Chapter 35

81 3 0
                                    

CASSIOPEIA MCDOWELL

2 weeks.

Okay, dalawang linggo lang naman.

"Sure ka ba dyan Cass?" nilingon ko naman si Manang Sita na kasalukuyang ginagabayan ako sa ginagawa ko ngayon.

Weekend ngayon at napaka boring kaya nag volunteer na ko na ako magdilig ng halaman sa garden. Magdilig lang naman. Madaling gawin yun kumpara ata sa maghugas ng plato.

"Okay lang po" Actually natry ko na magdilig ng halaman nung bata pa ako. Di naman ako tulad ng ibang anak mayaman na parang ikamamatay nila ang magsagawa ng gawaing bahay. In fact, mas gusto pa nga ni mommy na natututo ako sa ganito para daw di ako laging nakadepende.

Pinaandar ko na yung tubig sa hose at nagsimulang magdilig ng halaman samantalang si Manang Sita ay inoobserbahan ako.

"Oh Jake, san ka pupunta?" natigilan naman ako sandali ng marinig ko ang sinabi ni Manang Sita pero bumalik din naman agad ako sa gawain. Di ko na nilingon kung sino ang kinausap nya dahil obvious naman kung sino.

"Sa mall lang po. Kikitain yung kababata ko"

Kumunot naman ang noo ko sa sinagot niya. Kababata? Si Jace?

Eh ano bang pake mo Cass?

Sabi ko nga.

Nagpatuloy nalang ako sa pagdidilig habang naririnig ko ang makina ng kotse ni Devianni sa garahe hanggang sa makaalis to. Nung wala na sya tsaka ko naman narinig ang footsteps ni Manang na papalapit sa likod ko.

"Naku, yung batang iyon talaga.. Nga pala Cass, hindi sa pangingialam, pero bakit may napapansin ako nitong nakaraang dalawang linggo?"

Dun ako natigilan sa paggalaw at tinuon ang atensyon kay Manang. Dalawang linggo na nga pala.

"Ano pong napansin?" pagmamaang-maangan ko.

"Hindi kayo nagpapansinan ni Jake. Nasanay ako sainyo na nagbabangayan o away kayo pero nitong nakaraan wala man lang kayong imikan. Ni tumingin sa isa't isa di niyo magawa. Bakit? May problema ba?"

Napako nalang ang tingin ko sa bermuda bago ulit tumingin kay Manang at ngumiti ng pilit.

"Wala yun Manang. Busy po kasi sa school kaya ganun" pagsisinungaling ko.

"Ahh ganun ba. Akala ko naman may nangyaring away. Basta pag may di pagkakaintindihan banggitin niyo lang sakin. Kaya nga kayo nagsasama sa iisang bahay ay para magkamabutihan kayo"

Tinanguan ko nalang ang sinabi niya. Paalis na sana sya kaso halos matigilan sya ng magulantang sya at mapasigaw.

"Hala manang? Okay lang po kayo?" Pinatay ko muna yung tubig at lumapit kay manang.

"CASS!! 2 weeks nalang!"

Nakatunganga lang ako sakanya dahil di ko nagets ang sinabi niya.

"Debut mo na! dalaga ka na!!" tuwang tuwa pa nya na sinabi.

Halos malaglag na ata ang eyeballs ko sa narinig ko. Ngayon ko lang napagtanto na malapit na ako magbirthday.

Shocks! Sa dami ng iniisip ko pati iyon nakalimutan ko!

Sobrang makabuluhan ng 2 weeks sakin ngayon ah? 2 weeks walang pansinan sa isang abnoy at 2 weeks nalang ang natitira at 18th birthday ko na.

"Tumawag kahapon ang mommy mo at isang buwan na niyang plinano ang debut mo. Baka maya-maya tatawag na yun para simulan ang paghahanda sa birthday mo. Dalaga ka na Cass" tuwang tuwa nya na banggit.

My Fiance's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon