest pala ni Devianni yung binanggaan ko. Ang tigas ah este ahh. Ewan.

"Anong problema mo?" inis ko pang salubong sakanya.

"Wow ah. Akin na nga yang binili kong chocolate!"akmang kukuhanin na nya yung binigay nya sakin kaso nilayo ko to agad sakanya.

"WALA NA BAWIAN! Sino ang amo mo rito?" pagbabanta ko. Natigilan naman sya at umirap.

"Traffic daw sabi ni manang kaya wala pa sya" wala nyang gana na sabi. Aalis na sana sya nang nakaramdam ako ng guilt.

Ano ba yan Cass! Nilibre ka na ng napkin at chocolate ganyan pa rin trato mo!?

Bakit kahit ngayon lang kaibiganin mo muna! Ganyan ka ba kamaldita at kasama!?

Konting hiya Cass. Wala kang utang na loob.

Ayan nanaman ang konsensya. Binubulungan ako. Ugh.

Walang puso!

Shut up..

kahit ngayon lang pakisamahan mo muna!

Tinitigan ko sya na papahakbang na patungo sa kwarto nya ng hinabol ko sya at hinawakan sa braso.

Napalunok nanaman ako. Y-yung... biceps kasi eh.

"Bakit?" taas kilay nyang sabi.

Natameme naman ako at parang nag-iisip pa ng sasabihin. Umayos ako ng tayo at inirapan din sya para ganti sa kaartehan nya.

"Samahan mo nalang ako kainin tong chocolate" wow. Iba ka talaga konsensya.

Natigilan sya saglit at parang nag-iisip pa. As if naman may isip sya.

"Okay." sabi niya.
"S-sa garden?" Bakit ka ba nabubulol?!

"Ikaw bahala" sabi niya.

binitawan ko na sya at naunang humakbang pababa ng hagdan. Bale nasa likod sya at sinusundan ako.

"Hala. May tagos ka ulit"

Nagitla naman ako at tinignan yung likod ko. Balak ko na sanang magtago ulit sa kahihiyan kaso napansin ko syang nagpeace sign sabay sabing "Peace! Joke lang."

Nababanas akong hinampas sya ng box ng chocolate. "Mauna ka na nga maglakad!" asar kong sabi. Nung una ayaw pa nya pero sumunod na rin sakin nung kalaunan.

Nakarating naman kami sa garden. Napagdesisyunan kong doon kami dumiretso sa tree house.

And yeah. May tree house dito. Kagabi ko lang din napansin e.

Nang makaakyat kami. Daig pa namin ang pipi sa sobrang tahimik nang paligid. Shinare ko na yung kinakain ko at kumuha din sya (kahit labag sa kalooban ko. Wag lang bumagabag si konsensya)

Napansin ko yung picture na nakaframe at nakasabit sa dingding ng tree house. Nang matitigan ko ito narealize kong si Devianni pala yun. Muntik pa kong matawa kasi apple cut ang gupit nya noon.

"Eto yung bahay bakasyunan namin kapag umuuwi kami dito at nagbabakasyon galing Australia" aniya.

Ahh. Kaya pala. "Sayo tong tree house?" tanong ko.

"Oo. Uhm.. Dito.." nagdadalawang isip pa sya.

"Anong dito?" kainis e. Ayokong binibitin ako.

"Nevermind" buntong hininga pa nya. Hinampas ko ulit sya ng box ng Amedei at binantaan ko syang sabihin sakin yung sasabihin nga dapat. "Ako ang amo dito!" habol ko pa.

"Wala!"

"Isa! tatawagin ko si tito jacob!" banta ko.
Tinitigan muna nya ko sabay iwas ng tingin at nagsalita ulit. "Dito kami naglalaro ni Jace noon kapag magbabakasyon din sila dito"

I stopped for awhile nang marinig ko iyon.

I know I'm rude pero kusa nalang lumabas sa bibig ko yung question na matagal ko nang gustong itanong sakanya.

"Bakla ka talaga?"

Ako na talaga. I don't know pero kasi minsan nagdadalawang isip din ako kung bakla si Devianni. Kasi minsan di obvious.

"Ang talas talaga ng dila mo noh?" aniya. Medyo may pagkainis pa.

"Eh sa ganun ako!"

Inirapan nya ko pero agad din naman lumungkot ang mukha nya. "Yeah"

Kumagat ulit ako doon sa kinakain ko at muling nagtanong sakanya.

"Bakit di obvious?"

"The eff? Alangan namang ilantad ko diba! You don't know my dad Cass!"

"Alam na nya?" kalmado kong sabi sakabila ng naiirita nyang sagot. "Eh bakit ayaw mo sabihin? Malay mo tanggapin ka nya"

"Like what I've said. You don't know him Cass. He may look serious and evil but he's worse than that" seryoso nyang sagot.

"What a speech. He's still your dad"

"Unfortunately, yeah."

Tinitigan ko sya na parang sinusuri. Napansin naman nya yun kaya hinawakan nya yung pisngi ko at maarte na tinulak para di ko sya matitigan.

"Eh bakit ganun. Kung bakla ka nga, Bakit Di ka nagsasalita ng gayish words?"

Inirapan namaman nya ko na parang katangahan yung sinabi ko. "Duh Cass. Alam ko ang salitang class. No need to say it para lang masabi na bakla."

"Edi wow." sagot ko. Umayos ako ng upo at tinignan siya ulit "Eh once in your life ba nagkagusto ka sa babae?" di siya sumagot pero magkasalubong ang kilay nyang nakatulala sa sahig dito sa tree house. "Eh may type kang girl?" I asked. Dun ko nakuha ang atensyon nya. Medyo nailang naman ako dahil medyo malalim syang nakatitig sakin. Idinaan ko nalang sa biro yung sunod kong sinabi kasi nakakailang talaga yung tingin nya although nagagandahan ako sa mata nya.

"Ako yung type mo noh kaya ganyan ka makatitig?" pang aasar ko. Syempre tulad ng sabi ko biro lang yun. Yuck di ko maimagine na may gusto sakin tong bakla kong katabi.

"Eew. Bastos din ng bunganga mo eh noh? Kung pipili ako ng babae sisiguraduhin ko naman yung mabait at mala anghel. Di tulad mong maldita at moody"

tinarayan ko naman sya sa sinabi nya. Di ko magawang sumagot dahil uhmm. Yeah. Totoo naman.

"What ever. Atleast nagpapakatotoo ako unlike you" ganti ko. "Pero Devianni, gusto mo ba talaga si Jace" habol kong tanong. Naalala ko lang.

Bumalik yung malungkot nyang mukha at di nakasagot. Napatahimik nalang ako. Based on his expression, alam mo na yung sagot.

"Ayy jusko. Ang sakit sa ulo ng traffic!"

Napatayo naman kami ni Devianni ng wala sa oras nung pareho naming marinig ang pagbukas ng gate at makina ng kotse.

"Nandyan na si Manang." aniya.

Nauna na kong bumaba at pumasok sa bahay samantalang si Devianni ay dumiretso para tulungan na kuhanin ang mga pinamili ni Manang Sita kasama si Kuya Ronald.

Pagpasok ko sa bahay, dali-dali kong dinukot yung cellphone sa bulsa ko at napatingin dito.

"Good. Narecord. Another evidence para maipam block mail."

At tuluyan na kong umakyat patungo sa kwarto.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon